KABANATA 1 Simula
(Ang Simoy Ng Unang Pagkikita)NAPANSIN ko na ang tilaok ng mga manok at ang malamig na simoy ng hangin at hamog habang nasa kalesa ako.
alas sais nadin ng umaga kaya ramdam talaga ang lamig ng hangin at lalo na dahil habagat daw ngayon.
Nakita ko din ang mga tao mapalalaki man o babae na nagtatrabaho. Subrang abala nila.
Naisip kong kaya pala naisipan nila ama at ina na papuntahin ako dito sa pilipinas ay dahil nais nila na matuto ako sa mga gawaing dapat tinataglay ng kababaihan dahil sa panahong ito mahalaga na umakto ka sa kasarian iyong tinataglay at sumunod sa iyong magulang.
nauna nang pumasok ang aking isang tagapagsilbi patungo sa mansion para malagay na nya ang aking kagamitan sa silid na aking tutuluyan.
"Ako nga pala si Amalia Delos Santos"
pagpapakilala ko sa isang kasambahay samin dito sa mansion.
napansin kong hindi ito ngumiti sakin sabagay hindi naman kami magkakilala at syaka baka mahiyain lang din sya kaya ganon.. yumuko na ito at tumalikod na din. Napansin kong parang nasa labing apat napu palang sya.Napansin ko ang magarbong disenyo sa mansion ang (chandelier) mga dekorasyon mga bulaklak ng (Lavender) sa paligid nakakahalina napangiti nalang ako..
"o buti naman at ngumiti kana Amalia kanina ang simangot mo mas maganda ka tignan kapag ngumiti ka.."saad ng aking nakakatandang kapatid na si Aleesa
"ang mabuti pa Amalia tumulong ka muna sa paglagay ng mga dekorasyon para sa nalalapit na pasko. hmm intendo? opo sagot ko."
oo nga pala nalalapit na din ang pasko tatlong buwan nalang mag no noche Buena na ang mga tao. Well Naisip ko masyado padin namang maaga para mag lagay ng mga dekorasyon sa paligid at luob ng Bahay ah. Pero naisip kong traditional nga pala ang ate ko. Hmm tutulong nalang ako tutal wala naman akong magawa sa bahay.
inalalayan ako ng mayor doma ng masion papunta sa aking silid. Agad akong dumiritso sa veranda ng aking silid. hindi ko akalain na ganito pala ang pilipinas mayroong sariwang hangin mayroong mga mayayabong dahon malinis na paligid mga huni ng ibon ay iyong maririnig. Nalulungkot ako habang iniisip na ang sariwang paligid nanatatamasa namin ngayon ay maaring magbago sa paglipas ng panahon. Sana lang alagaan Ito ng susunod pang mga henerasyon.
Natigil ang aking malalim na pag-iisip ng may narinig akong nagsalita sa bungad ng pintuan ng aking silid.
"Señorita Amalia tinatawag kayo ng iyong kapatid na si Señorita Aleesa"
"ah salamat po manang? Naisip kong hindi ko pa pala siya kilala.
"Manang Conchita Ramos." Pagpapakilala nya sakin. "Ah salamat po manang conchita sa tulong."
Bat parang pakiramdam ko nakikipagplastikan lang ako? Well para kasi akong bumait eh.
HABANG pababa ng hagdan napansin kong nakauwang ang pinto ng sinasabi ng mga kasambahay kanina na kay ama daw sinubukan kong pumasok at namangha ako ang kinis ng sahig nito at ang amoy ng kandila at (lavender) ay nag uumapaw sa bango at kaginhawaan. napansin ko ang isang para sulat (bolpen) sa sahig napansin kong may initials ito na L ngunit hindi nakataas saking pansin ang isang itim na laylayan ng gabadirno sa ibaba ng mesa gusto ko na sanang tignan ang ibaba nang mesa nang tawagin na ako ng aking nakakatandang kapatid na si aleesa.
Gosh ang annoying kaya
nang makakababa nako ng biglang matapilok ako..
"yan kasi eh mag-iingat ka alam mo sukat mo to" Saad ng aking nakatatandang kapatid sakin.
BINABASA MO ANG
Love Rain
Tarihi KurguAnong gagawin mo kung nahuhulog kana? A lady who's desperate to ask the guy to marry her for their own good But little did she know the secret of the guy she's marrying. Historical Era This is not your typical lovestory