Masyadong nakakapanibago kung yung dating manloloko ay magseseryoso.
Parang bang ang hirap paniwalaan.Dapat nga ba akong maniwala? Baka naman kasama lang 'yon sa pagpapanggap nya para makuha ang loob ko? Para mapatunayan nya sa sarili nya na kaya nya talagang akitin ang lahat?
Trophy lang ba ang tingin nya sakin? Na kapag nakuha nya ako kay may maipagyayabang na sya? Na isa akong patunay na kahit ang babaeng hindi sya pinapansin ay kayang-kaya nyang palingunin at paibigin?
Nung una ay naiirita talaga ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan sya humuhugot ng lakas ng loob. Napakayabang nya, sobra! Napakasama pa ng ugali. Tama bang paglaruan ang nararamdaman ng mga babaeng may gusto sa kanya?!
Hindi purket alam mong may gusto yung tao na 'yon sayo ay pagsasamantalahan mo na ang nararamdaman nya para sayo. Hindi iyon pribilehiyo para paglaruan mo ang damdamin nya para sayo. Hindi iyon nakakagwapo."Shinnie. Ang tagal mo naman ata dyan? Kanina pa kami nag-aantay dito oh!" Sigaw ng tao sa labas ng kwarto ko.
"Teka lang Sehun! Sandali nalang ako dito. Wait lang ha?!" Sigaw ko pabalik habang nagmamadaling mag-ayos sa harap ng salamin sa kwarto ko.
"Bilisan mo na! Baka ma-late na tayo." Maririnig mo ang pag-aalala sa boses nya. Grabe, ayaw nyang ma-late sa unang araw ng pasukan e, alam naman naming wala pang professor kapag unang linggo ng pasukan. Atat?
"Oo na! Eto na nga e." Sabay hablot sa bag ko na nakapatong sa kama ko.
Pag bukas ko ng pinto ay nakalukot na mukha ni Sehun ang nakita ko.
"What's with the face Sese?" sabi ko ng patawa-tawa.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan Shinnie?" ani Sehun sabay sumunod sakin.
"Wala naman. Ang kulit kasi ng mukha mo. Epic!" Sabay hagalpak ng tawa.
"Panong hindi magkakaganito ang mukha ko e, ang tagal mo kayang lumabas ng kwarto mo. Akala ko nga inugat ka na dun e."
"Patawa to. Asan na ba sila?" Tanong ko sakanya para matapos na ang paghihinanakit nya sakin.
"Nauna na sa labas. Napakabagal mo kasing kumilos." Sagot nya sakin at nilampasan na ako.
"Hoy! Hindi ako mabagal kumilos! Atat ka lang talagang pumasok! Ang aga-aga pa e." sigaw ko sakanya.
Abnormal talaga si Sehun. Atat syang pumasok dahil mas maaga ang pasok nung kapatid ko kaysa sa amin.
Gusto nya atang maabutan. Hay buhay. Iba talaga kapag in love!Nang makalabas na ako ng gate namin ay nakita ko na ang mga kasama namin na nag-aantay sa labas. May tatlong kotseng nakaparada doon.
Pagkakita nila sa akin ay agad na silang nagsipasok sa loob ng kotse.
May dalang kotse si Suho at nandun sumakay sila Sehun, Kyungsoo, Chanyeol, at Baekhyun. Sa kotse naman ni Kris nakisakay si Chen, Tao, Luhan, Lay, at Xiumin.
BINABASA MO ANG
WHEN A CASSANOVA FALL INLOVE
FanfictionWhen a Cassonova fall inlove, many unfamilliar things will happen. Many things will be changed. Many people will be shocked... When A Cassonova Fall Inlove. :)