After the prom. Bago kami umuwi... Hinatak niya ko sa may labas. dun sa parang Garden sa labas ng school namin. Sobrang ganda dun kapag gabi kasi binubuksan yung mga ilaw. Ang ganda ganda talaga! Dun niya ako dinala. "Bakit ba tayo nandito?" Humarap siya sakin. Tapos biglang may kinuha sa bulsa...
Paglabas ng kamay niya sa bulsa niya....
May hawak siyang Necklace......
Umikot siya sa likod ko... Sabay sinuot sakin yung necklace.... "Eto yung necklace na sinabi kong maganda kanina nung nasa mall tayo ah?" sabi ko.
"Oo nga, yan nga yun.." sabi niya. "Ano ba yan. Gumastos ka nanaman.." sabi ko.
Pagkakabit niya sakin nung necklace... pumunta siya sa harap ko.. Tapos hinawakan niya yung kamay ko tska tinitigan ako.. "Ingatan mo yang Necklace na yan ah... Lagi mo dapat yang isusuot..." sabi niya. "Oo naman. hindi ko na to huhubarin.." sabi ko.
"Kahit hindi tayo magkasama.. Kapag suot mo yang necklace na yan... Isipin mo lang na.. palagi akong nandyan sa puso mo.. at tatandaan mo lage na... Mahal na mahal kita kahit anong mangyare. Kahit mamatay na ako. Mamahalin pa rin kita..." sabay tawa. Niyakap ko siya tapos bumulong ako.. "Thankyou sa lahat..."
Hinatid na niya ako pauwe. "Thankyou sa paghatid ah.. di lang pala sa paghatid. Sa Lahat pa. Thankyou for making me special every single minute na magkasama tayo.. Iloveyou.." lumapit ako sakanya tapos kiniss ko siya. Tapos ngumiti siya. "Kulang pa nga yun.. Wala pa yun sa pagmamahal na binigay mo sakin simula nung una pa lang.. sa pagiging bestfriend hanggang ngayon sa pagiging Girlfriend." ngumiti siya...
Nagtitigan kami. "Sige na. Tama na tong drama natin.. Pumasok ka na sa loob... Sige. Una na ako. bye." tapos umalis na siya. pumasok na ako sa loob. "Oh.. nandito ka na pala.." sabi ni mama. Kumiss ako kay mama. "how was your night?" tanong ni mama. "It was very magical.. parang Fairytale ma. Sige po. Tulog na ako.." umakyat na ako..
Matutulog na dapat ako.. biglang may tumawag sakin. pagkatingin ko si Adam. sinagot ko agad.
"Ahmm hello. Kamag-anak po ba ito ni Adam ho ba ang pangalan..?" nasalita yung tumawag galing sa number ni adam.
"Hindi niya po ako kamag-anak pero Girlfriend niya po ako. sino po sila? tska bakit nasa inyo po yung Cellphone ni adam?" tanong ko.
Kinabahan ako bigla..... Ang lakas ng tibok ng puso ko...
"Ahh. Ma'am yung Boyfriend niyo po kasi naaksidente... Nabangga po yung sinasakyan niya.. kung--"
nagulat ako...
Hindi ko alam kung anong gagawin ko....
kung anong mararamdaman ko....
"hello? ahmm... hello nandyan pa ho ba kayo?..."
"Ayy sorry po... hello.. saan po yan?" sagot ko habang nanginginig yung boses ko. pagkatapos niyang sabihin kung saan. Binaba ko na agad..
Pagkababa ko nung phone Natulala ako tapos naluha ako...
Bumaba ako agad. "Akala ko matutulog-- bakit ka umiiyak?" tanong ni mamang alalang-alala. Hindi ako makapag-salita. "Ma.... si adam po kase...." niyakap ko siya. "Ano bang nangyare anak? Anong nangyare kay adam?.."
"Si adam ma... Naaksidente.. Kailangan natin siyang puntahan ma.." sabi ko. "Ha?! anong nangyare?!" tanong ni mama. "Nabangga yung sinasakyan niya.." sabi ko habang umiiyak. "Ano! Halika na anak! Sumakay ka na sa kotse..." pumasok na ako sa kotse. Habang inaantay ko si mama sa kotse di ko mapigilang maiyak.
Ano na kayang nagyari kay adam?.....
Adam.....
Habang iniintay ko si mama sa kotse iyak ako ng iyak.. Hindi ko mapigilan yung pagiyak ko.. Habang papunta kami dun hinawakan ni mama yung kamay ko, "Ipagdasal mo na magiging okay lang si adam anak..." sabi niya.. pagdating namin dun. Sobrang daming tao. Bumaba na ako agad.
Tumakbo ako. Nakita ko nandun yung mommy at daddy niya. Lumapit ako sakanila.
"Tita... Tito..."
Tumayo yung mommy ni adam tapos niyakap ako habang umiiyak... nakita ko..
sobrang daming dugo....
si adam..... sobrang daming dugo....
Naiyak ako lalo. Umupo ako...
niyakap ko si adam at bumulong ako...
"Wag mo kong iiwan....... wag......." iyak ako ng iyak habang yakap ko si adam.
Dumating na yung ambulance. sinakay na agad si adam sa ambulance tapos dinala na sa ospital... habang papunta kami sa ospital hinawakan ko yung kamay niya.
"Adam.... wag mo kong iiwan... kayanin mong mabuhay... alam ko matatag ka.... di mo ko iiwan diba....? adam....." iyak ako ng iyak
pagdating sa ospital tinakbo na agad si adam sa E.r. Gusto ko sanang pumasok sa loob kaso hindi daw pwede.. mag-intay na lang daw kami sa labas.....
Umupo ako...
napatulala habang umiiyak....
kung panaginip lang to.... sana magising na ako.....
Hindi ko alam gagawin ko kapag nawala si adam.....
Hindi ko talaga alam.....
Nagintay kami ng ilang oras...
Hindi ako mapakali... iyak pa rin ako ng iyak. Alalang-alala ako kung ano ng nangyari kay adam sa loob...