Pacute ako!

38 0 0
                                    

Nagising ako nung biglang may nagsalita sa may tenga ko. Familiar yung boses niya. "Gising na!! Madami pa tayong gagawin para mamayang gabi.." Pagdilat ko. Nakita ko si Adam sa tabi ko.

"Nananaginip ba ako?" tanong ko sa kanya.

Bigla siyang natawa. "Hindi ka nananaginip no!" sabi niya. "Tumayo ka nga dyan.. Halika na!" hinatak niya ako kaso pagtayo ko bumagsak ako ulit sa kama. "Ayoko pa tumayo.." Nagtakip ako ng kumot sa buong katawan ko pati sa mukha ko.

"Bangon na!!" hinatak niya yung kumot ko.

nagtakip naman ako ng unan sa mukha ko. "Ayaw mo pa tumayo ah.. Teka nga.." Nagulat ako bigla niya akong binuhat (parang newly-wed) tinayo niya ako. "Ano ba!! Ayoko pa ngang bumangon!! tska ano ba kasing gagawin natin. Umupo ako sa kama. "Ano ka ba! Prom mamayang gabi no!" sabi niya.

"Mamayang gabi pa naman yun eh! Anong oras lang oh. 9am lang kaya..." sabi ko "May gagawin pa tayo.. Please? Tumayo ka na?" sabi niya habang nagpapacute. Binato ko siya ng unan. "Para kang Engot!" Natamaan siya sakto sa mukha. "Aray ko naman! Halika na kasi.." sabi niya

Tinignan ko siya. "Buhatin mo ko.." sabi ko. Alam ko namang di niya yun gagawin eh.

Lumapit siya sakin. Tapos tumalikod. "Sakay na sa likod ko.. Bilis!" Natawa ako sa sinabi niya. "Sigurado ka?" sabi ko. "Oo. Bilis na. Sakay na. Bababa na tayo." sabi niya. "Pilitin mo muna ako...." sabi ko habang nagpapacute sa kanya. Natawa siya bigla. "Bahala ka nga dyan. Aalis na lang ako." sabi niya. Hinatak ko siya.

napasobra yung paghatak ko sakanya. napahiga kami sa kama pareho.

Nagkatitigan kami....

palapit ng palapit yung mukha niya sakin....

bigla ko siyang tinulak. "Halika na! bababa na tayo diba? Halika na!" sabi ko. Napangiti ako. "Nakakainis naman to eh! Malapit na eh. Konti na lang eh. nandun na ako eh!" Natawa ako. "Anong tinatawa tawa mo dyan ha?" sabi niya. Inirapan ko siya. Bigla niya kong hinatak. napaupo ako sakanya. "Joke lang Baby. Ang sungit naman neto." sabay kiss sa cheeks.

"Bumaba na nga tayo." sabi niya. Bumaba na kami. "Goodmoring ma." Sabi ko. "Kumain na kayo." sabi ni mama. "Ahmmm Tita..."

"Ano yon iho?"

"Okay lang po ba kung mahiram ko po muna ulit si Julie ngayon... May pupuntahan lang po kami sandali.. Please tita?" sabi ni Adam. Tumingin si mama sakin. tapos tumingin ulit kay Adam. "Oo naman iho. Aba! Malakas ka yata sakin. basta bumalik kayo agad ah? at aayusan pa yang si Julie mamaya para sa Prom niyo.." nagsmile si mama.

Pagkatapos naming kumain. naligo at nagbihis nako tapos umalis na agad kami. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko sakanya. "Pupunta tayo sa mall." sabi niya. "anong gagawin natin dun?"

Tumingin siya sakin. "Basta."

Pagdatin namin sa mall dumeretso agad kami sa Department store. Binilan niya ako ng mga gusto kong damit tska sapatos. Pagkatapos naming pumunta sadepartment store. Pumunta naman kami sa bilihan ng mga Cocktail dresses.

"Ano bang ginagawa natin dito?" tanong ko.

"Diba prom na natin mamayang Gabi. Gusto ko pumili ka ng damit na gusto mo dyan. Yung isusuot mo mamayang gabi. Osige. Lalabas muna ako ha? text mo na lang ako kapag nakabili ka na."

Lumabas na siya.

"Ang Luho talaga nung lalaking yun..." Dumating na yung designer. Pumili ako ng di masyadong kamahalan yung presyo. Mura pero Maganda, tska Simple lang. Pinili ko yung Color Light pink na Dress. Pa-tube siya tapos pa-puff yung style niya. Pagkatapos ko makabili ng damit tinext ko na siya agad. Sabi niya nasa Bilihan daw siya ng mga Necklace sa baba.

Bumaba ako para hanapin siya. nakita ko siya tumitingin ng mga necklace. nilapitan ko siya. "Eto maganda Baby oh.." tinuro ko. "Oh. Nandito ka na pala. Ang bilis mo naman makapili ng damit." ngumiti siya sakin. "Mura lang yung binili ko. Ikaw naman kasi eh. di mo naman kailangang bilhan pa ko ng mga to.." pinakita ko sakanya lahat ng paper bags na hawak ko.

"Ang dami mo pang reklamo. Halika na nga." sabi nya. Natawa kami pareho. Paguwi namin umalis na agad siya. Hinatid lang niya ako sa bahay. nagulat si mama ang dami kong hawak na paper bags. "San ka naman nakakuha ng pera pangshopping ng ganito kadami?" sabi ni mama habang tinitignan yung mga laman nung paper bags.

"Eh hindi naman ako pumili ng mga yan... Si Adam ang bumili niyang lahat na yan mama...sabi ko nga wag na. Eh Ayaw naman patalo.." sabi ko.

"Mahal ka lang talaga niyang si Adam kaya ganyan yan..." sabi ni mama.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon