Chapter 15

94 10 0
                                    

Jeongyeon's POV

Hahahaha nakakatawa yung mukha ni Momo kanina. Nakuhanan ko nga ng vid eh. Hahahaha ang epic masyado. Chill ka lang muna dyan. Nagsisimula pa lang kami sa plano namin. Pero sana gumagalaw din ang isa sa inyo no para naman makarelax din kami. 😂 Ang babagal nyo! Yun naman talaga purpose ng pagpunta namin dito eh. Yung paaminin sila sa isa't-isa. Kaso puro mga duwag. Hay nako.

Lasing na si Sana. Si Momo naman ayon di uminom kahit konti. Hahahaha. Ma-ingat yan girl? KJ naman.

"Hey Momo, uminon ka nga KJ mo masyado. Si Mina nga uminom ng konti." Sabi ko kay Momo

"Che! Kanina mo pako inaasar ha. Namumuro ka na." Sabi niya sakin sabay palo ng mahina sa braso ko.

"Wala ka pala unnie eh. Hina mo naman. Di ka naman umaayaw sa inoman ah. Hahahaha." Si Tzu

Good Tzu. sige asarin mo pa. Pero si Tzu di pa namin pinainom. Syempre bata pa yan. Pero feeling namin siya yata pinakamalakas uminom samin. Humihingi nga sakin kanina kaso si Jihyo ang batas kaya. BAWAL. 😅

Siniko ko si Momo sabay turo kay Sana.
"Yung bestfriend mo lasing na ikaw na magbuhat niyan sa kwarto niyo. Dito na muna kami, di pa naman sila masyado lasing. Dami yata ininom niyan kaya parang baliw na oh. Hahahaha.

Sinamaan niya lang ako ng tingin at lumapit na kay Sana. Hay nako pag-ibig nga talaga. Obvious naman na may feelings sila sa isa't-isa pero wala talagang nag fifirst move. Tsk tsk.

🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸

Momo's POV

Buhat buhat ko ngayon si Sana papuntang kwarto namin.

"Yaaah! Ibalik mo ko duuuunnn~ Di pako lasing oh~"Sana na parang kumakanta na nagsasalita.

Nagpacute pa, halikan---este itapon kita dyan eh. Kakastress talaga tong babaeng to kapag lasing.

"Yaaahh~ Momoriiiinngg~ Ibaba mokoooo~"

Ang ingay naman ng babaeng to. Ang likot pa masyado hays.

"Titigil ka kakalikot dyan o hahalikan kita?" Sabi ko lang sa kanya at tumahimik naman siya kaya naglakad nako ulit papuntang kwarto. Tatahimik naman pala eh.

Pagdating namin sa kwarto hiniga ko na siya agad sa kama. Chineck ko kung nakatulog na kaso gising pa pala. Yun lang pala magpapatahimik eh.

"Gusto mo bang magbabad muna sa banyo or magbibihis ka nalang? Amoy alak ka pa kasi." Ako

"Ah b-bihis nalang. Nahihilo nako eh." Sana

"Bigyan nalang kita ng pamunas mo saka damit. Magshower lang muna ako." Ako

Tumango lang siya. Pagkatapos ko ibigay sa kanya yung pamunas at damit niya, pupunta na akong banyo kaso bigla siyang nagsalita.

"Tatabi ka naman sakin diba? Please. Kahit ngayon lang." Sana

Eh? Ano na naman nasa isip nito. Sige na nga. Bahala na. Wala naman akong choice. Humarap ako sa kanya saka tumango lang at nagpunta na ng banyo.

After shower...

Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko Si Sana na mahimbing nang natutulog. Deadbat na buti naman. Ang awkward pag nag-usap pa kami. Naiilang pa din ako sa ginawa niya kanina. Peste nasa isip ko pa din. Waaahhh Momo kalma ka lang. Wala lang yun. Relax. 😣

Dati di naman ganito. Kahit magyakapan o magtabi man kami, walang awkwardness. Araw araw kaming magkatabi dati di naman ganito. Nag iba na yata yung sitwasyon ngayon. Kaso ako lang naman nakakaramdam ng ganito. Ako lang yung may gusto sa kanya. Kaya kailangan kong pigilan tong nararamdaman ko para sa kanya. Nasa iba yung atensyon niya Momo. Wala sayo. Tandaan mo yan. Bestfriend ka lang. Ibang tao yung mahal niya hindi ikaw.

Ilang minuto na yung nakalipas pero heto pa rin ako, nakatitig lang sa babaeng ang himbing ng tulog. Di talaga nakakasawa titigan yung mukha niya. Ang swerte ng taong mamahalin niya. Sobrang ganda niya. Sobrang bait pa and she's the opposite of me though may similarities kami sa pananamit at pagkain. Pero magkaiba kami ng ugali. Sobrang energetic niya ako tahimik lang. Palakaibigan siya ako hindi. Kahit sa estado sa buhay sobrang layo. Sobrang yaman ng pamilya niya
Napabuntong hininga nalang ako. Bat ang layo layo mo na Sana? You are near yet so far. Ang hirap mo pa rin abutin. Hays.
Hinalikan ko siya sa noo at humiga na sa tabi niya. Libre lang mangarap, but I'm hoping na magustohan mo din ako balang araw. Hinalikan ko ulit yung noo at natulog na din. Good night My Sana. Aakinin kita kahit na para sa sarili ko lang.  💗❤️💜

🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸

Shot Thru The Heart (SaMo) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now