Bestfriend.

81 0 0
                                    

Nagvacation na...

Sa resume ng classes ibang school na papasukas ko. New classmates and new Friendships ang mabubuo. Nung nagsimula na yung classes. nagkaroon ako ng New friend agad. Aubrey Reyes ang name niya. Naging close agad kami. Syempre dahil first day.. mawawala ba ang introduce yourself? Syempre hindi. so ayun... nagpakilala kami isa isa. Sakto nung natapos. Bell na! Break time.

bumaba kami ni Aubrey para bumili sa canteen. Nakapila kami ng biglang nagkatulakan sa likod...

Natulak ko yung lalakeng nasa unahan ko..

Biglang humarap yung lalake... Nagulat ako.

OHMYGOSH!!!!!!

Si Adam to ah? at dito siya nagaaral? Anak ng meant to be nga naman talaga oh. pinaglalapit kami ng destiny. :) Haha!

nagsorry ako. tapos nagsmile siya sabi niya okay lang daw. Ohmygosh! Killer smile. pamatay talaga! feeling ko nabaril ako sa likod nung  ngumiti siya.

nung kumakain na kami. nakita ko wala siyang kasama. kaya niyaya ko siya na dito na lang sa table namin kumain. Syempre! Moment ko na to. papalampasin ko pa ba to? Hindi na no. Opportunity ko na to! So habang kumakain kami.. tinanong ko kung anong section niya. sabi niya malapit lang daw sa room namin. Kung sinuswerte ka nga naman talaga oh?

pagdating namin ng 2nd year naging magclassmate kami. at naging magbestfriend pa nga kami e... Hanggang 3rd year...

Ang dami ngang naloloko sakin eh. para daw kaming Beauty and the beast. Kaso lang daw si Adam daw si Beauty at ako daw si beast. Sobrang panget ko kasi nung 3rd year eh. Dumating yung moment na akala ko magtatapat na si adam na may gusto rin siya sakin. sabi niya kasi may sasabihin daw siya sakin. magkita daw kami sa Park after class..

Nagpunta ako.

Pagdating ko nilapitan ako agad ni Adam.

"Julie... Hihingi lang sana ako ng super big favor sayo. kung okay lang?"

Dun palang sa sinabi niya. Alam ko na na hindi siya magtatapat sakin. at nagfeeling lang pala ako.

"Oo naman. basta ikaw. Ano ba yun?"

"Pwede mo ba kong ilakad kay Aubrey? Close naman kayo nun diba?"

Nung narinig ko yung sinabi niya. Feeling ko Gumuho yung mundo ko. Sobrang sakit! Tagos-tagusan sa Puso ko. Siguro nga di na talaga ako dapat magassume na magkakagusto sakin si Adam. syempre. Pogi siya, panget ako. Mayaman siya, may kaya lang kami. Sikat siya sa school namin, ako Loser. Ang laki ng Gap namin.

"So ano? Okay lang ba sayo?"

Makakahindi ba naman ako?

e Bestfreind ko siya. tska Mahal na mahal ko siya kaya kahit masakit sakin basta alam kong dun siya masaya gagawin ko. Nilakad ko talaga si Adam kay aubrey. at eto palang si Aubrey, may crush din pala kay Adam. kaya nung nanligaw si adam sa kanya sinagot niya agad.

The rest of the months na natitira before vacation ay isa sa mga Worst Nightmares ko.

Araw-araw ko silang nakikitang masaya.

Dati.. palagi akong sinasamahan ni Adam after class. Tumatambay kami sa kanila or sa amin.

Ngayon....

kahit nga ata tignan ako di nagawa eh.

Ang sakit SOBRA!!!!!! Bakit ba kasi kaibigan ko pa yung naging Girlfriend mo e!

Buti na lang pala di ko sinabi dati kay Aubrey na may crush ako kay Adam. kundi malamang di niya sasagutin si Adam, at kapag di niya sinagot si Adam. edi masaya ako ngayon...

Pero...

Malungkot naman si Adam. at ayokong nakikitang malungkot siya.

I'd rather sacrifice my own happiness than seeing him sad.

Siguro nga ganun talaga ang Love. handa ka isacrifice ang lahat. Even your own happiness. para lang sa taong mahal mo.

Pagdating ng Vacation namin. pinilit kong magpaganda at mag-aral ng mabuti for myself. para di ako mukhang kawawa. Onti-onti na rin akong nagmomove-on kay Adam.

Hindi ko minamadali ang pagmomove-on ko kasi alam ko di madali yung gagawin ko...

Those past few years pa na nageffort ako ng todo para lang maging close kami ng ganito tapos....

Mauuwi rin pala sa wala. Pero wala naman akong pinagsisisihan sa lahat.

Siguro sign na to para magmove-on na ako.... 

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon