ELORA
"If this is my last meal, then I'm happy to die." Nilaklak ko ang aking lastmeal kuno.
"Guirec." Tawag ko sa libro.
"Clovis!" Sigaw ko naman at ang libro ay naging maliit, tama lang para mahawakan ko.
Clovis, sya pa rin ang Guirec ko ngunit ito'y para sa labanan.
Ang Guirec ay standard form ng mga Novella: libro kung saan ang mga kaalaman ay nagtatago. May mahika ngunit hindi para sa pandigma.
Ang Clovis, battle mode ng Novella: isang sandata kung saan ang bawat kataga ay patalim. Ewan, ang hirap iexplain.
Watch and learn na lang.
"MWUAHAHAHA! Hindi mo. Na. Ba. Kayang. Takbo? MWUAHAHA!" Utal na pang-iinsulto nito saakin.
"Hoy lumang tao na hindi tao! Bago ka magmayabang, ayusin mo muna pananalita mo!" Pagtataray ko dito, kunware hindi takot.
"Kay. Tapang. Tao. MWUAHAHAHA. Pero. Tawag. Tulong! MWUAHAHAHAH!" Tawa nito sakin. Tumalon ito sa himpapawid at ang madilim na pulang enerhiya ay bumalot sa s.o.s. signal ko na palihim kong ni-release sa himappawid.
"Hehe, di kasi kita kaya. Kaya need ko ng tulong. Pangit pleaseee?" Pagmamakaawa ko dito pero hindi talaga.
"MUWHAHAHAHA!" Anong, anong kapangyarihan ng Alton bukod sa shapeshift?
Hindi ko na halos matandaan ang nangyari nung una akong maka-encounter nito.
Wala, super shock kasi ako.
Tumalon ako sa ere, mas mataas sa cute na pusang ito pero halimaw.
"Clovis! 13th gate fire!" Curious lang ako, kailangan bang ipagsigawan yung spell para gumana? Hindi naman, para may thrill lang.
Labing-tatlong bolang apoy ang nagtungo sa direksyon ng pusa.
Kinamkam lang ito nung pusa.
Ok walang effect ang apoy.
Lord...
"Nakakaiyak. Ano bang kahinaan mo panget?" Tanong ko rito.
"MWUAHAHAHA! Secret. Walang. Clue! MWUAHAHA." Tawa nito sakin. Haha, nagdedevelop an ang kanyang tounge. Yare pag nagdevelop ang lahat sakanya up today.
Ilang taon kaya 'tong tulog? Sana hindi naman ganon kahaba.
The more silang humimlay, the more powerful they become.
"Clovis... Hide." Bulong ko at naging invisible ako.
Haha takbo.
Nagtatakbo ako tungo sa enerhiyang pagkalakas.
Halah, yung Alton kayang eto ang nakadali don kay Ekiziel.
Lumingon ako sa direksyong pinanggalingan ko, surprise beh.
Nakasunod sakin yung pusa na sa kalsada ay nananakbo.
Malakas nga pala pang-amoy ng mga pusa.
"MWUAHHAHAHA!" Ngayon ko kailangan ng Knight in shining armor, asan ka na?
"WAAAAAAAAAAAAAA!" Sigaw ko ng tumalon papunta sa direksyon ko yung pusa.
Nakalmot ako nito at nawala yung pagiging invisible ko.
Finocus ko ang enerhiya sa mga mata ko at tinalian yung pusa sa mga paa nito. Tapos sa malapit na poste ay tinali ko ang dulo nung mga sinulid. Tas boogsh binigla ko yung hila.
Naalog ng kaunti yung poste tas namatay yung ilaw.
Sa pagkamatay nung ilaw ay sandali kong nakita ang itim na enerhiya na pumapalibot dito. Anlakas.
