Problema to!

52 0 0
                                    

Nagising ako ng mga 12 ng madaling araw. Nagising ako kasi tumatawag si Jake. Sinagot ko. "Hello? Madaling araw na tumatawag ka pa... wala ka bang balak matulog?" tanong ko. "Ayy sorry ah. Wala kasi akong magawa e.. Akala ko gising ka pa punta sana ako dyan sa inyo eh. Movie marathon tayo..." sabi niya. "Hindi ka matutulog?" tanong ko. "Ewan ko. di ako makatulog eh. Sige na... bumalik ka na sa tulog mo. Sorry naistorbo pa kita."

"Hindi. Sige punta ka dito sa bahay. Bilisan mo ah. sige bye" binaba ko na. Tapos bumaba na rin ako, nagpalit ako ng maayos na pang-bahay. tapos nagluto ng pagkain. Hindi na rin naman ako makakatulog kasi ginising ako ni Jake eh. Habang nagluluto ako dumating na si Jake. "Sorry sa istorbo ah? sorry talaga." sabi niya. "Baliw ka. Okay lang yun. Sorry ka pa ng sorry dyan..." sabi ko habang natatawa.

Pumunta na kami sa sala tapos nag-movie marathon kami. nagdala ng pagkain si Jake, ang dami naming kinain. Pero parang di naman ako nabusog. Tama lang. Naka-dalawang movie na kami. Nabobored na ako.. "Mukhang di ka na ata nageenjoy sa panonood natin ah?" sabi ni Jake. "Hmmm. Medyo." sabi ko. Natahimik kaming dalawa. Maya-maya biglang nagsalita si Jake.

"Alam ko na!"

"Ano naman yun?" tanong ko.

"Magshot tayo!"

"Shot? nako. di ako umiinom masyado."

"Okay lang yan.. Tara!! Libre ko." sabi niya. Nagbihis na ako. Pagka-bihis ko umalis na agad kami ni Jake, pumunta kami sa Bar. Pagdating namin dun, Akala ko naguuwian na yung mga tao. Nagulat ako ngayon pa lang sila nagdadatingan. "Grabe naman. di ba sila mga natutulog? tska... mukhang mahal ata dito.." sabi ko.

"Okay lang yan. Minsan lang naman ako manglibre.. lubos-lubusin mo na!" sabi niya habang tumatawa. "Sabagay.. Oh well! Tara na! Party na!!" sabi ko. Pinark na niya yung kotse tapos pumasok na kami sa loob.

Pagpasok namin sa bar, grabe yung mga tao dun. Ang wild! Pero ang ganda sa loob. Ang ganda ng mga laser lights nila. Umupo na kami ni Jake. "Anong gusto mo?" tanong niya. "Kahit ano.. wag lang masyadong mahal.." sabi ko. tinawag niya yung waiter. "What's your order sir?"

"Pahingi nga ng Pinakamahal niyong drinks." sabi ni Jake. "Ilan sir?" tanong nung waiter. "for two please." tapos umalis na yung waiter. "Sabi ko wag masyadong mahal? tapos yung pinakamahal pa binili mo! Abnormal ka!" sabi ko. "Ano ka ba! Minsan lang naman to. Let's enjoy the moment!! Wooohoo!!"

Pagdating nung drinks. Uminom na kami. Grabe... Sobrang sarap. Hindi ko alam kung ano tawag sa kanya. pero naka-ilang baso ako. Sobrang lasing na lasing na ako.. "Tara jake!! Sayaw tayo.. Wooohooo!! Let's party!!" umakyat ako sa table tapos sumayaw ako. "Let's party everyone!!" sumigaw ako habang sumasayaw sa ibabaw ng table. Pinipilit akong pababain ni Jake sa ibabaw ng table kaso ayaw ko.

Hinatak niya ako. Muntik na kong malaglag. Kaya bumaba ako. "Lasing ka na. Umuwi na tayo!" sabi niya. "Bakit ba ang KJ mo?" hinawakan ko yung mukha niya, "Sabi mo Enjoy diba? Kaya eto! Nageenjoy ako!! Wooohoooo!!" sumigaw ako. "Lasing ka na Julie. Halika na umuwi na tayo..." hinahatak niya ako palabas pero ayaw ko.

"Ayoko pa umuwi!! Shot pa tayo!!" sumigaw ako. "Hindi tama na.. Halika ka na.." kinalong na ko ni Jake palabas hanggang sa kotse. "Ano ba jake!! Ibaba mo nga ako!!" Binuksan niya yung pintuan ng kotse tapos binaba niya ako sa loob. "Bakit ba napaka-KJ mo!! nakakainis ka ah. Masama na bang mag-saya nagyon?...." naluha ako.

Sinarado na ni Jake yung pintuan. Tapos pumasok na siya tapos umalis na kami. Pagdating namin sa bahay inakyat na ako ni Jake sa room ko. "Magpahinga ka na ha.." sabi ni jake. umupo ako sa kama ko. Umiyak ako. lumapit si Jake. tumabi siya sakin. "Ilabas mo lang yan lahat...." sabi niya. "Jake.... Hindi ko na kaya...." iyak ako ng iyak. "Kaya mo yan. Be strong ang have Faith.." sabi ni Jake.

Tumingin ako sakanya....

Nagkatinginan kami...

Bigla kaming nag-kiss. Pagkatapos nun nagulat ako. Napahawak ako sa lips ko. "Sorry! Nadala lang ako.. Di ko dapat ginawa yun! I'm so sorry! I'm really really sorry!!" sabi ko. "Okay lang. Ako dapat ang magsorry kasi hinalikan kita. Sorry talaga! Di ko naman sinasadya!" sabi niya. Nagulat kami pareho.

"Siguro dapat umalis na ako..." sabi niya.

Tumango ako,habang naka-yuko. Umalis na siya. Pag-alis niya naiisip ko nung nag-kiss kami. "di ko dapat ginawa yun..." sabi ko sa sarili ko. Tinext ko si Jake. Nagsorry ulit ako. Tapos nakatulog na ako sa sobrang pag-iisip ko.

The Next morning nung nagising ako ang sakit ng ulo ko. Pero di parin maalis sa isip ko nung nag-kiss kami ni Jake kagabe. Sobrang mali nung ginawa ko. Tumayo ako tapos humarap ako sa salamin. "Julie!! Ano nanaman bang problema tong ginawa mo!! Nakakainis ka talaga julie!!" sabi ko habang nakatayo sa salamin. Nakakainis! 

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon