Chapter 22

56 9 0
                                    

Momo's POV

Nasa dorm na kami ngayon. May binigay na sulat sakin si Jihyo pagkarating namin, galing daw kay Sana. Mamayang gabi ko na daw basahin, kaya sinunod ko nalang. Baka diko kayanin yong mababasa ko sa sulat niya kapag ngayon ko binasa.

Mag-isa lang ako ngayon sa kwarto, nasa baba sila nagkakatuwaan. Hinayaan ko nalang sila kasi wala ako sa mood makigpag sabayan sa kanila, di mawala wala sa isip ko yonh sinabi ni Sana.

"MOMO AISHITERU!"

Diko mawari kung totoo yong narinig ko o  guni-guni ko lang. Kung totoo man, di ko din alam kung ano ibig niyang sabihin dun. Baka nag assume lang ako na more than friends yung ibig niyang sabihin dun. Hay nako Momo, sige saktan mo pa sarili mo.

"Momo unnie" napalingon ako sa tumawag, si Tzu pala. Diko namalayang pumasok na pala siya o sadyang lutang lang talaga ako ngayon. Haayyss.

Nginitian ko siya, "Bakit?"

"Kain ka muna unnie, kanina ka pa kasi di kumakain eh. Kaya dinalhan na kita dito." sabay lapag ng bitbit niyang tray na may pagkain sa harap ko.

"Salamat Tzu. Pero busog pa kasi ako eh"

"Wow, sayo pa talaga yan nanggaling unnie ha. Kelan ka pa tumanggi sa pagkain" napangiti nalang ako sa sinabi ni Tzu. Sabagay, tama naman siya.

Ngayon lang ako tumanggi sa pagkain, pero wala kasi talaga akong gana eh. Hays. Maya-maya lang, pumasok na ang lahat dito sa kwarto.

"Momo, kakain ka o di kita ililibre ng Jokbal ng isang taon" sabi ni Jeongyeon.

"Kain ka na unnie dali, gusto mo din ba ng ramyeon? Madami sa baba." baby beast

Marami pa silang pagkain na inalok sa akin, kaya ang ending kumain nalang ako. Pagkaka-isahan lang di naman nila ako kaya wala akong choice, saka masunurin naman ako eh. 😉

"Kapag pinabayaan mo sarili mo Momo unnie magagalit sayo si Sana unnie" sabi ni Dubu.

Ngumiti lang ako at kumain, dinaldal nila ako ng dinaldal buong maghapon kaya napawi ang lungkot ko kahit papaano. I'm so thankful that I'm part of this amazing group, para akong nagkaroon ng pangalawang pamilya.

------------------------------------------------

Tzuyu's POV

Nasa big room kaming lahat ngayon, wala kang trip lang namin bakit ka ba nakikialam? Chariizz 😂

Bukas kasi back to work na kami, kaya bonding daw muna kami tsaka gusto lang din namin e cheer up si Momo unnie. Pangiti-ngiti lang siya pero alam kong napipilitan lang yan.

"Guys, pwede bang mamaya ako lang muna mag isa mamaya sa kwarto, kahit ngayong gabi lang." sabi ni Momo unnie.

Parang nag uusap sa mata sina Nayeon, Jeongyon at Jihyo unnie.

"Ayaw mo na akong katabi Momo? Sakit ha 🙄" sabi ni Jeongyeon unnie at umakto pang nasasaktan. Natawa nalang kami, sira talaga.

"Hindi naman sa ayaw, gusto ko lang munang mapag isa ngayong gabi." seryosong sabi ni Momo unnie.

"Okay, pero wala kang gagawing hindi maganda ha" sabi naman ni Jihyo unnie.

Nag-usap usap na kami hanggang sa napag desisyonan na naming lahat na matulog na. Sana nasa maayos na kalagayan lang si Sana unnie.

Hindi pa kasi siya nag tetext or tumatawag sa amin simula nung umalis kami sa Japan. Kamusta na kaya siya?

Sana naman magpa-ramdam din siya noh? Para naman di na malungkot si Momo unnie.

Ano na Sana unnie, galaw-galaw din ng baso teh.

______________________________________________

AN: Hayyeee pasensya na sa matagal na update, medyo busy lang. But thank you so much for reading my first ever story.

Enjoy 😉

Shot Thru The Heart (SaMo) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now