ELORA
"Im Ezekiel. 1st Khalid of the 5th gate." Pagpapakilala nito sa sarili.
"Oh, tapos?"
"..... Doesn't ring a bell?" Di makapaniwalang tanong nya.
"Wala akong bell dito, wind chimes lang." Seryoso kong sagot.
"Seriously... ha.... And here I thought that I met a Khalid who's wise." Akma syang tatayo ng hinigpitan ko ang mga sinulid na nakapulupot sa kaniya, dahilan para mapaupo ulit sya.
"Tam-" Nilagyan ko ulit ng busal ang bibig nya.
What should I do this man? Wrong choice atang ginamot ko toh.
"Should I kill him?" Bulong ko sa sarili ko. Kita ko ang pagkunot sa kanyang mga noo."Guirec." Tawag ko sa libro at lumitaw ito.
Binuklat ko ang libro tungo sa pahina kung saan naroroon ang Healing magics.
Focus your energy to your hands.
....Subtle and gentle energy shall surround your hands...
A cure.... and a weapon.
I cant use this. Gentle energies are not my forte.
I don't really want to help this human pero the energy surrounding him suggests na nanganganib buhay nito.
"Tsk. Kung hindi lang kita kargo de konsenysa." Bulong ko ulit at inilipat ang pahina.
Pain are medicine.
Kill it and it shall generate.
Surround your hands with mana.
Raise the temperature of the energy...
Burn the wounds and it shall vanish....
Thump
Isinarado ko ang libro pagkabasa sa pahinang iyon. Napangisi ako sa nabasa at tiningnan ang tao sa harapan ko.
"MMM?!" You'll thank me later.
Finocus ko na ang mga enerhiya sa kamay ko.
Kita ko ang hindi pag sang-ayon sa muka niya.
Tinaas ko ang temperatura nito gaya ng sinabi sa direkyon.
Pinirmi ko muna ang katawan nito sa sofa. Sinigurado kong hindi sya makakapalag.
"Game na." Pinaso at nilapnos ko ang mga sugat nito.
"MMMMMMMMMM!!!!!!!!!" Sigaw ni Ekizel dulot ng sakit.
Nung una ay namula ang mga sugat.
Nangitim.
At pagkalipas ng ilang segundo ay naglaho.
Maya-maya pa ay tuluyan ng nawala ang mga sugat na natamo niya.
Hindi lang mga sugat ang naglaho, kundi pati na rin ang kanyang mga pasa.
Dahil sa katahimikan ay napatanong ako kung buhay pa ito.
At ng tiningnan ko siya... Boogsh! Tulog.
Well sabagay, nakasulat rin sa libro na ang init at pagdurusa ay mapapalitan ng kaginhawaan at lamig.
Ngunit kahit pa nagamot ko na siya, naririto pa rin sa paligid niya ang itim na usok. Senyales ng panganib at kamatayan.
Paano ko iyon nakikita?
Sapagkat ang apartment ko ay pinalilibutan ng barrier.
Kung saan ang mga intensyon, panganib, at kadalisayan ng kaluluwa ay makikita ng gumamit ng spell.
Wala for precautions lang.
Sa tingin nyo ba, papapasukin ko toh sa apartment ko kung itim kaluluwa nito? Nah-uh.
Ano kayang nangyari sa taong toh?
Hays.
Warp
Sa isang iglap, nasa bakanteng kwarto na kami ng apartment ko.
Aria
Naging maayos ang wangis ng kaniyang damit. Nawala ang mga sunog, ang mga butas, ang mga sira.
Ang Aria ay isang restoration spell. Kung saan bumabalik sa dating wangis ang ano mang bagay. Maaring 1 minute before, 1 hour before, 1 day before. Ganon.
Naglakad na ko pabalik sa sala at pinatay ang tv.
Pinatay ko na rin lahat ng ilaw at inilock ang mga bintana. Binaba ko na rin yung mga blinds.
Mas pinagtibay ko rin ang barrier nitong apartment ko.
Hinatak sya ng enerhiya ko...
Kung ang katulad nya, nasense yung energy ko, pano na kaya yung mga Letum na yun.
Malalakas ang pang-amoy nung mga yun pagdating sa enerhiya.
Sana naeliminate na nung guardian na yun yung mga Letum na malapit dito, pagod na kong ideal sila.
Wait, ano kayang tumira dito kay kuya at nagkaganon itsura nya?
Hindi ko pa nae-encounter ang ganong mga pinsala.
"Aaaaaa, bakit ba hindi nila mabantayan ng maayos yung mga gate. Mahirap ba 'yon?" Bulong ko na malakas pero bulong sya.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng carton milk.
Pagbukas ko ng ref, wala na akong stock.
Nice.
.......
Kinandado kong mabuti yung apartment bago ako pumunta sa malapit na convenience store.
5/12 convenience store. Open on weekdays for 12 hours, 6pm to 6am.
Bakit ganon? Kasi ang may-ari ay estudyante pa.
Clang clangAgad akong pumunta sa beverages sector nitong convi.
Kumuha ng gatas tas kumuha na rin ako ng strawberry yogurt.
Ok time to go back.
Pagkabayad ko ay agad akong naglakad pabalik sa bahay.
9pm na, oras kung saan gala ang mga creatures.
Bali mas maraming report ang nakukuha ng mga authority patungkol sa mga creatures, o kadalasang Leptum pag nag 9pm na.
Sa neighborhood namin, onti lang.
We safe safe safe.
SwooshUmihip ng malakas ang hangin kung saan rinig na rinig ang ihip nito.
Wow lamig.
Pagdaan ko sa isang madilim na eskinita kung saan sira ang mga ilaw at nagpaptay sindi ay napatago ako.
"Meow." Sabi ng aso, na syang pinatahimik ko.
What the what....
Doon ay may nakita akong isang taong nilalangaw at naka-upo.
Tapos isang tao na hindi mukang tao pero mukang tao.
Sumilip ulit ako, walang ilaw.
At sa pag liwanag nung ilaw don, nakita ko ang pag iibang hugis ng mga lamang loob, balat, at kalamnan niya.
Nagwangis sya bilang yung taong wala ng buhay...
Alton.
Thud
....Yung pusa, sinipa ba nito o nasipa yung basurahan? Haha, gawin kitang siopao e.Sumilip ulit ako at nakita kong nakalingon ito sa direksyon namin dahilan para magtago ulit ako.
Haha. Kung ang Leptum kaya ko kahit sangdaan pa yon, ang Alton kahit iisa ay hindi ko masisiguradong buhay pa ako pagkatapos ng laban.
Ang huli kong harap sa Alton ay nagdulot sa 50/50 life ko zhahahaha.
Ok, scary.
May utak kasi ang alton compared sa mga Leptum.
Ang Alton, sila yung literal na Old Souls. Nabuhay sila mga isang libong taon bago ang kasalukuyan o higit pa.
Kaya nilang gayahin ang wangis ng mga nakakasalamuha.
Kung minamalas ka, at may Khalid silang nakopya. Ay pak! Pati kapangyarihan non kaya nilang gayahin.
Thump thump thumpLakad nito papunta saamin.
Haha, I can't breathe. I love you more yie.
Mamaaa, ay wala pala ako non."Meow." Sabi ng pusa at tumalon sa alley.
"Meoww!" Sigaw nito, at maya maya pa ay tumalsik sya palabas.
Siopao ingredient na sya...
Labas ang mga maliliit nitong lamang-loob.
Pag nakita ako nito, sa malamang ay hotdog ingredient na ko.
Hindi ako makapag warp, dahil pag nag warp ako.
Maamoy nya ang enerhiya ko, then boogsh hahanap-hanapin na ako nito.
Ang Leptum, malakas ang pang-amoy; kahit na hindi ka gumamit ng enerhiya ay maamoy ka.
Ang Alton? Matalino.
Kaya nga hirap silang mapatay at mahuli ang mga ito.
Nawawala kasi bigla; nag-aanyong tao.
Nandito lang ako at nagdarasal na sana hindi ako makita.
Hindi ko na rin marinig ang paglalakad nito, baka tumigil na.
Sumilip muli ako ng dahan-dahan at may pag-iingat.
Pagsilip ko, ay nakaupo sya sa mismong corner ng alley at nakatingin sa mismong mata ko.
"AAAAAAAAA!" Sigaw ko at nagtatakbo.
Nakasunod sya sa akin.
"MUWHAHAHAHA!" Demonyong tawa nito.
"Lord... Nais ko lang pong...." Hindi pwede magtatakbo lang ako.
"Mabuhay pa." Dugtong ko at humarap sa Alton na na nasa ereng nagtatatalon-talon sa mga poste ng ilaw at ibinato yung isang carton milk. Bullseye, tumama sa muka nya at nasira ang carton; dahilan para mabasa ang muka nito.
Nag-anyonh pusa ito at naging mas mabilis.
Sa mga poste ay nagtatatalon-talon pa rin.
Binato ko toh ng yogurt, nakailag.
Patuloy lang ako sa pagbato dito hanggang sa iisa na lang na carton milk ang natira.
"Serve the best for the last." Bulong ko at ininom ang huling gatas na ito.
"If this is my last meal, I'm happy to die."
..............