Assumption Trapped: Chapter 14

5 0 0
                                        

"Assumption Trapped: Chapter 14"
"Walter"

Third Person POV

Nasa loob ng isang bahay ang hindi makilalang lalaki. Nababalot ito ng itim na kasuotan, animo'y may hinahanap ito sapagkat binubukasan nito lahat ng kwarto at drawer. Hanggang sa napunta ang lalaki sa isang kwarto sa dulo na satingin niya'y opisina.

Hinay-hinay niyang hinalungkat ang lahat ng papel na nasa ibabaw ng lamesa, pati ang drawer sa baba nito ay binuksan niya rin. Ngunit wala roon ang bagay na hinahanap niya.

Ipinalibot niya ang tingin at sunod na pinuntahan ang istante ng mga libro. Halos isa-isahin niya itong buklatin ngunit katulad ng nauna, wala rin doon.

Napupuno na siya ng kaguluhan sapagkat wala siyang mahanap na matino sa opisinang ito.

Napatayo siya ng matuwid ng marinig na may paparating. Maingat niyang iniangat ang kurtina upang makita kung sino ang bagong dating. Magkasunod na bumaba ng kotse ang dalawang lalaki. Nakilala niya agad kung sino ang mga ito.

Dali-dali ngunit maingat na lumabas siya ng silid at tinungo ang balkunahi sa likod, ngunit bigo siyang mabuksan iyon. Kaya dahan-dahan na lang siyang bumaba upang sa likod bahay na lang dumaan, kung saan siya dumaan upang makapasok kanina.

Napatago ang lalaki sa likod ng isang malaking figurine nung biglang pumasok ang sa tingin niyang si Reign Cardova-ang kriminal na parolado.

Pumasok ito sa kusina kaya agad siyang lumabas. Sa main door na lang siya dadaan sapagkat naroon sa kusina ang daan papunta sa likod bahay. Hindi na siya maaaring pumasok doon.

Higit niyang nakikilala si Reign. Alam niyang simula ng mapasok ito sa kulungan ay malaki ang ipinag bago nito. Hindi lang sa mentalidad kundi sa pisikal na aspeto. Hindi na ito ang taong nakilala niya anim na taon na ang nakalipas.

Pagkalabas ay agad niyang nakita ang abogadong minsan niyang naging kaibigan. Xian Cyroux Walter.

"Sino ka?"

Agad siyang naalarma nung bigla itong magsalita. Napatingin ito ng deretso sakanya at sa bagay na hawak-hawak niya.

Hindi siya nagsalita kaya agad na sumugod ito dahilan upang mabitawan niya ang mga papel na hawak.

Nagmistulang confetti ang mga papel na hinay-hinay na nalalag-lag at tinitangay ng hangin.

Eksperto niyang iniilagan ang mga suntok na pinapakawalan ng abogado. Kataka-takang hindi siya gumaganti at panay lang ang iwas nito habang deretsong nakatingin sa mata ni Walter.

Nung magkaroon ng tyempo ay malakas na itinulak niya ito dahilan upang masub-sub at mapunta sa sulok ang abogado.

Napaigik ito sa sakit.

Napangisi siya nung makita kung gaano kasama ang tingin ni Walter sakanya.

"You'll gonna pay for this!" Pagbabanta nito sakanya.

Imbis na makaramdam ng takot ay napailing lang ang lalaki. Animo'y nasisiyahan siya sa hindi inaasahang pakikipag-buno sa abogado.

"I'm more than willing to give you the change, Walter. And kudos to you, you're doing really good in this game! Please don't be caught!" He answered sarcastically.

Assumption TrappedWhere stories live. Discover now