5

3 0 0
                                    


ELORA

"Found you."

"Haha, hi." Ngiti ko dito pabalik.

Joke lang lord, willing na po pala akong maging hotdog.

"Haha kuya, kaya nyo na naman po ito diba? Bye na!" 

"Wai-" Huling mga salita ko'ng narinig.

Warp

Sa isang iglap nasa harapan na ako ng apartment ko.

Napahawak ako sa pinto at habol-habol ang aking breath.

"Huff huff."

Binuksan ko na ang pintua at pumasok na ko.

Napasimangot ako ng makapasok dahil sa tanawing nakita.

Si Ekiziel ay nasa sofa, nakadekwatro at kumakain ng cereal ko.

"Excuse me?" Hindi makapaniwalang sambit ko.

Tinapunan nya ako ng tingin tapos yung cereal.

"Ah, thankyou." Tas kumain na ulit sya.

Pinapanood ko lamang siya hanggang matapos siyang kumain.

Tumayo siya sa pagkakaupo at pumunta sa kusina, hinimpil yung pinagkainan.

Napapapikit na lamang ako sa mga pinaggagagawa niya.

"Ha... Feel at home." Bulong ko.

Dumeretso siya sa sofa pagkatapos maghimpil.

"What?" Tanong nito sakin.

Naiwang nakaawang ang mga bibig ko dahil sa mga inaasta niya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko rito at naglakad papalapit sakanya.

"...Yes." 

"Weh? Bakit parang tumama sa kung saan yang ulo mo at nakalimutan mo kung nasaan ka?" Tanong ko dito.

"Who are you?" Hindi niya pinansin ang naunang sinabi ko.

"Sino ako? Ha..." Napailing ako sa pananalita niya.

"Yes, who are you?" 

"Ikaw! Who are you?!" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"I already told you. Im Ezekiel, a Khalid from the 5th Gate."  Humalukipkip ito at preskong sumandal sa sofa.

"Haha. Then I'm Elora, a Khalid who owns this place." Pagpapakilala ko sakanya.

"I see." I blinked ones, twice, thrice pero hindi ko pa rin maprocess kung bakit ganto siya.

Lord, give me wisdom.

Sinet aside ko yung inis at ininterrogate siya.

"So Ekeziel-"

"Ezekiel."

"Oo, Ekeziel." Napabuntong hininga na lamang siya.

"Anong nangyari sayo? Kung taga looban ka ng gate, anong ginagawa mo dito sa labas? Bakit sugat-sugat ka? Bakit yung energy kong tago ang naka attract sayo-"

"Andaming tanong ah." Putol nito sa pagsasalita ko.

"Ang kapal ng muka ah?" Pabalik ko sakanya.

"Hah... I was attacked by an Alton, he's too strong for.. me."

Ay strong ka pala.

"Your energy may be subtle but it's the nearest, so I followed it. Glad your place got a barrier, kundi nasundan na ako non."

Barrier na pasira nung dumating ka.

"As for why I'm outside the gates, pinadala kami ng council para kolektahin lahat ng Khalid at dahil sa loob para tuluyan ng maisara ang gates." Pagpapaliwanag nito.

"Huh? Bakit hindi na lamang sila hayaang mabuhay sa labas?" Naguguluhang tanong ko.

"The council are afraid na magdudulot sila ng kaguluhan sa mundong ito. Hindi naman lahat ng Khalid ay may mabubuting kalooban-"

"Oo, gaya mo." Bulong ko.

"Excuse m- Anyways, Khalid ka ba mula sa loob? Kung hindi naman, bakit andami mong alam?" Tanong nito.

"Wala ka na 'ron." 

"Hindi mo alam yung binigay na mission ng council, then you must be a Khalid born here... Come with m-" 

"Eh eh eh. May sarili akong mission noh, binabantayan ko yung lugar na ito mula sa mga Leptum." Kahit hindi naman.

"Nauna pa siguro ako sainyo kaya di ako updated sa mission na 'yan." Paggagawa ko ng storya.

Ayoko sa loob.

Kung magulo dito, pano na kaya don?

"Oh, then saang gate ka nanggaling?" Pag kuwestiyon nito sa sinabi ko.

"12th gate." Maiksi ko'ng sagot.

"Proof?" 

"Prohibitted para sa ibang gates ang mga proof na nasa akin." Sagot ko. Tunay 'yon, except di ako from 12th gate o kahit saan pang gate.

Ang 12th gate ay puno ng misteryo at sikreto na kung saan council lang ang nakakaalam. 

Prohibitted ang mga info na nasa 12th gate. Para ba silang vault na bawal buksan.

Forbidden ding pumunta sa 12th gate ng walang permiso.

"Oh. Okay..."

"Kelan mo balak lumayas sa pamamahay ko?" Deretasahan kong tanong, pang change topic na rin.

"I'll sleep now bye." Umalis ito at nagtungo sa kwarto kung saan ko siya dinala kanina.

Bago pa man niya mabuksan ang pinto ng kwarto ay may kumatok.

Knock knock

Time check, 10:07 pm.

Di ko yun pagbubuksan.

Yung carton milk ko huhuhu.

Pag naalala ko yung Alton ay kinikilabutan ako.

What if yung shapeshifter na yun yung kumakatok?

Naglakad si Ekeziel tungo sa pintuan.

Bago pa man siya tuluyang makapunta sa pintuan ay agad siya pinigilan.

"Pst! Ano ba?" Bulong ko dito.

"Why?" Bulong niya pabalik.

"Wag mo buksan yan! Dis oras na ng gabi bak-" 

"Come on, you're strong. Pati may barrier naman yung apartment ah? What's there to be scared?" Tanong niya, bago pa man siya makalakad muli ay hinaltak ko yung tshirt niya.

"Yung barrier? Bumibigay na nung dumating ka! Natinag sa pumapalibot sayong enerhiyang..."

Naalala ko yung itim na enerhiyang pumapalibot sa pusa nung tumama siya sa poste.

"SHOCKS! Black energy, energy of death and misfortune... ENERGY NG ALTON!" Pabulong ko'ng sigaw. 

"PAHAMAK KA!" Pabulong na sigaw ko ulit. Kita ko sa ekspresyon niya na naguguluhan siya.

"Huh? Ano?" Pabulong na tanong nito.

Knock knock

Ramdam ko ang paghina ng barrier.

"Kanina... May black force na lumilibot sayo. Enerhiyang nagsesenyales ng kamatayan. Kaya nga kita tinulungan kasi akala ko mamatay ka na pero mukang mamatay ka na nga, kasama ako." I wanah crayh.

Knock knock

"Are you suggesting na ang Alton na yun ay kaya akong masundan?" 

"Yes human."  I nodded.

Knock knock

"Pero imposibleng Alton yung nakatok ngayon... Kasi kasama niya ngayon yung isang Guardian." Bulong ko.

"Unless natalo siya..." Bulong ko ulit.

Di ko namalayan nasa may pinto na si Ekeziel.

"Hoy!" Bulong kong sigaw.

"There's no point Elora. Kung hindi tayo, iba ang mapepeste nito." At binuksan niya na ang pinto.

"Elora..." Bumungad ang isang matanda sa labas ng pintuan.

Naka suot ito ng attire ng mga madre.

Ocakes. Di pala yung Alton. 

Nawala ang panic ko at naglakad ako tungo rito.

"Sister Pazz? Ano pong ginagawa niyo dito?"

"May nais akong iparating saiyo..." Nang makalapit ako ay nalunod ako sa mga mata nito.

Kahit kailan ay kaganda ng mga mata ni Sister Pazz. Siya yung nakakita at nagalaga saakin.

"Pasok po kayo." Nakangiti kong bati sakanya.

Nang pumasok siya sa pintuan ay nabasag ang barrier sa buong apartment.

"Huh?"

"DODGE!" Sigaw ni Ezekiel saakin at nakita ko si Sister Pazz na nag-ibang anyo. Akmang tutusukin nito ang dibdib ko gamit ang mga matatalas at naghahabaang mga kuko.

"Huh...."

Hinila ako ni Ezekiel papalayo at bumalik ako sa ulirat.

"Naknang tokwa! Kala ko ba maingat ka, eh baki-"

"Bakit mo kasi pinagbuksan!" Sigaw ko pabalik rito.

Haha shut off sya e.

"Akala ko ba yung Alton may kasamang Guardian?" Tanong nito, ay rinig nya pala yun.

Wait... Sister Pazz, Alton?

Anyo, what?

Ibig bang sabihin...

"HOY! ANO BA!" Haltak sakin ni Ekeziel at bumalik ang utak ko sa reyalidad. 

Yung pinanggalingan namin ni Ekeziel ay nasira.

"HOY KA RIN! AT ikaw Alton ka, alam mo ba kung magkano yang furniture sa apartment ko?! Aba't, ilang week allowance ko yan!" Reklamo ko sa Alton na ito.

Warp

Sinigurado kong madadala kasama ko si Ekeziel at Alton palayo sa apartment ko at sa mga pwedeng mapahamak at maperwisyong tao.

HAHAHAHA nadala ko sila sa ground ng school.

Di ko naman sinabing sa lugar kung saan walang pwedeng masira.

Imposible yun.

Tinanggal ko ang pagkakahawak sakin ni Eke.

Huh? Eke? Sino yun.

Nilibot niya ang tingin sa paligid na tila mangha.

"Woahhh, you mastered warp? And nice battlefield huh? Wise choice." Pagsang-ayon niya sa pinagdalhan ko sa kanila.

"GWUAHAHHAHA!" Tawa ng pampam. Di naman kasali, nakikisali.

Inirapan ko yung Alton at tumingin sa direksyon ni Ezekiel.

Nginitian ko siya ng pilyo.

"Well... We can wreak havoc here." 



...........................

ELORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon