“Assumption Trapped: Chapter 9”
“Puzzled”It's been three days since I came home. Tatlong araw na simula ng makauwi ako at hanggang ngayon patuloy akong binabagabag ng mga isipin ko. Patuloy na rumaragasa na para bang wala na itong kataposan.
Mistolang mga puzzle na kailangan mabuo.
Tatlong araw narin akong nagtataka kung paano nakilala ni Mr. Walter ang pamilya ko. Wala siyang nabanggit sa'kin, ganon din sila nanay.
Iniisip ko rin kung sino yung laging sumasagot sa mga tawag nila na kaibigan ko daw. Dahil sa natatandaan ko, bilang lang sa daliri na nakausap ko sila habang nasa kulongan ako.
Hindi ko maiwasang hindi mag-isip dahil wala akong natatandaan na nabanggit ko kay Cyroux ang tungkol sa pamilya ko. Simula nung iniimbistigahan at mahatolan ako ay naging maingat ako sa lahat ng impormasyon na hinihingi sa'kin. Walang sino man ang may alam sa detalye ng pamilya ko kaya ganon na lang ang pagtataka ko nung malaman na magkakilala na pala sila bago ko pa man sila maipakilala sa isa't-isa.
I can smell fishy here! Something is wrong!
"Kuya! May pinabibili si nanay sayo!" Napabalik ako sa reyalidad pagkarinig sa sigaw.
Tinignan ko ang may ari ng boses at napailing. Katorse anyos lang tong si Dino pero kung maka asta akala mo sitenta na. Palaging naka busangot at sumisigaw.
"Ke lapit-lapit sumisigaw! Bastos na bata!" Bulong ko sa sarili.
"Pinabibili ka ni nanay ng mauulam natin ngayon saka mamaya." Dagdag niya habang lumalapit sa'kin.
Tumango lang ako at agad na lumundag mula sa pagkakaupo sa ibabaw ng veranda. Walang kahirap-hirap akong nakababa.
Napatingala ako nung may marinig na tili. Galing iyon sa veranda. Nakadungaw doon si Dino at Gia. Tanging kalahati lang ng katawan nila ang nakikita ko.
"Kuya! Why did you do that!? You should have use stairs instead of jumping. Are you okey there?" Matinis ang boses ni Gia marahil sa gulat. Nakatingin naman sa'kin si Dino na para bang hindi makapaniwala.
Ngumiti ako sakanila at suminyas ng thumbs up indikasyon na ayos lang ako.
Hindi ko na hinintay ang iba pa nilang sasabihin at agad nang naglakad paalis.
Hindi kalayoan ang bayan sa tinitirhan nila nanay. Walking distance lang rin ito pero may mga pedicab sa gilid na naka standby kung sakaling may gustong sumakay.
"Allison..."
"Ali..."
Napahinto ako sa paglalakad nung may magkasunod na tumawag sa pangalan ko. Galing iyon sa mga nag-iinoman sa harap ng isang tindahan.
"Allison halika muna dito!" Pag tatawag sa'kin ng isa sa kanila.
Napahinga na lang ako bago lumapit. Nakasuksok ang dalawa kong kamay sa bulsa ng hoodie ko. Anim silang nag iinoman sa isang round table. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung mga dakilang tambay dito samin.
"Pare, nakauwi kana pala. Kelan ka pa dumating?" Tanong nung tumawag sa'kin.
"Ikaw naman pre para kang others! Pinapa shot muna yan!" Pagsasabat ng isa sabay abot ng isang shot sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/310668628-288-k880561.jpg)
YOU ARE READING
Assumption Trapped
Mistero / Thriller"Chasing the justice is like chasing a shadow in the darkness." They say that justice always serves right. That there is equallness to every scream of justice, but maybe it's only for those who have all the means to turned the table around. The one...