-Next morning.
Pagkadilat pa lang ng mata ko si Adam agad naalala ko...
yung ginawa niyang paghalik sa noo ko yung naalala ko agad. Kinilig nanaman ako. Ang aga ko yatang nagising ngayon? aba himala to ah. Tignan mo nga naman ang nangyayari kapag maganda ang tulog mo. Haha! Tumayo na ako tapos inayos ko na yung kama ko,tapos chinarge ko na yung Phone ko.
Bumaba na ako para magbreakfast. Kaso pagbaba ko wala si Mama. San kaya yon nagpunta? pagliko ko sa Kitchen wala dun si Mama. Pagtalikod ko natakot ako kasi parang may nakita akong Dumaan sa may Kitchen.
"Mama...... Ikaw ba yan?.... Ma?...." palapit na ako sa Kitchen.......
nagulat ako ng Lumitaw si Jake na nakamaskara. Napatili ako. Tawa naman siya ng tawa. "Duwag ka pala..." sabi niya habang Tumatawa ng sobrang lakas.
"Grabe... Kung may sakit lang ako sa puso...Grabe talaga! Nakakainis ka!" sinuntok-suntok ko siya sa braso.
"Pero Duwag ka talaga eh... Hahahahahaha! kung nakita mo lang itsura mo kanina nung ginulat kita. Hahahahahaha! EPIC!!"
Inirapan ko lang siya. Sabay sinundot niya kili-kili ko. "Etoooooo. Napaka-pikon mo naman. Jinojoke ka lang eeeh. Wag ka na magalit.." sabi niya. di ko siya pinansin.
"Nasan ba si mama?" tanong ko sa kanya. "Bumili lang ng tinapay sandali. Uyy! Peace na tayo ha?" sabi niya.
"Ewan ko sayo!" naglakad ako palayo sa kanya. Hinabol niya ako tapos binuhat niya ako. tapos hiniga niya ako sofa at nagsimulang kilitiin ako. Tawa ako ng tawa tska tili ako ng tili sa loob ng bahay. Para kaming mga isip bata na naghahabulan sa loob ng bahay. Nahuli niya ako tapos kiniliti nanaman ako.
"Peace na kasi tayo!" Habang derederetso yung pagkiliti niya sakin. "Tama naaaaaaa!!!!" Sumigaw ako habang tumatawa. "Basta di ka na galit ah?" habang kinikiliti pa rin ako. "Oo naaaaaaaa! Hindi na ako galeeeeeeeeeet!!!!" sabi ko habang tumatawa.
Tinigil na niya yung pagkiliti niya sakin. Nakahiga na kami sa sahig. "Nakakapagod......." sabi ko habang humihingal tska tumatawa. Pagkalingon ko sakanya. nakita ko siyang nakatitig sakin. "May dumi ba sa mukha ko at ganyan ka makatitig?" bigla niyang inalis yung tingin niya sakin. "Ano kasi.. ahmm..."
"Ano?"
"Kasi. Mukha kang tanga tumawa!" tapos bigla siyang tumawa ng malakas. "Ang sama mo talaga!" sabi ko sakanya. Tumayo na kami sa sahig. "O'nga pala. Bakit ka nandito? Ang aga aga nang-gugulo ka!" sabi ko sakanya. "Grabe ka! Ganun ba tingin mo sakin? Ganyan ka na ah...Ang sakit mo magsalita..."
Bigla akong natawa. "Halaka?! Nagdrama naman tong unggoy na to!" sabay sundot sa kilikili. Natawa kami pareho. "Bakit ka nga kasi nandito?" tanong ko. "Ano kasi! Tatanong ko lang sana sayo kung may gagawin ka mamayang gabi. Meron ba?" Ngumiti ako. "Bakit? Aayain mo makipagdate no?"Napacute ako,sabay tawa. "Syempre joke lang yon Haha!" Sabi ko. "Ano? May gagawin ka ba mamayang gabi?" tanong niya. "Hmmmm. Bakit ba kasi? Ano bang gagawin natin?"
"Yayayain sana kasi kita mag-dinner with my Family. My Mom wanted to meet you kasi..so ano?"
"Ahmm. Di ko kasi alam eh. I'll text you later na lang if I don't have any plans for tonight. Is that alright?"
Nagsmile siya. Ohmygad! Wag ka na ngumiti Jake! Utang na loob! Mamamatay ako. Killer smile kasi eh. "That's Fine with me. Sige Julie. I'll go ahead na. Text me na lang ah?" nagkiss siya sa noo ko.
Well. sanay na ko na kinikiss ako ni Jake sa noo. dati niya pa yun ginagawa,and perhaps He's like my Older brother naman eh. Pero si Adam.. Ngayon lang niya yun ginawa. Grabe! Nakakainis! Naalala ko nanaman si Adam. Kinilig nanaman tuloy ako. Pag-alis ni Jake, dumating na si mama.
"Oh bakit umalis na si Jake? He didn't even stay to have breakfast with us."
"Her mom just came kasi from States. kaya He's in a little rush. He just stop by to ask me for dinner tonight with his mom."
"Ahh. so ano? Pumayag ka ba?"
"Sabi ko bahala na. Itetext ko na siya sabi ko."
Kumain na kami ni mama. Habang kumakain kami binuksan ni mama yung radyo. Sakto pagbukas ng radyo 'Bestfriend' yung tugtog. napangiti ako bigla.
"Para kang Engot dyan Julie... Ngumingiti ka mag-isa!"
"Ganito talaga kapag inlove ka ma." sabi ko.
"Si Adam nanaman? Akala ko ba nagmumove-on ka na?"
"Hindi na! Single na naman siya ulit eh. Malay mo this time, may chance na,na maging kami. Ayaw mo nun ma? Ampogi ng magiging future manugang mo."
bigla akong binatukan ni mama.
"Anong manugang-manugang pinagsasasabi mo dyan! Ambata-bata mo pa eh!" sabi ni mama.
Hay nako tong nanay ko! Di talaga marunong kumonsinte! Minsan lang ako maging ganito eh. Pagkatapos namin kumain nagligpit na ako tapos naglinis ng bahay. Pagkatapos kong maglinis. umakyat ako sa Taas. Nagcomputer ako. Habang nagcocomputer ako biglang nagring yung phone ko. Pagkatingin ko. Si Adam tumatawag.
pinatay ko na yung computer tapos sinagot ko na yung tawag niya tapos humiga ako sa kama hanabng kinakausap siya.
"Hello?" sabi ko.
"Goodmorning! Naabala ba kita sa pagtulog mo?" tumawa siya.
hay nako! kung palagi bang ganito edi kahit di na maging kami. Okay na. Pero mas gusto ko syempre yung magiging kami eh.
"Haha. Hindi ah. Kanina pa ako gising no. Kala mo ah!" Tumawa kami.
"Kamusta naman tulog mo? Maganda ba?" tanong niya.
"Okay lang naman. Ikaw?" Pero ang totoo. SOBRANG GANDA ng tulog ko kagabi.
"Okay lang din. Napanaginipan nga kita eh."
Kinilig ako.
"Weh?! Anong nangyare?"
"Naging tayo daw. Ang weird nga eh? Tska.. Pano magiging tayo? di mo nga ko Gusto eh." Bigla siyang tumawa.
Nako! Akala mo lang di kita gusto. Tumawa din ako ng kunyare.
"Ang Weird naman." sabi ko.
"O'nga pala. Magpoprom na pala sa Febuary ah? Ang pagkakaalam ko nga. Feb.14 ata prom natin."
Iniimagine ko na He would ask me to the prom. Grabe! Di ko makakalimutan yung araw na yun kapag nangyari yun.
"Oo nga eh."
"May date ka na ba?"
"Wala pa nga eh..." Pwede naman tayo na lang eh.
"Pareho pala tayo eh. Ed tayo na lang magpartner!" sabay tumawa siya.
"Pwede din. Haha"
"Haha! Joke lang yun. Haha!"
Awwww! Joke lang? Grabe! Akala ko It's my time to shine na eh.
Pagkatapos namin mag-usap. Sobrang kilig na kilig ako. Grabe! Feeling ko, konti na lang mapapasakin na din tong si Adam. Konti na lang talaga.