6

3 0 0
                                    

ELORA

"Well... We can wreak havoc here."

"Pft." Iiling-iling siyang tumayo, pagkatapos ay pinagpag ang mga kamay.

"GWUAHAHAHA! Kahit san niyo pa ako dalhin ay wala kayong binatbat saakin!" Tawa ng Alton.

"Di mo sure." Maikli kong sagot sakanya at ikinulong ko siya sa string na barrier.

Hold

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Nagaya niya si Sister Pazz.

Ang madreng nagsilbing magulang ko at ang taong matagal na ring wala sa mundong ito. Paanong nagaya niya ang wangis nito?! At papaanong nauto ako sa pantasyang buhay pa ito? Sinabaliwala ko muna ang mga naiisip dahil ang mga emosyong ito ay hindi magagamit sa digmaan.

Grip

Nagkalasog-lasog at nasugatan ang katawan niya dahil sa biglaang pagliit nung threads.

Bago pa man makapag regenerate ito ng tuluyan ay nagsilitawan ang mga hugis bilog at kulay itim na- ano yan?

Tila isang vacuum ang mga itim na bagay nito.

Hinihigop pati ang liwanag...

Pati yung enerhiya ni Ekeziel HAHAHAHA nahihigop.

Tiningnan ako nito ng masama ng mapansing nagpipigil ako ng tawa.

Pano ba naman, yung expression sa muka halatang hirap na hirap.

Void ba ang power nito?

 Ang Void ay isang uri ng kapangyarihan kung saan kaya ng user or owner ng trait na ito ang mag-summon ng mga blackholes.

Maliit man o malaki.

Kaso, hinihigop rin nito ang enerhiya ng user basi sa laki nito.

"Ekeziel... Ano bang kahinaan ng Alton? Baka mamaya, ubos na energy natin tas eto tatawa-tawa pa." Seryoso kong tanong sakaniya.

"Ewan ko." Seryoso rin namang sagot niya at nag palitaw ulit ng mga void thingy. Hinihigop ang mga kumakalas na parte ng katawan ng Alton.

Lokohan pala kami eh, last man standing wins ba? Abay panalo ang Alton dyan.

"Hahahahaha bat pa ko nabuhay?" Sarkastikong tawa ko. Like ha-ha-ha-ha-ha.

"Guirec, Clovis."

Lumitaw ang libro at nag iba agad ito ng anyo.

Tumalon ako sa ere at lumutang paitaas ang aking libro.

Pinakiramdaman ko ang mga enerhiya na pumapalibot sa amin at doon ay ikinabit ko ang enerhiyang sinulid at ipinalibot ang mga enerhiya sa Alton.

"Cloud." Bulong ko at ang libro ay naglipat-lipat ng pahina na tila ba pinapalid ng hangin.

Tumigil ang pagpapalitpalit ng pahina at lumabas ang mga itim na ulap mula sa dalwang pahinang nakabuklat.

Nagtungo ang ulap na ito sa enerhiyang sinulid na nakakonekta sa mga enerhiyang nakapalibot saamin.

"Precipitation." At umulan sa kinaroroonan ng Alton. 

"Hail." Naging matalas ang hugis ng mga patak ng ulan at tumigas ito bago pa man tuluyang mahulog sa Alton.

Duguan ang Alton ng maglaho ang mga ulap... Pero nakangiti ito.

"MWUAHAHAHA! Ang mga ganiyang atake ay walang bisa saakin!" Nag-iba itong anyo, isang lobong pagkalaki at naputol ang mga sinulid na nagtatali sakaniya.

Kinalmot nito ang void thingy na nakapalibot sa kaniya at naglaho ito.

"Wreak havoc? Let me... HAHAHA!" Nawala siya sa paningin ko dahil sa bilis nito.

ELORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon