Naligo na'ko. habang nagshashower ako biglang pumasok sa isip ko si jake. "Ano ba to.. bat' ba naiisip ko si jake?.." sabi ko sa sarili ko. pagkatapos kong maligo nagbihis na'ko ng uniform ko. tapos bumaba na ko for breakfast.
"Goodmorning ma." sabi ko. umupo na'ko para kumain. "Oh. ang aga mo ata?" sabi ni mama. "Ang sakit ng ulo ko dahil sa kagabi eh. kaya maaga nagising."
"ah ganun ba?" sabi ni mama. Kumain na ko agad para makaalis na ko ng maaga.
Pagkatapos ko kumain umalis na ako agad.
Habang naglalakad ako. biglang may bumusina sakin. *beep beep* " Ano ba yun?! ang bastos naman nun." sabi ko. Pagtingin ko si jake pala. "Get in! Hatid na kita!" sabi niya. "Hindi sige. maglalakad na lang ako.." sabi ko. "Sakay na!" sabi niya. Napilitan ako kaya sumakay na lang din ako.
On the way na kami sa school. Ang akward lang dun sa loob. ang tahimik. "Kamusta pala tulog mo?" bigla siyang nagsalita. "Okay lang naman. sumakit ulo ko pag-gising ko." sabi ko. "Ang dami kasi ng nainom mo e." sabi niya. natahimik ulit kami.
Nakarating na kami sa school ko.
"Dito na lang ako sa may gate.. wag mo'na ipasok sa loob.." sabi ko. "Sure ka?" sabi niya. "Uhmm.. Oo. Thanks anyways." nag-fake smile ako. "Sige. bye!" sabi niya. pumasok na ko sa loob ng school.
Ang akward talaga nun promise.. di ko alam sasabihin ko.. kasi naman julie!!! ano ba kasi tong mga pinag-gagawa mo e!! ayan tuloy.. pati friendship niyo ni jake masisira.. nakakainis!!
naglakad na ako papunta sa room ko.... nakita ko si adam. nakita niya rin ako. nginitian ko lang siya, tapos pumasok na ako sa room. Pag-upo ko sa pwesto ko, nagsounds na lang ako. "Naaalala na kaya ako ni adam?" sabi ko sa sarili ko. pagpasok ni adam umupo siya sa tabi ko. "Hi." sabi niya sakin. Ano to? first day ulit? Gusto ko ng maiyak kaso pinigilan ko. "Hello." tapos ngumiti ako sa kanya. "Ikaw yung babae sa hospital diba?" sabi niya.
"Uhhhm.. ako nga. Sorry nga pala dun ah. kamukha mo lang kasi yung boyfriend ko e......" sabi ko. tapos bigla na lang ako naluha. di ko na napigilan. Nagulat si adam. "Uyy... Ahmm.. wag ka ng umiyak..." parang nataranta siya, tapos hinimas-himas niya yung likod ko. Lalo akong naiyak. di ko alam. basta kapag umiiyak ako tapos sinabihan ako ng wag na akong umiyak tska hinimas-himas yung likod ko lalo akong naiiyak. tapos siya pa yung gumanun sakin... :(
"Uhmm.. uyy.. miss wag ka na umiyak.." sabi niya. "Julie...." sabi ko. "ano? anong julie?..." sabi niya. "Julie pangalan ko...." sabi ko.
"Ah. Julie.. wag ka ng umiyak please... ayoko kasi ng may umiiyak na babae e..." sabi niya. Niyakap niya ako. lalo akong naiyak. kasi naman tong adam na to!! sa lahat ba naman ng kakalimutan niya. Ako pa!! ako pang nagmamahal sakanya ng sobra!! :'( bakit ba ganun? ayaw ba ng destiny na maging masaya ako?!!! parang lagi na lang ako pinaparusahan!! nakakainis na to ah.. :'(
Niyakap ko ng mahigpit si adam.. "Wag ka na umiyak..." bumulong siya.
Tumahan na din ako. "Sorry ah. namimiss ko lang kasi yung boyfriend ko.." sabi ko sakanya. "ganun ba.. wag ka ng umiyak. papanget ka. Ang ganda ganda mo pa naman.." sabi niya sakin, tapos ngumiti siya sakin. Naiiyak nanaman ako. "oh.. umiiyak ka nanaman e.. sabi ko wag ka ng umiyak e.." sabi niya. sabay pinunasan yung luha ko. Tapos ngumiti siya sakin. "Sobrang namimiss ko na kasi talaga siya. tapos kamukha mo pa siya tska kaugali mo pa.." sabi ko.
"gusto mo ba umalis na ako para di mo na siya maalala?" sabi niya sakin. "Hindi.." hinawakan ko yung kamay niya. "Okay lang... wag ka ng umalis.." sabi ko. tapos tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Ay.. sorry." sabi ko. Tapos inalis ko na yung kamay ko sa kamay niya. nagsmile lang siya sakin. "Adam Morrison nga pala name ko..." sabi niya habang nakangiti. nakipagshake hands siya sakin.
"Julie... Julie Perez." sabi ko. nagsmile na lang din ako.
Natapos na yung day na to na magkasama kami ni adam ng buong araw. parang first day lang. yung tipong di kami magkakilala. Masaya naman kami.. kaso malungkot pa din ako.
Naglalakad na kami palabas sa school. "Uhmm.. sige adam uwi na ako.." sabi ko sakanya. "uwi ka na agad?" sabi niya. "Oo e. magagalit kasi mom ko e..." sabi ko na lang sakanya. "Ganun ba? uhmmm... sige.. hahatid na lang kita!" sabi niya habang nakangiti. "Hindi na... Okay lang. medyo malapit lang naman ako dito e.." sabi ko. nagfake-smile ako. "Hindi... ihahatid kita..." tapos hinataka na niya ako.
Habang naglalakad kami... "Ano nga palang nangyari sa boyfriend mo?..." sabi niya. natahimik ako.
"Uyy. okay lang naman kung ayaw mong sagutin e naiin--" bigla akong nagsalita.
"Naaksidente kasi siya......."
"Oh? panong aksidente?"
"car accident...." sabi ko.
"Prom kasi namin nun... tapos.... hinatid niya ako samin... i was about to sleep when he called me.. and when i answered.. iba yung boses na narinig ko.. tinanong ko kung bakit nasa kanya yung phone nung boyfriend ko.. tapos sabi niya... naaksidente daw yung boyfriend ko...." naluha ako habang nagkukwento sa kanya..
"Uy sorry kung natanong ko pa... wag ka ng umiyak.." sabi niya. tapos pinunasan niya yung luha ko. tapos niyakap niya ako. "Okay lang.. ano ka ba.. wala naman yun.." yun na lang sinabe ko. tapos naglakad na ulit kami.
"San ka ba dito?" sabi niya. "Dito na. Eto nga yung bahay namin.." sabi ko habang tinuturo yung bahay na nasa harap namin. "Yan na? kala ko naman malayo pa. di ka kasi nagsasalita e.." sabi niya. "Sige na.. papasok na ako.. thankyou pala sa paghatid. Ingat ka sa pag-uwi mo ah." sabi ko. papasok na sana ako.
"Julie sandali lang...." sabi niya. "bakit?" sabi ko.
"wag ka ng iiyak ulit ah.. basta kung kailangan mo lang ng makakausap tska makakasama... nandito lang ako palagi... hindi kita iiwan.." sabay smile. "Salamat." nagsmile din ako. medyo naiiyak nanaman ako. "Sige na umalis ka na. Ingat ka ah." sabi ko. tapos pumasok na ako sa loob. pagpasok ko sumilip ako sa bintana. naiyak ako. "Kung alam mo lang kung gano kita kamahal..." sabi ko sa sarili ko.
Umakyat na ako sa kwarto ko. Tapos humiga na ako.. di ko namalayan nakatulog na pala ako.
-Next morning-
Saturday pala ngayon. Pagkatingin ko sa phone ko nakita ko nagtext yung mommy ni adam. pagkabukas ko ng message.
From: TitaMommy<3
Goodmorning. This is adam's mom. i just have a good news. napanaginipan ka ni adam last night, and he doesn't know kung sino daw yung girl. medyo ipush mo pa ng konti.. feel ko na He would remember you na. :)