Chapter 20

50 9 0
                                    

Momo's POV

Sobrang saya na nakakakaba, first time ko mag perform ng ganito kadaming tao sa Japan. Dream come true talaga to beh. Waaahhh ang sarap sa feeling kasi aside from this makakasama ko din sina mom, dad at ate Hannah, namiss ko sila. Sana lang talaga mag stay kami dito ng matagal.

Nasa hotel na ulit kami ngayon. Grabe nakakapagod pero masaya at masarap sa feeling na may mga taong sumusuporta sayo at the same time napapasaya mo din sila

Tig-iisang kwarto kami ngayon, kaya solo ko ang room whole night. Okay naman din sakin na mag isa ako. Lately ko lang din narealize na okay pala magsolo minsan. Mas madami kang marereallize na mga bagay bagay. Overwhelmed pako sa concert kaya gising pa ang diwa ko, maghahanap na nga lang muna ako ng pagkakaabalahan.

----Fast Forward----

Naisipan kong magbabad sa Vlive kanina, binisita nga pala ako ni Sana sa room ko kaya ayon panay laro lang ginawa namin habang naglalive. Mamimiss ko tong ganitong bonding namin. Mauulit pa kaya ulit.

🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸

Kinaumagahan, pumunta na kaming Osaka. Last stop namin bago ang flight namin pabalik ng Korea. Dito nakatira si Satang. Hays 😪 Iniisip ko palang na magkalayo kami, parang diko na kaya. Kung may magagawa lang ako eh, kaso diko pa pwedeng sabihin sa kanila yung nararamdaman ko kaya sakin nalang muna lahat to. Si Tzu lang nakakaalam ng lahat. Pero mas mabuti na siguro yung ganito. Pero may pag-asa pa kaya ako pagbalik niya? May lakas ng loob na ba ako pagbalik niya? Hayss ang gulo. Itutulog ko nalang sa byahe.

🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸

Mina's POV

Kakatapos lang ng concert namin, ang saya ko kasi napaka init ng pag-welcome nila samin, lalo na at kababayan ko yung pinapasaya namin. But after the concert, uuwi na kami bukas sa Korea. Ibig sabihin nun di na namin makakasama si Sana-chan. Kaya nakapag desisyon kaming mag dinner sa isang Japanese restaurant, medyo matagal tagal din kaming hindi ma-kokompleto kaya magpaparty kami ngayon.

Ako ang nasasaktan sa dalawa kong bestfriend, mahal na mahal nila ang isa't-isa kaso di man lang nila maamin sa isa't-isa. Tapos ngayon, makakalayo pa silang dalawa. Kung pwede nga lang kami na mag sabi matagal na naming ginawa., but we respect them that's why we chose to be silent and let them do what they wanted to do.

But knowing Sana, mas may gagawin siya kesa kay Momo. I just hope na bago pa mahuli ang lahat para sa kanila naka gawa na ng move si Sana. Speaking of Sana, nasa labas kami ngayon ng restaurant kasi may sasabihin daw siya sakin.

"Minariii~" sabay yakap sa akin na nakapag pangiti sakin.

"Balik ka unnie ha" sabi ko na nakapag patawa naman sa kanya.

"May unnie unnie ka pa dyan ha. Hahaha. Oo naman, ikaw pa ba? malakas ka sakin eh. Basta wag mong sabihin sa kanila ha" napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Dina na ba talaga magbabago isip mo? Pwede ka pang umatras" sabi ko.

Napangiti naman siya ng pilit
"Kung pwede lang Mitang ginawa ko na, kaso kailangan ako ni Dad eh"

"Hays, basta mag iingat ka ha, wag mong pababayaan ang sarili mo. Alam kong masipag kang mag trabaho pero kailangan mo din mag pahinga" bilin ko sa kanya.

"Oo na Minari, sweet sweet mo talaga" sabay yakap ulit sakin. "Siya nga pala, kayo na bahala kay Momo ha. Alam niyo namang may pagka-isip bata yun, kaya ingatan niyo siya". - Sana

Tumango nalang ako, at bumalik na kami sa mga kasama namin. Seems like di na namin mapipigilan mangyari tong ganito. I hope maging maayos pa din ang lahat. Mukhang magiging malaking problema to para saming lahat. 😔

🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸

Shot Thru The Heart (SaMo) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now