6

4 0 0
                                    


Walang imikan na naganap sa pagitan ni Ben at Fatima. Hinayaan na lamang ng binata ang dalaga, baka marahil ay nagulat lang ito sa nangyari. Baka nga mas malala oa ang magiging reaksyon nito sa oras na malaman niyang isa siyang kalaban, oo kalaban, dahil magkaibigan ang hangarin ng mga kinabibilangan nilang grupo.

"Take a rest, Fatima. Ako ng bahala sa gusot na nangyari sa Mall. Don't worry, it won't affect your image as a model, "Ben promised before Fatima get off the van.

Fatima just smiled bitterly. "I-Thank you, Ben. "

Hinantay lang ni Fatima na makaalis si Ben, mukhang may lakad din ito at hindi na siya nag-abala pa na samahan ang binata dahil tiwala naman siya sa mga bodyguards na dala ng binata.

Tinawagan niya si Gania. "May ginagawa ka ba ngayon? "she asked her secretary.

"Ay wala ma'am. Ilang araw ba naman kayong wala rito sa kompanya malamang ma'am tambak ako ng gawain! "sarkastikong sagot nito. Napairap na lang si Fatima.

"Oh I almost forgot. Fine, call my driver na puntahan ako rito sa Zirkoh. I need a driver, may pupuntahan ako, "utos na lamang niya kay Gania.

Hindi naman natagalan ang driver. Hinatid siya nito sa Cañoza Resto-bar. Isa itong sikat na resto-bar sa pampanga na pagmamayari ng dati niyang kaklase na si Tyrone Cañoza.

Nang makita ang bakante sa may counter kung saan naroon ang bartender, ay roon siya pumwesto.

"One bloody mary please. "A vodka drinks that is famous in this bar.

"Right away ma'am! "

Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil mabilis mag-serve ang bartender.

Sa tuwing naiinis si Fatima sa sarili ay sa bar na ito sa pumupunta. Naiinis siya ngayon dahil hinayaan niyang may estranghero na nakapasok sa buhay niya at ngayon ay mukhang mauulit ulit ang kinatatakutan niya.

"Fuck! Ayoko lang naman na may mamatay ulit! "At mukhang lasing na nga siya, sa dinami ba naman ng ininom niya e ilang oras pa lang siya sa bar. "Another bloody mary, please. "

Akmang tatanggapin ni Fatima ang baso ng may kung sinong umagaw nito.

"Huwag mo na siyang bigyan. Just give me one scotch on the rock. "Sinamaan ng tingin ni Fatima ang lalaki.

"What the fuck is your problem, Xanti? "Bulyaw niya rito. Sinalag lang ni Keiran ang panghahampas nito.

"I should be the one asking you that, Catrina. What the fuck is your problem? "His cold stares is enough to freeze anyone who stare at him.

"You know how I hate lasinggera, "he said and sipped from his drinks.

"And you know how I hate pakialamero, "buwelta naman ni Fatima tsaka muling bumaling sa bartender na naguguluhan kung sino ang susundin sa kanilang dalawa.

"I lost my mother. Maaga rin akong nahiwalay kay ate Rina at sa nakababata kong kapatid dahil kinuha agad ako ni Xandro, "he suddenly opened up that make her stop.

"Anong konek? Magkaiba tayo, Xanti, kaya tumigil ka na. Wala akong pakealam sa talambuhay mo, "saad ni Fatima tsaka tumayo ngunit pinigilan siya ni Xanti.

"We are connected, Catrina. We are in the same boat. I heard you are looking for your missing brother. "Hinarap ni Fatima si Xanti.

"Boss ko lang kayo at wala na kayong pakealam sa kung sino man ang pinapahanap ko. Why? Can you help me if I stop being alcoholic? Maski si Keiran ay hindi ako matulungan ikaw pa kaya? "Tuluyan na siyang tinalikuran ng dalaga. Madilim na ng lumabas siya sa bar, nagpunta siya rito na sikat pa ang haring araw ngunit ito siya uuwi nanaman na lasing sa madilim na gabi.







Cassio Series 2: My MoonWhere stories live. Discover now