Pagdating ng mga hapon.
Inayusan na ako ni mama.
Kinulot niya yung buhok ko...
nilagyan na niya ako ng make-up...
Pagkatapos niya kong ayusan. Pumanik na ako Para mag-bihis.
Pag-akyat ko. Kinuha ko na yung Dress na binili ni Adam pati yung heels na pinili niya para sakin. Sinuot ko na. Pagsuot ko humarap ako sa salamin. Pag-harap ko napangiti ako. "Aba! Mukha akong tao ngayon ah? Ako ba talaga to?" sabi ko sa sarili ko. Pagkabihis ko. Bumaba na ako. Pagbaba ko nakatingin si mama sakin.
"Ang ganda naman ng Anak ko.." lumapit si mama sakin. tapos hinawakan yung kamay ko. Naiyak si mama. "Ang drama mo naman ma. Magpoprom lang naman ako. Hindi pa naman ako ikakasal no." sabi ko kay mama. pinunasan niya yung luha niya. "Ang ganda ganda mo kasi anak eh. Dalagang-dalaga ka na." niyakap niya ako.
Pag dating ni Adam nakita niya kaming magkayakap ni mama.
"Aww. Ang sweet naman." sabi niya. "Eto kasing si mama eh. Napaka-drama." sabi ko. Lumapit na ako kay Adam.
Grabe! Ang pogi ni Adam kapag naka-tuxedo.I mean.. mas lalong pumogi pala. Nakakainlove ng sobra!
Hinawakan niya yung kamay ko. "Ang ganda mo Baby ah.. Lalo tuloy akong naiinlove sayo." sabi niya. Sabay abot ng Rose. "Ikaw nga ampogi-pogi mo eh." sabi ko. Tapos kiniss ko siya sa cheeks. Nagsmile siya. Kinuha niya yung Phone niya... tapos inabot niya kay mama.
"Tita. Papicture naman po kami." Pagkatapos namin magpicture. Umalis na kami.
Dumating na kami sa school...
naglalakad kami papasok. Habang naglalakd kami halos lahat sila nakatingin samin.
Kinabahanan ako bigla....
tapos biglang hinawakan ni Adam yung kamay ko.
Tumingin ako sakanya. "Relax ka lang." sabi niya. tapos nagsmile siya.
Umupo na kami. Pag-upo namin nakita kong nakatingin pa rin silang lahat sakin, tapos nagbubulungan sila. Hindi ko alam kung anong mafifeel ko. Di ako mapakali. "Baby okay ka lang ba?" sabi ni Adam. Tumingin ako sa kanya. Tumango ako tapos nagsmile ako ng medyo alanganin. "Sure ka?" tanong niya. "Oo. Okay lang ako. Wait lang ah. Magpupunta lang akong Restroom.." sabi ko.
Tapos pumunta ako sa Restroom...
Pagpunta ko dun nandun yung barkada ni Aubrey at si Aubrey. "So... kayo na pala ni Adam." sabi ni Aubrey habang iniikutan ako. "Oo. bakit may problema ka ba dun?" sabi ko. "Siguro masaya ka na kasi naagaw mo siya sakin. Halata ko nanaman dati pa na may gusto ka kay Adam..." sabi niya.
"Para linawin ko sayo. Hindi ko siya inagaw sayo. Ikaw mismo ang gumawa ng Dahilan para Iwanan kanya. kaya wag mong ibintang sakin na inagaw ko siya sayo." sabi ko. "Ang tapang mo rin pala ano! tska ang kapal rin ng mukha mo para sabihin sa mukha ko na si Adam ang nangiwan sakin. For your Information, Ako ang nangiwan. Hindi si Adam!" Inirapan ko siya.
"Alam mo. Hindi na lang kita papatulan. Kasi... kapag pinatulan kita.. parang sinabe ko na ring wala akong pinag-aralan." sabi ko tapos lumabas na ako ng Restroom.
Bumalik na ako sa table namin. "Bakit antagal mo?" tanong niya. "Sorry. madami kasing tao sa CR eh.." sabi ko. Nanonood kami ng program sabay tinawag si Adam sa stage. "Bakit ka tinawag?" tanong ko. "Basta." Nagpunta na siya sa stage.
"Goodevening everyone. I would like to dedicate this song to the person I love the most. Julie.. Isa lang masasabi ko sayo.. Alam ko walang forever. pero gagawin ko ang lahat para maging Forever tayo..." Aww. Ang sweet naman niya. Grabe. He's the best Boyfriend! Siya na ang First and Last ko.
biglang tumugtog yung 'Statue by Lil'eddie' then He starts singging. Grabe. Sobrang galing niya kumanta. nung kumakanta na siya.. nagsayawan na sila. Slow dance. Ako nakaupo lang ako habang nakatitig ako sa kanya. Grabe!!!!! Feeling ko sasabog na ako sa sobrang saya tska kilig. Nakakainlove siya lalo. Sobrang sweeeeeeeeeeet niya.
Pagkatapos niya kumanta bumaba na agad siya sa stage. Nagpunta na agad siya sa table namin. "Okay ba pagkanata ko?" tanong niya sakin. "Bakit di mo sinabi sakin na kakanta ka pala?" sagot ko. "Syempre. gusto ko Surprise yun." Ngumiti lang ako. Uupo na dapat ako... Bigla niyang inaaya ako mag-sayaw.
"May I have this dance?" tanong niya habang nakasmile. Ngumiti din ako. Tumingin ako sakanya tapos inabot ko yung kamay niya. Sumayaw na kami...
Habang sumasayaw... "Mahal mo ba talaga ako?" tanong niya.
Napatingin ako sakanya. "Ano bang tanong yan? Syempre Oo mahal kita! Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.. bakit? Ayaw mo na ba sakin kaya ka ganyan?" sabi ko.
"Hindi ah. Sobra nga kitang mahal eh.. tska wala akong balak na ayawan ka.. diba nga gagawin ko ang lahat para lang maging Forever tayo."
Napangiti ako.
"Ang alam ng mga pirata.. Mahalaga ang mapa sa paghahanap ng kayamanan..." sabi niya
"Bakit? Totoo naman yun ah?"
"Pero.. Ang hindi nila alam. Hindi na nila kailangan ng Mapa para mahanap ang kayamanan."
"Ha? Pano mo naman nasabi yun? nakahanap ka na ba ng kayamanan ng hindi ka gumagamit ng mapa?"
"Oo. kasi... Wala naman akong mapa nung makilala kita.." sabay ngiti. "
"Ang corny mo.." sabay tawa. "Corny nga. Kinilig ka naman?" sabi niya. Umirap lang ako. "Ang dami mong alam.." sabi ko sakanya, Tumawa kami.