ELORA
I opened my eyes at bulaga! Nakita ko ang namiss kong ceiling ng kwarto ko.
Anong nangyari?
Kumurap-kurap ako para alalahanin ang mga nangyari bago ako nagmulat.
Panaginip ba yun? Kasi bugsh! Paanong nandito na ako sa kwarto ko.........?
Ah.
Nakapunta na dito si Eke.
Pero seriously, anong nangyari?
Ang huli ko lang na naalala bukod sa 3v1 with Alton ay yung pang i-stupido sakin ni Eke.
:)
Aside from that wala na, paanong nawalan ako ng malay?
Mula sa pagakahiga ay umupo ako.
At sa isang iglap...
Sira na ang araw ko.
Si ezekiel, naka upo sa couch ng kwarto ko at may binabasang libro.
Suot yung oversized na Stitch kong damit tapos yung katerno nitong pajama.
Cute sana e, kaso ang kapal ng muka.
Napalingon ito sa direksyon ko.
"Oh? You're awake na." Sabi nito na animoy walang paki.
"Oh? Is that my pajamas ba?" Please, kahit alam ko'ng akin yan. Say no. Say na same lang tayo huhu.
Reason kung bakit ayaw ipahiram: My pajamas are my treasures.
"Yes. Sorry, di na kami nakapagpaalam. Tulog na tulog ka e." Reply nito at ibinalik ang tingin sa hawak na libro. Teka... Kami????
"Bakit pajama ko pa? May iba namang oversized don a." Reklamo ko. Dama ko rin ang pagkunot ng noo ko.
"Ah. It looks comfy kasi compared sa iba." Aba??
"Hinalungkat mo damitan ko? Ang kapal naman ng muka mo."
Itinagilid niya ang ulo para sumilip sa gilid ng libro.
"Namin."
Knock knock
Tumingin sa pintuan si Eke tapos binaling na ulit yung atensyon sa libro.
Sa pinto ay pumasok ang sikyo.....
Suot suot yung panda na pajama ko'ng may hood.
NOOOOOO.
"Hey! Hi Elora. I just realized that I haven't introduce myself properly yet. Hehe." Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Oh? I'm glad na meron kang oversized clothes! Sira-sira at andungis na kasi nung mga damit namin so I suggested na we look in your closet. And gladly, madami-dami ang oversized clothes mo!" Pagpapaliwanag nito na may kasama pang ngiti.
Hindi ako maka imik at tanging pagpapakalma lang sa sarili ang kayang gawin.
"My name is Ethaniel from 4th gate. You can call me Ethan or anything that you're comfortable with." Teka hindi ba baliktad, diba normally dapat komportable ka sa ibibigay mong nn?
Tumango na lang ako bilang sagot. Teka san galing 'yung uno?
"Pft." Rinig ko ang pagpipigil tawa ni Eke dahilan para mapalingon kami sakanya.
Tila ba amazed siya sa nakikita.
"What are you laughing at?" Tanong ni Nathaniel dito.
"Wala hahaha." Did he just chuckled?
Stop. Alton.
Tumayo ako sa kama at sa kamay ko ay naglabasan ang mga strings.
"What the fu-" Naputol ang sasabihin niya ng tinali ko siya sa upuan, dahilan para mabitawan ang hawak niyang libro.
Tumingin naman ako sa kinatatayuan ng Nathaniel.
Itinali ko rin ito, dahilan para matumba siya sa kama.
"Eli? What are you doing."
"First, getting me caught up with your messes which I actually enjoyed. Second, invading my house, third invading my closet, and fourth!" Tiningnan ko'ng mabuti ang suot ko.
"Who the heck changed my clothes?!" Tiningnan ko ang dalawa na hindi naimik.
"WHO?" At hinigpitan ko ang mga tali.
"Si Ethan!" Nahihirapang tugon saakin ni Ekeziel.
Tumingin ako sa direksyon ni nathaniel. "ANO?!"
"Anong ako?!" My-my friend changed your clothes! I will not dare to touch any woman without their permission!" Depensa nito.
???
Bro what?
Nag-indian sit ako sa kama at tinanggal ang mga strings na nakapalibot sa kanila.
"That's strange." Tanging nasabi ko.
"That hurts. The fact that you don't trust me-" Pinutol ko ang pagpapacute ni Nathaniel.
"No, other than that I felt something strage." Yes. I feel like I'm stronger than yesterday.
"Anong date ngayon?" Tanong ko sa kaharap ko sabay tingin sa orasan sa kwarto. 5pm. Haba ng tulog ko ah.
"Hmm? Oh it's 5th day of-" Pinutol ko si Eke.
"5th?" Huh? Wait hindi ba 3rd of ano lang?
"Oh. You've been asleep for 2 days."
???
Kumurap-kurap ako habang pinoprocess ang mga narinig.
"How come?" Tanging nasambit ko.
"Well apparently, you're too stupid para lapitan yung Alton."
"Naseal naman na namin so you don't have to worry."
"Sang banda ng muka niya yung worry? Mukang gusto pa ngang umisa e."
Sagutan ng dalwa.
"Teka sinong friend nagpalit ng damit ko?" Sabat ko.Bumukas ulit ang pinto.
"MEEEEEEEEEE!" Tili ng babaeng kulay pink ang buhok, singkit na mata, matangos na ilong , mapulang labi, maputlang kutis, konting tilos na tainga- teka bat ko ba dinedescribe...
Nakatingin lang ako dito na tila nag-iintay ng kasunod.
"Im Shira from 4th gate rin!" Masayang tugon nito.
"Hehe, wag kang mag-alala ako kumalkal sa mga damit mo tas binigay ko lang yung kasya sa kanila hehehihi... Sorry." Bigla itong tumungo. Well at least nakatulong sya kumpara sa mga makakapal na mukang, walang utang na loob na mga sira AAAAAAA.
"It's fine, thankyou." Tanging nasambit ko.
"REALLY ACKK! What's your name?" Biglang naging energetic ito. Whatahick.
"Huh? Ahhh... Elora..." Nakatingin ito sakin, tila nag-iintay ng kadugtong.
"What? Hindi Eli name mo?" Bulong ng isang mokong sabay tingin sa nagbabasa na ulit na Eke.
"...Khalid frooom?"
Nilibot ko ang tingin sa kwarto.
At nakasulubong ko ang mata ni Nathaniel na nag-iintay rin ng sagot.
"She's from 5th gate." Putol sa katahimikan ni Ekeziel.
"Really?" Taas ng kilay ng dalwa sa akin.
"Mhm." Pag-agree ko. Nice save. Nice save.... niceeee."Okay... Anyways, I want to ask for forgiveness about the other day." Pagbabago ng topic ni sino nga 'yon. Ah si tan.
Huh?
"About the Letums. Bigla silang naglabasan near the gate, trinatry ko'ng controlin ung crowd nila habang sineseal ung lagusan kung san sila galing, ung mga nakalabas ayo-"
"Ahh ok lang, wag ka nang magpaliwanag. Wala naman akong pake." Putol ko dito.
Narinig ko ang hagikkik ni Eke.
Napuno na ulit ng katahimikan ang kwarto.
Ang... awkward.
"Ano nang plano ngayon? Uwi na ba?" Tanong ni Shi kay Tan na siyang muling nagbasag sa katahimikan.
"Ah... Kuha muna tayo ng report mula sa mga Khalid na nandito para lipunin yung ibang ligaw na Khalid. Tapos balik na tayo." Sagot nito.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at lumabas ng kwarto.
"Ge. Siseal na rin ba yung gate sa Lagoon?"
Sinundan ako ng tingin ng dalwa habang nag-uusap. Pinagmeetingan pa talaga yung kwarto ko.
Tumungo ako sa kusina at binuksan ko yung ref tapos kinuha yung microwave meal at pinainit na sa microwave.
Sheesh, ambango. Tumingin ako sa sala, kung san naganap ang gulo matapos kaming masundan ng Alton.
Malinis ito at tila walang bakas ng mg atake galing sa Alton.
Hays Sister Pazz, pano ka nakuha ng mokong na iyon?
Inubos ko na ang pagkain at nilinis ang pinagkainan.
Nagmimeeting pa rin sila sa kuwarto ko.
"Hey, how about the two of you? Babalik na rin ba kayo?" Tanong ni Tan sa akin pagkapasok ko ng silid.
Anong kayo? Di ako kasama huy.
"Hindi. We are gathering Khalids nga diba? Tas pababalikin mo?" Pabalang na sagot na naman ni Eke.
Nice one.
"Ah. Okay. Sang gate kayo dadaan?"
"San ba kami galing?" Sinarado ni Eke ang libro at banas na tumayo. Tumungo siya palabas.
Huminto ito sa pintuan at nilingon ang dalwa.
"Ano? Dito pa rin kayo mag-uusap? Labas." Pinalabas nito ang dalwa, at nagsisunudan nga ito.
Naiwan akong mag-isa.
Uy nice Eke. NICE.
Ginayak ko ang damit at ako ay naligo na.
Pagkalabas ko ng banyo ay kinuha ko ang laptop ko, binuksan ito at tiningnan ang portal ng school.
Final Rankings
11th Year
1. Elora Darlene Eleanor
2. -----------------------------
3. -----------------------------
Sheesh! Wait...
"...at ngayon, late na ako dahil sayong hatdog ka!"
Sana di niya maalala haha... Well di ko naman sinabi kung saan... Dibaaa?
Di ko na maalala ang mga nangyare dahil mabilis lang rin iyon.
Ang bilis nilang icalculate yung grades, salamat sa patuloy na pag-usad ng teknolohiya!
Next week, moving up na. Konti na lang. Lalarga na ko sa adulthood.
Knock knock
Sinarado ko ang laptop at binuksan ang pinto.
Bumungad sa akin si Shira at ang malinamnam na amoy mula sa kusina.
"Nagluto ako ng dinner hehe." Nakangiting sambit nito.
"Hehe ginamit ko rin yung items sa ref." Dugtong pa nito.
"Hehe. Ang kapal ng muka niyo, magsama-sama kayo."
.................................