Chapter 10: Changes
**Superduper Mega Over Fastforward**
Okay. OA na =_=
3Months Latuurr xD
"Hays. Ang init naman ngayon! -3-"-Tao
"Oo nga e. Ang hot ko na nga sumabay pa yung panahon. Yan tuloy, ang init ngayon :D"-Kai
"Pssssshhhhh. Tigil mo na nga yan."-Exo
Shinnie's POV:
"O, talaga Kai?? Kaya ka pala nasunog."-Ako =_=
"Ooowwwwww. Grabe ang hard tol. HAHAHA"-Chanyeol na wagas makatawa.
"Atleast sumang-ayon kang hot talaga ako."-Kai na nagwink pa sakin. Yak. =_= Kawalang gana. Kumakain pa man din kame.
Di nalang ulit ako umimik.
"O, diba?? Di sya nagalit. Nanahimik lang. Silence means yes daw di ba?!"-Kai na nakasmirk. Hays. Feeling ko habang kasama ko to makakapagdiet ako. Nakakawalang gana pag eto kasama kong kumain e. Nababawasan tuloy yung fats ko. ( =3=)
"Bakit tol, may tinatanong kaba para sumagot sya ng yes??"-Luhan
"Oo. Tinatanong ko kung crush nya ba ako at ayan ang sagot nya. Di ba Shii??"-Kai.
Di ko lang sya pinansin. Shii nga pala yung tawag nya sakin, ayaw ko nga nun e. Di ko naman pangalan yun. Sabe naman nya ayun daw gusto nya para sya lang tatawag sakin nun. Bigyan daw ba ako ng pet name?! Hinayaan ko nalang kesa mahighblood pa ako dahil sakanya. Mastroke pa ako xD
3 months na ang nakalipas mula nung matamaan ko si Kai ng bola. 3 months na rin mula nung umpisahan akong inisin, badtripin, at buryuhin gamit lang ang prisensya nya. Feeler kasi sya masyado. At hanggang ngayon di parin yon nagbabago.
Kung sabagay, di naman na siguro magbabago yung taong yun.
2 months, 1 week and 3 days na mula nung inamin ko sa inyo at sa sarili ko narin na crush ko si Sehun. Ang galing ko no?! bilang ko talaga yung araw na lumipas xD Ganun talaga ang mga malulupit na katulad ko! O, ano?? Namangha na naman kayo?! Crush nyo na ko nyan?! xD HAHAHA. Joke lang.
Anyway, yun nga. di pa rin ako tinitigilan ni Kai. Lagi nya pa rin akong bina-badtrip. Pero bukod dun, ka-close ko na yung EXO. Di naman ganun ka-close. Parang ngitian, batian lang pagnagkakakitaan sa kung saan (pero actually, sila lang naman talaga yung ngumingiti sa akin, di ako. Di nga ako palangiti, remember?) Close na bang maitatawag yon?!
Para sakin kase, Oo. Wala naman kase akong kinikibo dito sa school maliban kay Nana.
So, para sa akin ka-close ko na ang Exo.
Nasanay narin ako sa mga death glares at mga malalakas na bulungan ng mga babaeng mapagmahal :3 Ewan ko lang kung pati si Nana, sanay na rin.
"Hey. Nagsspace-out ka na naman. Di pa ba sapat na andito na ko sa tabi mo? Di mo na kailangan pang isipin ako. Haha."-Kai. Kitams?? Ang hangin nya diba?! Kaya prisensya palang nya sapat na para sirain yung buong isang linggo ko e.
Nga pala, andito kame sa cafeteria. Lunch break na kase. Kanina kasi, pinagmamadali ko si Nana na lumabas e, kaso ang bagal kumilos. Naabutan tuloy kame nitong mga ungas.
"Bat naman kita iisipin? Sino ka ba??"-Ako
"Awwwtsss!!! Grabe. Ang sakit nun Kai. Napakalupit mo Shinnie. Ikaw lang ang natatanging nakapagsabe nyan kay Kai."-Baekhyun
sinabayan pa ng "Owwwwww. Sakeeeeet" nung iba pa.
"Ako lang naman ang gwapo mong crush. Pasalamat ka pa nga at sinasamahan kita e. Ang dami kayang mga babae dyan ang gustong makasama ako---" -Sagot nya na parang di narinig yung pang-aasar nung mga tropa nya.

BINABASA MO ANG
WHEN A CASSANOVA FALL INLOVE
FanfictionWhen a Cassonova fall inlove, many unfamilliar things will happen. Many things will be changed. Many people will be shocked... When A Cassonova Fall Inlove. :)