Jihyo's POV
Hi! Annyeong! Jihyo imnida! So nabaliw kaming lahat kagabi kakahanap kay Sana. Gumala lang daw siya. Pero di kami convince na gumala lang siya. Parang may mali eh. Saka nakita daw ni Nayeon unnie at Jeongyeon na may sasakyang naghatid sa kanya kagabi. Sigurado kong alam din ni Momo na may tinatago si Sana sa amin. Base pa lang sa tono ng pananalita niya kagabi alam kong pati siya di naniniwala sa rason ni Sana.
Pero hahayaan nalang muna namin. Sasabihin niya rin naman din yan later. Baka di pa siya handa. Kaso lang baka parang nag iiwasan si Momo at Sana dahil sa nangyari kagabi. Responsibilidad ko bilang leader para pag ayusin yung magbestfriend na yun. Kausapin ko nalang mamaya.🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸🔸
Momo's POV
Nasa venue na kami ngayon. Katabi ko si Jeongyeon na kanina pako inaasar. Kulit talaga ng kumag na to. Sarap bigwasan.
Si sana naman andun sa tabi ni Dubu. Saida Couple daw eh. Duh. 🙄Hindi pa kami nag uusap simula nung nangyari kagabi. Di naman sa galit ako, nag aalala lang talaga ako sa kanya saka umalis siya ng walang paalam. Sino ba hindi magtatampo at mag aalala dun. Kahit text kay Jihyo man lang, di niya din ginawa. Hays.
Alam kong may tinatago siya eh. Pero ano? Baka nasabi niya na kina Jihyo kagabi kaso ayokong magtanong. Aasarin na naman ako ng mga yun.
"Titig na titig ka sa dalawa, inggit ka? Hahaha. Tayo nalang oh." Sabi ni Jeongyeon sa tabi ko kaya inirapan ko lang siya. Tawa pa ng tawa tong sira ulong to.
"Ayaw mo nun? Mas bagay kaya tayo" Dagdag niya pang sabi tapos nilapit yung pisngi niya sa pisngi ko para magpapicture. Sinabayan ko nalang trip nitong katabi ko.
Well madami din naman nagshiship namin dahil sa clossness namin. JeongMo daw. Hahaha. Roommate ko din naman kasi to kaya madalas talaga kaming mahuli ng camera na magkasama. 🤭*Fast forward*
Pagkatapos namin magbigay ng autograph sa mga fans, binigyan pa kami ng 10 minutes para kausapin sila as a whole. Little interaction lang sa mga fans at thank you na rin sa pagpunta nila para samin. Solid talaga sila.
Nasa stage kami ngayon. Tapos yung SAIDA tuwang tuwa, panay hiyaw yung crowd kasi naglalandian sa harap nila. Duh! Paki ko! 🙄"Unnie kung nakakapatay lang yung tingin kanina pa sila nakahandusay sa sahig. Hahahaha." Sabi ni Tzu
"Yoda, tumahimik ka. Nananahimik lang ako dito." Sabi ko
"Tahimik kasi nagseselos. Hahaha. Nako unnie, kahit edeny mo halata pa rin sa mata mo no." Sabi niya pa
Lakas yata niya mang asar ngayon ah. Tahimik lang naman lagi to, ako pa nakita ngayong araw.
"Pinagsasabi mo? Hindi no. Paki ko ba kung maging sila." Sabi ko lang.
Hays. Sige pa Momo, itanggi mo pa. Alam mong di pwede. Bestfriend mo siya.
I don't want to ruin our friendship. Kaya mas mabuting itago ko nalang tong nararamdaman ko para sa kanya.Bigla naman sumeryoso si Tzu. Problema nito?
"Ikaw bahala unnie. Sinabihan na kita dati. Wag mong antayin na maging huli ang lahat." Sabi niya saka pumunta kina Chaeng.
Hays. Bahala na nga. Magiging busy naman din kami ulit. Mawawala rin to. Malapit na erelease yung next album namin eh. Kasali na dun yung kantang sinulat namin ni Sana at Mina.
Nasa kantang yun ang lahat ng gusto kong sabihin at nararamdaman ko para kanya. Sinubukan kong pigilan ang lahat alang alang sa friendship namin. Kaso ang hirap pala. Mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Alam ko puro deny lang ginagawa at sinasabi ko sa kanila. Kasi pati ako naguguluhan din sa nararamdaman ko para sa kanya. Pero nung di namin siya mahagilap kagabi, narealize ko na tinamaan na talaga ako sa bestfriend ko.
Minatozaki Sana, You got me shot thru the heart.
![](https://img.wattpad.com/cover/343281528-288-k91210.jpg)
YOU ARE READING
Shot Thru The Heart (SaMo) | COMPLETED
FanficI tried to stop my feelings, but I can't. -Minatozaki Sana You got me shot thru the heart. -Hirai Momo