Chapter 5📚

152 8 1
                                    

Bigla na lamang akong napasigaw at agad akong napa upo, naramdaman kong biglang nanginig ang katawan ko, umiiyak akong niyakap ang sarili ko. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko, pero nangingig parin ako at nagmamadali kong kinuha ang gamot na nasa study table ko at kahit nang hihina ay sinusubukan ko paring mag tungo sa kusina at kumuha ng tubig. Agad kong ininum ang gamot at sinusubukang pakalmahin ang sarili ko.

Napa upo na lamang ako ng maramdaman ko ang sarili ko na kumalma. Sa ilang taong na ang lumipas, nakinalimutan ko na ito, pero bakit tila bumabalik sa isip ko ang masamang alaala.

Agad akong napatingin sa sing sing na sout ko ngayon at hinaplos ko ito ng dahan dahan, habang nararamdaman kong unti unting tumutulo ang mga luha sa mga mata ko, napapikit na lamang ako ng maramdaman ko muli ang sakit ng nakaraan na hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko at andito parin sa puso ko. Kung masakit

Hindi ko na mapigilang humagulgul at iiyak na lamang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak at nagising akong masakit ang katawan ko at fell ko ay namamaga ang mga mata ko.

Agad ako napatayo at tinungo ang kwarto ko, para maligo. Pero bigla na lamang akong napa hinto ng mapansin kong mag alas 5 na pala, kaya nag mamadali akong tumakbo sa cr at naligo ng mabilis at agad ko ginawa ang daily routine ko.

Agad ako nag tungo sa maliit kong restauran at agad nag luto ng mga pagkain na dadalhin ko mamaya sa charity at ng matapos na akong makapag luto ay agad ko itong inilagay sa mga lagayan at inilagay sa kotse ko. Nagmamadali din akong nagmaneho patungong Montenegro University

Nang makapasok na ako sa MU ay agad akong nag park ng kotse at agad akong lumabas, pero bigla na lamang akong napahinto ng bigla na lamang mag ring ang cell phone ko sa loob ng bag ko, kaya agad ko itong kinuha at tinignan kong sino ang tumawag, agad ko itong sinagut na may ngiti sa mga labi ko.

"Hello baby, Good morning and how are you?"
Naka ngiti kong pagkasabi sa kanya, habang nagmamadaling mag lakad patungo sa building ng section E, dahil kaylangan kong maging maaga sa kanila, para mapag handaan ang plano na naisip ko kahapon.

Pero bigla na lamang akong napahinto at napatingin sa kabila ng mapansin kong may naka tingin sa akin. Agad ako nakaramdam ng kilabut at unti-unting nawala ang mga ngiti ko sa labi, alam kong may tao sa loob ng magarang kotse, pero hindi ko makita, dahil tinted ang bintana nito. Inirapan ko na lamang at nagmamadaling lumakad.

"I miss you mommylab."
Malambing nitong pagkasabi sa akin na ikina ngiti ko.

"I miss you too baby, did you eat your breakfast?."
Malambing kong pagkasabi at narinig kong tumawa ito ng malakas, agad napuno ng saya ang puso ko ng marinig ko ang masaya nitong boses.

Marami pa kaming pinag usapan, bago ko tinapos ang tawag sa kabilang linya.

Agad akong nag tungo room ng section E at agad kong ginawa ang plano ko kahapon at mabuti na lamang ay dumating ang mga taga linis at tinulungan ako, kaya agad kong natapos ang ginagawa ko. Napangiti na lamng ako ng makita ko kung gaano na kadumi ang paligid at nakalipas ang ilang oras ay biglang nag si datingan ang mga student ko at nagulat pa sila ng makita ako.

Natulala ang iba ng makita nila ang mga boung room na may mga mukha nilang naka paskil, habang naka dikit sa bobong.

Nang sumapit ang alas 9 ay agad akong tumayo.

"Good morning class, marahil nag tataka kayo kung bakit nakikita niyo ang mga mukha niya na nasa ding ding, habang ang iba ay naka sabit, will class, ang mga nakasabit ay alam kong sila yung mga most bully dito school, habang ang mga nakadikit ay mga mababait na student na nahawaan mo lang Mr. President."
Naka ngiti kong pagkasabi at nakita ko mismo sa mga mata ko kung pano ako tinignan nito ng masamang tingin, pero nginitian ko lamang ito at nag simulang mag lakad.

"Kapag nawala ang ulo niya dito sa loob ng room, mean patay na kayo."
Nakangiti kong pagkasabi sa kanila na tila isang ngiting demonya.

Napansin ko ang iba na biglang natakot.

"You!"
Turo ko sa isang lalaki na ngayon ay biglang napa atras sa gulat at tila kina kabahan.

"Balita ko na may girlfriend ka sa kabilang section and buntist ito."
Agad itong napatingin sa akin na hindi makapaniwala.

"How did you know?"

"How did i know, simple! because im woman na mag papatino sa inyo! lalo kana Miguel, hindi ka man lang na awa sa mga magulang mo na nag papakahirap para mapa aral kalang dito and do you know what, nabalitaan kong mas lalong nag hihirap ang mga magulang mo ng dahil sayo, Wala kang kwentang anak, dahil sa halip na suklian mo ang mga paghihirap ng mga magulang mo ay hindi mo ginawa!."

"I know some of you ay anak ng mga mayayaman at scholar ship ng pa aralan ng Montenegro University, pero wag niyo sanang baliwalain ang mga pag hihirap ng mga magulang niya, dahil mararanasan niyo din yan balang araw and did you know class, there have a different life or story of everyperson. Marahil ay maswerte kayo, kasi nakapag aral kayo sa magagandang paaralan at magaganda ang mga buhay niyo, pero huwag niyo sanang baliwalain ang mga yun."
Lihim akong napangiti ng mapansin kong apektado sila sa mga sinasabi ko. Lahat sila ay tumahimik.

Agad kong nahawakan ang bula na tinapon sa akin ni miguel at agad itong binalik sa kanya na may dobleng lakas at bigla itong tumama sa mukha niya at lahat sila ay nag tawanan, pero agad kong sinapak ng malakas ang lamisa at agad silang napatingin sa akin. Napansin ko na bigla silang tumahimik lahat.

"Anong nakakatawa dun?, happy? masaya kayong may nakikitang mga ganung eksina!."
Sigaw ko sa kanila at bigla na lamang silang nag siyukuan at tila hindi makatingin sa akin na deritso, napansin ko din sa iba na tila takot na takot ito sa akin.

"Sumunod kayo sa akin, may ipapakita ako sa inyo at kung sino man ang hindi sumunod, magdasal na kayo sa parusang ibibigat ko!"
Mataray kong pagkasabi sa kanila at lihim akong napangiti ng sumunod silang lahat sa akin.

"Sino sa inyo ang mga walang kotse?"
Tanong ko sa kanila at halos limang student ko lamang ang taas ngkamay at agad naman akong tumango, pero napatingin ako kay miguel na seryusong naka tingin sa akin.

"Iwan niyo ang kotse niyo at mag commute tayo, may ipapakita ako sa inyo."
Agad ako nakarinig ng pag rereklamo ng iba, pero hindi ko ito pinansin.

"Sa mga hindi susunod sa akin ay sila ang papasok sa akin ng tatlong araw sa araw ng holiday at may parusa din akong ibibigay. At sa mga susunod naman sa akin, hindi kayo papasok sa araw ng holiday sa akin."
Agad ako naka rinig ng hiyawan at habang pa punta kami sa pupuntahan namin ay palagi akong nakakarinig ng reklamo. Hindi ko mapigilang mapangiti, dahil karaian sa kanila at first time mag commute.

Agad kami nag tungo sa squater area at nakarinig ako ng komento ng iba kong mga student pero hindi ko sila pinansin.

"Dito nakatira ang mga taong mahihirap at nakikita niyo naman diba kong gaano kagulo ang lugar nato at mabaho. Dito nakatira ang dati kong kamag aral na nakapag aral noon sa MU, pero dahil nabuntist ng maaga ay piniling hindi na mag aral at hindi ito tinanggap ng mga magulang, ngayon ay dito na siya naka tir-"
Bigla na lamang akong napa hinto ng bigla may tatlong bata ng sobrang mapayat na nang mama limos sa akin.

Agad ako naglabas ng pera ko at binigyan sila.

"Salamat po ate, makakain na din po kami, tatlong araw napo kasi kaming walang matinong kain ng mga kapatid ko."
Sabi ng mas matangkad sa kanila at sa tingin ko ay ito ang nakakatanda sa kanilang magkakapatid.

"Nasaan na pala ang mga magulang mo?"
Tanong ko sa kanila at agad itong ngumiti sa akin na bakas ang kalungkutan sa mga mata.

Akong kong na alala ang anak ko at si Ace, pinigilan kong umiyak at agad umiwas ng tingin. Hindi ko maiwasan isipin si Ace, kamusta na kaya ito? Nakapag asawa na kaya ito?.













Secret Affiar 1:  Head MinisterWhere stories live. Discover now