4

13 0 0
                                    

Kinabukasan ay na-discharge na sila Ben sa hospital. Their company is the one who pay their hospital bills.

Samantala si Ben na hindi pa magaling ang sugat ay nakipag negotiations na agad sa may-ari ng condominium building ng Zirkoh para mabili ang katabing unit ni Fatima. Ang room 587.

Nakangisi na lumabas si Ben sa building dahil sa tagumpay na plano. Hindi niya napansin na nakita siya ni Keiran na napangisi ng makita siya.

"Kita mo nga naman, ang palay na mismo ang lumalapit, "Keiran said habang iiling-iling na pumasok sa building.

Masaya na nag-uusap si Vice-mayor Stevan Gatchalian. Nag-out of country kasi si Mayor Dencio Fonacier kaya pakiramdam niya ay siya nanaman ang boss.

"Pare, kailan mo ba planong patalsikin si Fonacier? "tanong ng isa sa board member.

Tumango ang secretary. "Oo nga, masyado ng sakit sa ulo ang matandang iyon kung hindi lang siguro konektado sa mga sindikato iyon ay baka naligpit na natin siya agad. "

Wala silang kaalam-alam na mataman silang pinapakinggan ng isang tao.

Hindi nila alam ay may camera na nagrerecord sa kanila. It's a hidden camera na inilagay ni Ben sa silid na iyon. He is plotting something that he knows na makakatulong sa kaniya.

Ngumisi si Vice-mayor Gatchalian. "Ali kayo sa mainip. I'm still enjoying this show. Huwag kayong mag-alala dahil may hawak na ako laban sa kaniya. "

Napakunot ang noo ang mga kasama niya. They are curious what kind of ace the vice-mayor is holding against the mayor. Lalo na't hindi basta-basta mayor lang si Dencio. Malaki ang tiwala ng taong bayan sa mayor, mabait at malaki talaga ang impluwensya kaya hindi agad-agad matitibag.

"Kilala niyo ba si Crest Collins? "

Tumango ang mga ito. "Oo, siya ang namayapang mayor ng Cebu. "

"Our mayor has a little dirty secret. Kinabit niya ang sariling pinsan na si Felicia na siyang asawa ni Crest. "Nanlaki ang mga mata ng mga nakarinig.

"Baka naman haka-haka lang iyan, pare. Mahirap na, "saad ng isa. Umiling lang si Stevan.

"I have the records and complete evidence. Siya ang nagtulak kay Felicia na barilin si Crest at nang makatakas ito ay pinahabol niya ito kay Felicia para mabangga. At hindi lang iyon, ang pinsan niyang si Felicia ay nagkaroon ng kabit sa isa sa mga sindikatong kilala niya sadyang nagkagulo ang pamilya ng Collins at dahil iyon sa magpinsan na Fonacier. "

"At ang mga bawat transaksyon niya sa mga sindikato ay nakuhaan ko rin. We can use it against him. "May inilabas si Stevan na kopya ng ebidensya na nasa isang USB.

"Paano naman natin gagawin iyan na hindi tayo nabubuking? "

"Easy, we need someone anonymous na magpo-post nito sa social media at magsesend sa husgado para makapaghain na ng kaso laban sa kaniya. "

"At meron na akong tao na mauutusan. "

Alas-diyes ng gabi, suot ang disguise, nakipagkita si Ben sa vice-mayor. Sa isang parte ng Queens Borough sila nagkita. Matalahib at madilim. Nakaabang lang naman ang mga tauhan na dinala niya kung sakaling magkagulo.

Nasa 10 ang tauhan na dala ng vice-mayor. Mas lamang si Ben kaya alam niyang nasa kaniya ang huling halakhak.

Iniabot kay Ben ang isang USB at pera na bayad sa kaniya. "Gamitin mong mabuti yan, bata. Siguraduhin mong makakarating sa husgado-"mabilis na bumunot ng baril si Ben at itinutok iyon kay Stevan.

Nanlaki ang mga mata at hindi agad nakahuma ang vice-mayor ng mabilis na pinadapa siya sa semento. Nakatutok ang mga baril ng mga tauhan ni Stevan kay Ben ngunit umatras ang tapang nila ng nagsilitawan ang mga agent ng Cassio.

Cassio Series 2: My MoonWhere stories live. Discover now