Chapter 32

51 10 0
                                    

Sana's POV

Pagka-uwi namin, naabutan namin ang mga maknae at si Jeongyeon sa sala na napaka seryoso ng mukha.

"Hoy anyare sa inyo? Nakakatawa itsura niyo, lalo ka na ang pangit mo. Hahahah" sabi ni Nayeon unnie at tinuro si Jeongyeon.

Anyare sa mga to?

"Unnie, bakit di mo sinabi sa amin?" seryosong tanong ni Dubu habang nakatingin sa akin.

"Ang alin?" tanong ko at tiningnan si Tzuyu at Jeongyeon.

"Sinabi na namin, yung napag usapan natin. Alangan namang itago ko pa. Alam na naman din nila. Pasensya na Sana" Sabi ni Jeongyeon sakin kaya tumango nalang ako. Kaso... Si Momo...

Maya maya pa biglang bumaba si Momo na nakabihis ng pang-alis. Gabi na, san siya pupunta? Dinaanan niya lang ako.

"Momo?" tanong ko na nakapag patigil sa kanya.

"Alis muna ako, and please wag niyo akong sundan. Don't worry, I'll be at the venue tomorrow" sabi niya. Aalis na sana siya kaso pinigilan ko siya.

"Usap muna tau please" sabi ko sabay titig sa kanya.

"Sa taas muna tayo, Dubu sa kwarto na natin pag-usapan ng maayo" sabi ni Jihyo kaya tumango nalang sila Dahyun at umakyat na.

Umiling lang si Momo sa sinabi ko.

"Babalik din ako, gusto ko lang muna mapag-isa sa ngayon" sabi niya sabay abot sakin ng phone ko.

"Sabi ng Dad mo may dinner date daw kayo ng fiancee mo sa Sunday, pinapaalala niya lang sayo" sabi niya at umalis.

Diko napigilan ang luha ko pag-alis niya. Niyakap naman ako nila Mina.

Ang laki nanamang problema nitong ginawa ko, bakit pa kasi kailangan pang tumawag ni Daddy tungkol dun. Ang masaklap pa si Momo ang nakasagot ng tawag.

"Tahan na Sana. Hayaan mo munang lumamig ang ulo ni Momo" sabi ni Jihyo.

"Kasalanan ko to" sabi ko.

"Kasalanan mo nga unnie, bakit kasi kailangan mo pang ilihim sa amin? Kaming tatlo lang ba nina Chaeng at Momo unnie ang di nakaka-alam?" tanong ni Dahyun.

Alam kong nagagalit na sakin si Dubu at Chaeng sakin ngayon, pero mas iniisip ko si Momo. Nasaktan ko nanaman siya.

"Dubu, kalma ka lang. Diba sabi ko sayo, magkasama kayo ni Momo nung time na sinabi samin ni Sana. So mas nauna niya pang malaman kaysa sa amin" sabi ni Jeongyeon.

"Sorry kasalanan ko tong lahat, wag kayong mag-alala aayusin ko to" sabi ko at umakyat na nang kwarto.

Ni-lock ko yung pinto, gusto ko din munang mapag-isa. Gustong-gusto kong kausapin si Momo, gustong-gusto ko siyang pigilan kanina kaso kilalang-kilala ko siya pag sinabi niyang ayaw niya. Ayaw niya talaga. Ayokong madagdagan pa lalo yung galit niya sakin, sinubukan ko siyang tawagan pero naka-off yung phone niya. Mapatawad mo pa sana ako.

Shot Thru The Heart (SaMo) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now