ELORA
"Hahaha. I can't help, ikaw ang gusto niya. Soooo... magpapaubaya ako."
"Haha alam mo, hindi ka dapat nagpapaubaya. Take the risk! Wag kang magpapaubaya! Patayin mo na!" Sinabi ko ito sakanya sa masayang tono na may kasamang pekeng ngiti sa muka.
"Hahaha, sadly, I don't know how..." Nakangiti nitong sinabi saakin.
?????
"Guardian ka diba? Ha.ha. Bat di mo alam?" Inunat ko ang mga kamay ko at tiningnan ang kalaban.
"Actually... It's soon to be guardian." Bumaba ito sa ere.
Soon to be pala e, bat mo clinaim agad.
"I'm a candi-"
"Wala akong pake sa buhay mo o sayo. Kung impormasyon yan tungkol sa Alton, handa akong makinig. Pero kung buhay mo haha dun mo na lang ishare." Ngumuso ako sa direksyon ni Eke na patuloy pa rin sa pag atake sa Alton.
Hays, siguro kung hindi lang nadedeflect ng Alton na ito yung mga atake namin, kanina pa siguro akong nasa bahay at nakahimlay.
"HAHA! At may dumagdag pa sa hapunan ko..." Tiningnan niya na ng may ngiti sa labi at tila namamangha sa bagong dating.
"Huh? Carnnibal ka?" Ang tanging naibulagta ng bibig ko.
"Caravan baliw!" Sigaw ni Eke mula sa malayo, aba't cinorrect pa ko.
"It's actually cannibal." Nakangiting sabi ng katabi ko.
"Edi wow." Bulong ko na di naman niya narinig.
"HAHA! At sinong nagsabing kauri niyo ako?!" Inis na tanong ng clown.
Clown kasi nasa carnival.
"Wala naman. Hoy feeling guardian, Ano bang kahinaan nito?" Nauubusang pasensyang tanong ko sa gwardiya bago tumulan palayo sa atake ng clown.
"As I said, I don't know. You own a novella right? Ask it." Tumalon ito papalapit sa clown at inatake ito gamit ang liwanag na lumabas sa kamay niya.
Kulay dilaw ito, tila sinag ng araw kung pagmamasdan.
Nakita ko ang pinsalang naidulot nito sa clown.
Wala, nasilo siya, tas nasunog ng slight.
Vampire ba toh? O sadyang mainit lang yung sinag na yun?
Tinitigan ng Alton ang gwardiya at maya-maya lamang ay nakocontrol na rin niya yung sinag ng araw?
Huh?Kill it's prey. Borrow it's form.
Copy it's traits. Copy it's attribute.
Steal it's power. Make it his.
Wait, so are you telling me that he can copy or steal someones power without killing it???
Then he can only copy or use a form of it's prey when it died or was killed?
Wait...
No weakness can be found, as you itself are its weakness.
It's weakness is us, the prey.
Tumingin ako sa direksyon ng sumisidhing laban.
Si Eke nasa advantage.
Kinakain ba naman nung void niya yung liwanag galing sa Alton na para bang blackhole at walang magawa doon ang Alton.
Sa kabilang banda, ang Alton ay hindi na naglalabas ng tinik o ugat mula sa katawan.Puro liwanag na lamang.
Nakita ko'ng nakakunot ang noo ni Guardian, di tanggap na may gumagaya sa kakayahan niya.Inalala ko ang pagpapalit niya ng Anyo.
Alley Guy, Pusa, Sister Pazz, Lobo at ngayon... si Mr.Pogi...
Nagpapalit ito ng anyo base sa kakayahan, at kung minsan ay pag nakatamo ng matinding pinsala.
Sa ngayon, masasabi ko ang anyong ginagamit niya ngayon ang pinakamalakas.
Dahil bukod sa Under Grown ang kapangyarihan nito, ayon kay Ekeziel malakas at matagal ng nawawala ang katawang ito.
Sabihin na nating sanglibo ang nakopya niyang anyo, ibig bang sabihin non kailangan naming patayin lahat ng iyon?Hindi. Kailangan lamang siyang mapatay sa kasalukuyang anyo.
Magkaiba yun sa pinsala ng anyo.
Mirror it's attack and it shall'nt work.Nacocontrol pa rin ng Guardian kahit papaano ang liwanag mula sa Alton.
"Soon to be Guardian, anong nararamdaman mo?" Tanong ko sa guardian na nasa unahan ko na.
Sinadya kong pumunta sa likod nito at hindi sa unahan.
Para incase na atakihin ako, siya matatamaan.
"What do you mean?" Di maipinta ang muka nito, base sa aking obserbasyon... Sinusubukan niyang ioverpower ang kalaban sa pagcontrol sa liwanag.
"May nagbago ba sa lakas mo simula ng makuha ng Alton ang abilidad mo?" Mabilis kong tanong sabay yuko sa likod niya para di ako matamaan ng sinag galing sa Alton.
"Aray!" Tanging nasabi ng napasong Guardian.
"I mean, well... I think nabawasan yung liwanag ko pero I still have my powers within me. Nakopya lang." Ngumiti ako sa sinabi nito.
Hhihihi.
Umalis na ko mula sa pagtatago sa likod ng Guardian.
Tumalon ako papalapit sa Alton cinoveran ako ni Ekeziel para di matamaan ng sinag galing dito.
No need to hold back kaya naman let's use pure energies!
1 week bedrest siguro kapalit nito dahil ang paggamit ng pure energy ay katumbas ng 50/50 life hehe.
Bakit? Kasi cinoconsume nito ang lahat ng enerhiya mo sa katawan pag ginagamit.
Ang Energy o Mana ay hindi lamang enerhiyang ginagamit para mag produce o gumamit ng mahika kundi Enerhiya ring ginagamit ng owner sa pang araw-araw para bang calories.
Ang paggamit naman nito ay maihahalintulad sa electricity.
Electricity, consumption of it in households without undergoing the "step-down transformers" are not safe to use. Nakamamatay ba.
Thus Pure Energies need to undergo the step Mana Shrink, katulad ng step-down transformers.
Sa step na to, ang parte ng ating katawan ay pinapaliit at binabawaasan ang energy na nilalabas at ginagamit natin.
Ang Pure Energy/Mana naman ay maihahalintulad sa raw electricity. Hindi ito nag undergo sa Mana Shrink, thus making it powerful and deadly... Not only to the enemy of the user, but also to the user itself.
Mas malakas ang mahika mong magagamit kapag pure-energies ang ginamit pero mas mabilis ring nauubos ang mana na naka-stock sa katawan mo kapag hindi ito dumaan sa proseso ng shrinking.
Kapag 20 to 10 percent mana na lamang ang natitira sayo, pwede kang maparalyze. Kapag wala ng natira, sureball. Patay ka.
Mula sa kalooblooban ng katawan ko ay tinipon ko ang mga enerhiya tungo sa dulo ng aking limang daliri sa kanang kamay.
Sa dulo ng mga daliri ko ay nagsilabasan ang asul na sinulid na gawa sa pure energy.
Matibay at matalas, ang mahiwa'y hindi tatantanan at makakatakas.
Tumingin paitaas ang alton, tungo sa direkyon ko.
Napansin nitong mapanganib ang gagamitin kong armas.
Kita ko ang panic sa mata nito.
Tiningnan ako nito ng masidhi, dahilan para kilabutan ako.
Nakaramdam ako ng lamig sa buong katawan at maya-maya pa ay kakaunti na lamang ang kontrol ko sa mga threads na saakin mismo nanggaling.
Uh-oh.
Hindi ko malabanan ang pagkontrol niya sa mga sinulid ko.
Maya-maya pa, wala na akong kontrol dito.
Napiktal ang mga sinulid mula sa daliri ko at tumungo ang mga natira sa kalaban ko.
Ang kapal ha, ginamit pa yung enerhiya galing sakin. Hindi na lang hinayaang mawala.
Ginamit niya ito para atakihin ako mula sa ere, sinalo ng void galing kay Ekeziel ang mga sinulid na dapat ay tatama saakin.
Hinigop lamang ito ng void.
Tumalon ako palikod sa kinaroroonan ni Ekeziel.
"Tenchuu." Pagpapasalamat ko dito.
May enerhiyang lumitaw sa gilid ko, si Guardian.
"Hey. Don't use pure energies like that. It's dangerous." Panunuway nito sa ginawa ko.
Tinanguan ko ang sinabi niya. "Yup. Dangerous." Napatulala siya sa sinabi ko.
"Don't tell me?" Tanging nasabi naman ni Ezekiel.
"Yup, that's right. What to do now is avoid his gaze, attack with blaze, and don't forget to give me praise." Kinindatan ko ang dalwa, at tumalon sa ere para umatake.
"Woah." Tila ba manghang-mangha ang Guardian.
Tanging iling naman ang itinugon ni Ekeziel.
Kasabay ng muling paglitaw ng novella ko ang pag-atake ng dalwa.
Nagtapon si Ekeziel ng mas malalaking void tungo sa direksiyon ng Alton, nagsisilbi itong depensa at opensa sakaniya.
Ang Guardian ay patuloy sa pag control ng liwanag mula sakanang mga palad.
Humugis ang mga liwanag sa hugis ng palaso at tumama sa Alton.
Heartshot!
Dahilan para mapaubo ng dugo ang Alton.
"MWUAHAHA!" Gamit ang mga sinulid ng Alton ay inatake niya ang dalwa.
Buti na lang di niya ako pinapansin dito sa pwesto ko.
[Current Location: Ibabaw ng Alton]
Nagdudulot ng malaking pinsala ang bawat tama ng sinulid sa lupa.
Sira na talaga yung field ng school namin simula nung napasakanya yung threads.
Mula sa lokasyon ko ay sinubukan ko'ng kontrolin yung threads niya.
Dahilan para mapansin niya ang presensya ko.
Tumingala ito saakin.
"MWUAHAHA! Sa ginagawa mong iyan, mas pinapalakas mo lamang ako! MWUAHAHA!" Laughwell po, mamaya tigok ka na.
Ayon sa obserbasyon ko, ang Alton ay isang nilalang na kayang kumopya ng kakayahan. Ang bagong kakayahang nakopya sa loob ng pakikipaglaban ang tanging kakayahan lamang na magagamit niya sa buong laban, dibale kung nakakopya siya ng bago.
Napansin ko yun nung puro liwanag na lamang ang nilalabas ng palad niya at hindi niya ginagamit ang Under Grown na satingin ko ay kapangyarihan nung katawang gamit niya.
Hmmmm, that leads me to the conclusion na one power at a time lang ang kaya niyang gamitin. At yun yung latest power na kinopya niya.
Kumapal ng kumapal ang mga threads, dahilan para magmukang lubid ito.
Ngayon, mas maraming pure energy ang kailangan nito para mamaintain.
Patuloy lang sa pag-eenjoy sa pag-atake ang Alton.
Ang dalwa naman ay wala lang, pinagpractisan pa ata yung Alton nung mga prototype techiniques nila e.
Pano ko nasabi? Yung Alton, napapalibutan ng itim na usok na di ko malaman kung usok ba o fog kasi napapalid ng hangin.
Tapos biglang may puting liwanag na kasing laki ng bato eh biglang maglalaho bago pa tumama sa Alton. Takenote, walang ginawa yung Alton don.
Wala na, spectator mode na ko nito.
Maya-maya pa, nawala na ng tuluyan yung usok. Tinaboy ng Alton gamit yung threads niya.
Sampong threads na kasing taba ng lubid ang kinocontrol niya. Ang iba'y para sa opensa, ang iba ay para naman sa depensa.
Nawala ang kaburyuhan ko ng mapansin ko'ng may thread papunta sa direksyon ko.
Wait, ayokong maging bbq.
"Clovis, blade shards." Lumitaw ang Novella ko at napalibutan ako ng usok.
Ngayon ay nasa likod na ako ng dalwa.
Ang naiwan ko namang puwesto ay puno ng usok...
Ang usok ay humugis, nabuo ito at lumulutang lamang sa itaas ng Alton.
Release
Nahulog ang mga ito.
Tumama ang ilan, ang ilan naman ay nadeflect niya gamit ang mga threads na sa ngayon ay patuloy ang paglaki.
Ayon ang isa pang dahilan kung bakit ko sinubukang kontrolin ang kanyang mga threads.
Para matutunan niya kung paano ito palakihin.
"Darkbeam." Bulong ni Ekeziel, at ang mga anino sa paligid namin ay pumunta sakanyang palad.
"Lightbolts." Sa paligid ni Guardian ay may namuong bilog na liwanag, ang ibay parang may halo pa ng kuryente. Mga 20 bolts na parami pa ng parami.
Tumingin sakin ang dalwa.
"Wala. Pagod na ko, wag niyo ng intayin entry ko. Sige na, salakayin niyo na yan." Seryosong sagot ko sa mga titig nila.
"Tsk." Rinig ko pang sumpong ni Ekeziel.
"You're funny." Sabi pa ni guardian. Aba huy! Di ako nagpapatawa.
"MWUAHAHHA!" Sabat naman ni Alton.
"Ay wala na, may pakisali na." Hirit pa ni Eke bago tuluyan umatake.
Nanakbo papalapit sa Alton si Ekeziel. At gamit ang kamaong napapalibutan ng kadiliman, sinuntok-suntok niya yung mga threads dahilan para madeflect ito.
Patuloy lang siya sa pananakbo palapit sa kalaban habang si Guardian ay paisa-isang nirerelease ang kanyang Lightbolts.
Tapos ako, eto, nakaupo lang. Hays, ang hirap ireplenish ng mana ngayong madami rin ang nawala saakin.
Hays.
Ayos naman yung duo ng dalwa, may close-combat tas long ranged.
Natakbong tumatalon at yumuyuko si Ekeziel sa mga threads na hindi maubos-ubos at patuloy sa pagregenerate tuwing mabubutas sa suntok ni Ekeziel o dikaya'y sa bolts ni Guardian.
Ng nasa kalahati na ang lapit ni Ekeziel sa Alton, ay mas naglakihan ang threads.
Patuloy pa rin ang ginagawa ni Ekeziel, iniilagan ang bawat threads.
Baka di ka makatayo pag nadali ka nan HAHAHA.
Nakita ko ang lalong pag-itim ng kanang kamao ni Ekeziel.
Habang mas nalapit siya, mas tumataas ang tsansang matamaan siya.
"Ah!" At ayun na nga, natamaan siya ng isa. Dahilan para mapaupo siya sa field.
Sinuportahan naman siya ni Guardian para hindi na maatake pa ng papalapit na thread dito.
Pero, may papalapit na thread din sa Guardian, masyadong manipis ito para mapansin.
Teka paanong?! Wait...
Woo, kinabahan ako don. Parte lang pala yun nung big thread, pinalawak niya lang yung network nito, dahilan para magkaroon ng mga maliliit na threads.
Ninakaw ko na lamang yung thread na papalapit sa Guardian, dahilan para madagdagan agn lakas ko.
Patuloy sa pagtakbo si Ekeziel at patuloy naman sa pag-atake ang Guardian.
Maya-maya pa ay napansin ko ang mabilisang pagkawala ng enerhiya ng Alton.
Dahilan para pumasok ang Lightbolts ng Guardian sa lugar kung saan ay wala siyang dipensa.
Boogsh.
Kasabay ng pagsabog nito ay ang pagbalik ng enerhiya ng Alton.
Konti pa.
Maya-maya ay nakalapit na ng tuluyan si Ekeziel sa Alton.
Hindi agad napansin ng Alton si Ekeziel na nasa unahan niya na.
Itinutok ni Ekeziel ang kaniyang kanang kamay na sinusuportahan ng kaliwang kamay sa muka ng Alton.
"BLAST!" Sabi ni Ekeziel, at ang itim na pumapalibot sa kamay niya ay mabilisang tumungo sa kanyang palad at mabilsan ring sumabog sa muka ng Alton.
Lalong kumupas ang enerhiya ng Alton.
Hindi naman nag-aksaya ng oras ang Guardian at agad na inatake ang umuusok na Alton. Hindi ito makakilos, tila ba nagulantang sa nangyare.
"Lightball." Sabi nito, at ang mga bolts na natitirang nakapalibot sakanya ay nagsama-sama at bumuo ng isang malaking bilog na liwanag.
Agad na lumayo si Ekeziel sa Alton.
"Blast." At tumungo ang sphere of light na ito sa Alton.
Tinggggggggggggggggg.
Nag-ring ang buong paligid at wala akong makita dahil sa liwanag.
Ngunit ramdam ko pa rin ang presensya at enerhiya ng Alton, hindi ito nawala sa atake na iyon.
Nang maaninag ko na ang kinaroroonan ng Alton, ay doon ko nakita ang kaawa-awa de joke. Doon ko nakita ang kinahinatnan ng Alton.
Sira na yung eleganteng kasuotan niya, punit at nasunog.
Ang muka ay hirap na hirap.
"MWUAHAH-KAH Uhu uhu." Tatawa pa sana siya ng umubo siya ng dugo.
Nahihirapan siyang pilit na tumatayo habang pinupunasan ang dugo.
Sinubukan niyang kontrolin ang enerhiya, ngunit ninakaw ko na ang natitira.
Dahilan para tuluyang mawala ang mga threads.
Natumba ang Alton, at ngayon ay nakahiga na sa sirang field.
[Alton's Mana Percent: 11%]
Ang alton ay nasa stage na ng paralyzation pero di halata kasi naimik-imik pa siya.
"GWUAHAHA!!!" Tawa nito habang nagdurugo ang bunganga.
Finally. Tapos na.
Sinundan ko ang guardian na naglalakad tungo sa Alton.
Sa di kalayuan ay may nakita akong imahe ng babae. Hindi ko makita ang muka nito.
Elora....
Rinig kong sabi nito. Pamilyar ang boses nito.
"Hindi pa ba natin yan ididispatsa?" Naglalaho ang mga tinig ng kasamahan ko, at tanging ang babae lamang ang naririnig.
Elora...
"No, I'm going to seal it. Babalik pa yan pag pinatay mo, Hahaha."
Elora..."Hoy, babae! San ka pupunta?"
Tuluyan na akong nakalapit sa babae.
"Oi, that's dangerous."
Lumuhod ako para magpantay kami.Elora..... MWUAHAHAHA.
Nag-iba ang boses nito at nakita ko ang muka ng Alton.
The next thing I knew, may humila sa braso ko palayo dito at nawalan na ako ng malay.
"That's stupid."
Guess I shall accept this one.