???
Walandyo, nasan na yung babaitang yun?!?
Well ocakes lang naman. Tagalan mo pa pleaseee.
"Aba aba aba! Nasaan na yang si Ms.Elora? 5 more minutes and I'll drop her from my classes!" Dabog ng prof namin.
20 minutes na kasi naming hinihintay ireng si Elora. Final examination namin ngayon. Zhahaha ngayon pa nalate.
Well, actually. Favor to saming mga student kasi hinayaan kaming magreview while waiting for her.
Inerequire kasi ng school na bawal mag take ng special exam ng hindi valid ang reason. Dapat daw kako, sabay sabay ang students sa exam para walang dayaan na mangyare.
Nadamay kami sa past happenings sa school. Hays.
Elora. Tagalan mo pa please.
"4 minutes." Tingin ng prof sa relo nya,
ELORA
"Grabeh na ang world! Hindi ba kayo nauubos?!" Sigaw ko sabay ilag sa itim na usok na papunta sa direkyon ko.
"Malelate na ko neto, letche flan!" Pag-iipon ko ng enerhiya papunta sa aking kamay.
May mga semi-transparent strings na lumabas sa dulo ng daliri ko at kumonekta sa mga pulsuhan ng kalaban.
Sampo sa trentang strings ang naglock.
Grip.
Humigpit ang mga strings at sumabog ang parteng pinagkakapitan nito sa kalaban.
Mula sa mga pinsala, ang kalaban ay unti-unting naging abo.
20 more.
Phew phew phew phew
Ngayon namay iniilagan ko ang mga atake nilang ginagawa.
Kulay itim at tila usok ang ibinabato nila saakin.
Ang mga natatamaan nito ay nawawalan ng kulay.
Letum...
Isang uri ng nilalang na nagdudulot ng kamatayan. Literal.
Bali pag natamaan ka nung phew phew nila. Boogsh! Magiging abo ka.
Para silang Grim Reapers tapos yung scythe nila ay yung mga itim na usok.Whoosh
May dahong nahulog. At sa paglapat nito sa lupa ay may kamay na lumabas.
Haha. Kaya rin nilang bumalik ulit. Resurrect ganon.
Isa...
Tatlo...
Lima...
Labing... tatlo.
Haha. Galit na naman nito si Jacintha. MS ELORA BAKIT KA LATE!
Hays.
Tumalon ako papuntang himpapawid.
"Ano ano ano. Dito nyo ko labanan. Sakto, tirik pa ang araw. Bleh bleh bl-" Natigilan ako ng nakita kong nagsisunudan nga ang trentay tres na Letum.
"Ay dios ko! Bahala na kayo dyan. Late na ko!" at tumalon na ko papuntang eksuwelahan.
Ang lamig ng hangin na tumatama sakin habang nagtatatalon ako sa himpapawid.
Haha. Kunware walang nakasunod sakin.
Boogsh boogsh
Iwas Iwas
Di naman sila nakakatakot, kung makita man sila ng mga powerless humans, ay keri na. Sanay na e.