“Assumption Trapped: Chapter 8”
“Back on their arms”"Kuya!" Tawag ng isang batang babae na nasa labing tatlong taong gulang. Tumatakbo ito palapit upang salubongin ang pagdating ng kanyang nakatatandang kapatid.
Bakas ang kasiyahan sa mukha ng bata habang tumatakbo. Lumuhod ang kanyang kuya upang salubongin siya ng yakap.
"Kuya bakit ngayon ka lang? Matagal na po kitang hinihintay." Lumuluha man ay bakas ang kasiyahan sa boses ng batang babae.
Nakayakap ang kanyang munting kamay sa leeg ng kanyang kuya habang nakasuksok ang mukha sa balikat nito at tahimik na umiiyak.
"Tahan na bunso nandito na si kuya. Pasenya ka na kung ngayon lang ulit ako nakadalaw sainyo." Pag aalo niya sa kapatid.
"Nasaan nga pala si kuya Dino mo? Hindi niya ako sinalubong ah." Tanong niya sa kapatid habang hawak ang magkabilang pisngi nito.
Napatigil ang bata at lalong napaiyak. Napayakap ulit siya sakanyang kuya. Magsasalita na dapat ang lalaki pero napatigil nung may tumawag sakanya.
"Allison..."
Nag angat siya ng tingin upang hanapin kung saan nanggaling ang boses. Napatayo siya ng makita ang ninang niya na kumakaway sakanya sa malayo.
"Nanay!" Tawag niya pabalik.
Hinarap niya ang kapatid at pinunasan ang luha nito. Ngumiti siya ng marahan. Masaya siya na makita muli ang kapatid. Nawala ang pangungulila niya ng halos pitong taon nung mayakap niya ang bunsong kapatid.
Hinawakan niya ang kamay nito at sabay silang naglakad palapit sa bahay nila. Nasa bukana ng pintoan ang nanay paulina nila. Nasa mid-40s na ito pero hindi iyon halata sa mukha ng ginang.
Isang mainit na yakap ang isinalubong ni nanay Paulina sa anak-anakan. Maluha-luha niya itong niyakap ng mahigpit. Kahit na inaanak niya lang si Allison ay itinuring na niya itong parang sariling anak.
"Bakit ngayon ka lang, nag alala kami sayo ng subra! Ikaw talagang bata ka, oo!" Mangiyak-ngiyak man ay nakuha paring manirmon ni nanay Paulina.
"Satuwing tinatawagan ka namin ay ibang tao ang sumasagot. Kaibigan mo daw siya. Hindi ka man lang namin makausap ng maayos sa telepono!"
"Nanay, busy po kasi ako. Alam niyo naman po na nag tatrabaho ako." Paliwanag niya.
"Ganon ka ba ka abala sa trabaho mo na nagawa mong hindi umuwi ng halos pitong taon dito?" Buwelta ni Nanay Paulina na nakapag patahimik kay Allison.
Napaiwas siya ng tingin.
"Nanay naman! Kauuwi lang ni kuya sinisirmonan mo na kaagad. Hindi pa nga tayo nakakapasok sa loob eh." Pagsasabat ni Gia sa usapan.
"Ikaw talagang bata ka. Palagi mo talagang pinagtatanggol itong kuya mo kaya umaabuso!" Nanggigigil na kinurot nito ang pisngi ng bata. "Osiya, tayo'y pumasok na ng makakain na tayo. Nagluto pa naman ako ng mga paborito mong pagkain ali."
Kinindatan ni Allison ang kapatid dahil sa pagliligtas nito sakanya
bago sumunod papasok ng bahay.Hindi ganon kalaki ang bahay ng ninang niya. Dalawang palapag lang ito. Simula ng umalis ng bansa ang mga magulang niya upang mag trabaho ay dito na siya sa ninang niya. Wala naman silang ibang kamag anak. Dito siya lumaki at nagkaisip.
Maraming pinagbago ang loob ng bahay. Mula sa desenyo, pintura at mga kasangkapan. Naging modern style na ito, bagay na nakapaninibago dahil old style ang huling alaala niya sa bahay nila.
It's been almost 7 years, what do I expect?
"Gia, halika dito. Tulongan mo akong maghain." Tawag ni Nanay Paulina.
Agad namang kumalas sa pagkakahawak si Gia mula sa bisig ng kanyang kuya at mabilis na pumanhik sa kusina upang tulongan ang nanay Paulina niya.
Naiwan naman na mag isa si Allison sa sala. Isa isa niyang tinitignan ang mga bagong kasangkapan doon. Hindi nga maipagkakaila na maraming bagay ang nagbago dito ngunit hindi lubosang naging estranghero ang bahay na ito kay Allison dahil nandito parin ang mga collections nila ng antiques. Bagay na pinapahalagahan nila ng nanay niya.
Napatigil sa pagtingin si Allison ng maramdamang may nakatingin sakanya.
"Gagii, muntik na akong makuyog don. Hayst la!"
Tamad na binalingan ng tingin ni Allison ang may ari ng boses. Papasok na ng bahay si Mr. Walter bitbit ang attache case nito.
"Hindi na masanay ang mga tao dito. Simpling gwapo lang naman ako." Dagdag pa nito. "Sabihin mo nga Reign, ganon ba ako kagwapo para dumugin. Nauumay na ako sa mga tilian nila."
Nagsasalita ito habang naglalakad papasok. Umiiling-iling pa ito na parang problemado sa nangyayari sakanya.
Sa halos ilang taong pinagsamahan nila, kilala na niya ito. Alam na alam niya ang ugali nitong hindi pang abogado.
Tinignan niya ito ng deretso at nginisihan. "Huwag ka ng magtaka kung ganon ang trato sayo ng tao, para kasing exotic yang mukha mo."
Nawala ang mapaglarong ngisi sa mukha ni Mr. Walter. "Bastos ng bunganga mo ah!"
Akmang susugurin niya si Reign ngunit napatigil nung makitang palabas ng kusina si Nanay Paulina.
"Oh, Cyroux nandito ka rin pala! Magkasabay ba kayo ni Allison na bumyahe dito? Hindi kita napansin kanina." Agad na saad ni nanay Paulina pagkalabas ng kusina.
Napakamot naman ng batok si Cyroux at alanganin na ngumiti. Natatakot na baka nakita nito ang akmang pagsugod niya kay Reign kanina.
"Ah, eh—oo. Nagpaiwan lang ako saglit sa kotse."
Tumango ang ginang. "Ganon ba. Bueno, halina kayo sa hapag at sabay-sabay na tayong kumain." Anyaya nito.
Agad naman silang pumanhik at nagsiupo sa mahabang mesa. Pagkatapos na maihain ang lahat ng pagkain ay nagdasal muna sila ng pasasalamat bago tuloyang kumain.
"Nga po pala nay, nasaan po si Dino? Hindi ko pa siya nakikita mula ng dumating ako kanina." Pagsasalita ni Reign.
Napatigil naman sa pag k-kwento si Nanay Paulina upang masagot ang tanong ng anak.
"Nasa bayan, napag-utosan ko kanina bago pa kayo dumating. Pauwi na rin iyon." Sagot nito at ipinagpatuloy ang pakikipag kwentohan.
Tahimik naman si Reign habang tinatapos ang kanyang pagkain. Maraming bagay ang pumapasok sa utak niya ngayon. Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag sa nanay niya ang nangyari sakanya sa mga nagdaang taon. Hindi na niya alam kung paano pa malulusotan ang mga tanong nito.
Nagtataka rin siya kung paano nagkakilala si Mr. Walter at ang nanay niya. Sa nakikita niya ngayon ay parang close na close ito sakanila. Si Gia na kilala niyang hindi madaling mapaamo ay ngayo'y tuwang-tuwa sa kausap.
Nakapagtataka.
What did I missed 7 years ago?
@VenenoBelleza
YOU ARE READING
Assumption Trapped
Mystery / Thriller"Chasing the justice is like chasing a shadow in the darkness." They say that justice always serves right. That there is equallness to every scream of justice, but maybe it's only for those who have all the means to turned the table around. The one...