CHAPTER 13:

56 0 0
                                    

Chapter 13: I admit...

Shinnie's POV:

1 month na mahigit akong hindi ginugulo ni Kai. Bakit bilang ko?! EWAN! Hindi ko alam.

Basta alam ko lang, nakikita ko nalang yung sarili ko na binibilang yung mga araw na hindi nya ako pinapansin.
Di ba dapat matuwa ako?

Pero bakit ganun, imbes na matuwa ako ba't parang nalulungkot ako?

Hay, ewan! Ang gulo ko na! >_<
Pero tinigil ko narin yung pagbibilang ko nung lumampas na ng 1 month.
Parang alam ko na rin kasi na hindi na nya ako papansinin.
Pero ang bigat sa pakiramdam kapag naiisip ko yung bagay na yun. Yung hindi na nya ako papansinin. Ewan!

Nga pala, malapit na kaming grumaduate. Siguro mga 1 month nalang. Pero bago yun, meron muna kaming JS Prom.
At good news, wala pa akong parner!
Pero parang ayoko nalang ding pumunta. Si Nana, ewan ko lang kung meron ng partner yun. Di ko naman kasi sya natatanong tungkol dun.

Oo nga pala, may bago akong kaibigan, si Ni Joo.

Nakilala ko sya doon sa may canteen.
Nakita ko kasi syang ginugulo nung mga Pabebe girls.
Lakas makabully, ang sho-shonget naman.

Oy, di ko naman sinasabi na kapag gwapo o maganda may karapatan ng mambully ah?! Baka kutusan ko kayo :)

Anyway, yun nga. Tinulungan ko sya, tapos kinausap ko na sya. O diba?! Ang friendly ko XD Pero joke lang yun, si Nana talaga yung dumaldal sa kanya ng bonggang-bongga.

Tapos yun, parang mahiyain pa nga sya e. Di sya masyadong nagsasalita.
Ako din naman, pero kinakausap ko pa rin sya ng konti XD

Tapos yun, naging friends na kami. XD

Ngayon nga pala ay nasa bahay lang ako. Linggo ngayon, at ako ay namamahinga lang XD hahaha. Lols.

Kasama ko dito si Kookie.
Ang alam ko ay mag ma-mall kami ngayon. Ewan ko lang kung anong nakain nya at naisipan nyang mag mall XD

Pero kung ano man ang nakain nya ay isa-suggest kong kainin nya araw-araw XD HAHAHAHA

So, yun nga. Nakatunga-nga lang ako ngayon dito dahil hindi ko alam kung tuloy ba ang aming pag-alis. 10 na kasi. Di ko nga alam kung maliligo na ba ako kasi hindi nya pa ako sinasabihan kung aalis pa ba kami. XD

"Nie."

And speaking, eto na syaaaa~

"Oh?--- Anak ng?! Bat nakabihis ka na?!" Beast mode on ako ngayon dre!
Nakabihis na ang magaling kong kapatid at feeling ko ay iiwan nya ako :/ fishtea!

"Anong oh? Hindi ka ba sasama?! Sinabihan na kita na magma-mall tayo ah?! Enebeyen! Minsan na nga lang akong mag-aya e." Sabi nya sabay arte. Ang harot netong kapatid ko. -_-

"Nakakainis ka Kookie!! Nag-aantay ako dito na sabihan mo, tapos nag-aayos ka na pala. Di mo man lang ako ininform!
At Oo, sasama ako. Hindi mo ko maaaring iwanan. Ikaw na ang nagsabi, minsan ka lang mag-aya! Susulitin ko na to! Mag-intay ka dyan! Maliligo lang ako!"

"Bilisan mo ah?"

"Oo na! Napakabuti mong kapatid!"

Hays. Ang galing no? Magkalapit lang kami pero nagsisigawan. Ganun talaga XD

Sandali lang ay natapos na rin ako sa paliligo ko. Isang plain black na T-shirt lang at skinny jeans lang yung suot ko. Nakaconverse na high-cut ako. Yun lang yung porma ko, magma-mall lang naman kami ni Kookie e. Di ko na kailangan na mag-ayos ng bongga. Yung buhok ko nakamessy bun lang. Wala e, nagmamadali na kasi ako XD Baka iwanan na ko ni Kookie.

WHEN A CASSANOVA FALL INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon