Memories:(

56 0 1
                                    

makalipas ang ilang oras. lumabas na yung doctor. Napatayo agad ako. Lumapit yung doctor samin..

"May I have a word with you Mr.and Mrs.Morrison?" sabi nung doctor. nagtinginan sila sakin. tapos tumayo na silang dalawa para kausapin yung doctor.

Pagkatapos nilang kausapin yung doctor.. "Ano daw pong sabi nung doctor? Okay lang daw po ba si Adam? ano pong sabi?" tanong ko. "Okay na daw si adam. malilipat na daw siya sa room. kaso....." sabi nung mommy niya.

tumingin siya sa daddy ni adam.

"kaso ano po? may problema po ba? akala ko po ba okay na si adam?..." tanong ko..

"Kaso.. baka wala daw maalala si adam.." sabi nung daddy niya. naiyak ako.

"Sobrang lakas daw kasi ng pagkaumpog ni adam nung nasa loob siya ng taxi. pero.. Baka lang naman daw.. hintayin na lang daw nating magising siya..." sabi niya. niyakap ako nung daddy ni adam. iyak ako ng iyak. pumunta na kami kung saan yung room ni adam.

pagbukas ko ng pinto.. nakita ko si adam... naiyak ako lalo...

Pumasok ako. Umupo ako sa tabi niya. hinawakan ko yung kamay niya...

"adam....." naiyak nanaman ako. Nakatulog na ako sa tabi niya habang iyak ng iyak.

Ginising ako ni mama, "Anak, baka gusto mo munang umuwi at magpahinga.." sabi ni mama. "Okay lang ako dito ma. Umuwi ka na lang muna kung gusto mo.." sabi ko. "Sigurado ka bang okay ka lang dito? mas mabuti kasi kung umuwi na lang muna tayo... Sabi naman ng doctor na baka bukas pa daw magising si adam.." sabi ni mama.

Tumingin ako sa mommy ni adam. "Mabuti pang umuwi ka na muna iha.. babalitaan na lang kita agad tommorrow morning.. Magpahinga ka na muna.." sabi nung mommy ni adam. Umuwi na muna kami ni mommy. Pagdating ko sa bahay hinatid na ako ni mommy sa room ko. Umupo ako sa kama...

Nakatulala lang ako habang umiiyak. "Mabuti pang humiga ka na anak... Wag mo na munang alalahanin si adam.. okay na naman siya diba?" Humiga na ako. Umalis na si mama. Pag-alis ni mama. umupo ako. Biglang may tumawag.... pagtingin ko si Jake tumatawag.. Sinagot ko.

"Hello?" sabi ko.

"Hello? Julie.. Okay ka lang ba? si adam okay na ba?"

"Jake....." sabi ko habang umiiyak.

"Julie... Ano bang nangyari?.."

"si adam.... Naaksidente kasi siya... tapos sabi ng doctor baka daw wala siyang maalala.."

"Ano? pano naman yun mangyayari?..."

"sobrang lakas daw kasi ng pagkaumpog ni adam nung nakasakay siya sa taxi....."

Nagusap kami ni jake. Talking to him that night make me feel a little unworried. Medyo nabawasan yung kaba ko tska yung lungkot ko. After talking to jake natulog na ako. Sana talaga okay lang si adam..

--

Nagising ako kasi si mama.. Ginising niya ako. "Julie... Si adam gising na daw!" sabi ni mama. Tumayo ako agad tapos nag-ayos then umalis na ako agad. pumunta na ako sa hospital. pagdating ko dun dumeretso na ako agad sa room niya.

Binuksan ko na agad yung pinto...

Pagbukas ko nakita ko si adam kausap mommy niya.. Lumapit ako.

"Gising ka na pala... Anong nararamdaman mo ngayon? Okay ka na ba?" tinanong ko siya, napangiti ako.

Tinitigan lang niya ako.

"Mommy.. Sino po siya? kaibigan mo?" sabi ni adam..

Naluha ako. Hinawakan ko yung kamay niya. "adam... ako to.. si Julie.." inalis niya yung kamay niya.

"Sorry miss. pero di kita kilala." sabi niya. "adam wag ka namang ganyan.. Kilala mo ko diba? Wag mo na nga ako lokohin.. ako yung girlfriend mo?..." sabi ko habang umiiyak. "Sorry talaga miss. pero di kita kilala eh.. tska wala akong girlfriend.." sabi niya.

Naiyak ako ng sobra.... "Adam... Ako to... di mo ba ako kilala?.. adam.."  tinignan lang niya ako. "Halika lumabas muna tayo iha.." sabi nung daddy ni adam. Lumabas  kami. Umiyak ako ng umiyak...

"Bakit po ganun? kilala niya po kayong lahat pero ako hindi...." sabi ko habang umiiyak. "sabi ng doctor baka daw ikaw yung iniisip ni adam ng madalas tska baka daw ikaw din daw yung iniisip niya bago siya maaksidente kaya ikaw naman ngayon ang hindi niya maalala..." sabi nung daddy ni adam.

Naiyak ako lalo. "Wala na po bang possiblities na maalala nya ako ulet?" tanong ko. "Di naman daw forever yung pagkawala nung memory ni adam kaya merong possiblities na maalala ka niya ulet... pero Months or even years daw ang kailangan.." sabi niya. Natulala ako habang umiiyak.

"Uuwi na lang po muna ako tito.. pakisabi tita na umalis na po ako... sige po.." sabi ko habang umiiyak. Umalis na ako. Naglakad ako pauwe. Gusto ko lang makapag-isip isip muna. Nagpunta ako sa park. Umupo ako. Umiyak ako ng umiyak. Biglang may lumapit sakin.

"Hello. Okay ka lang?" pagtingin ko may babaeng nakatayo sa harap ko.

"Ahh, Okay lang ako.." sabi ko habang pinupunasan yung luha ko.

"Sure ka? mukha kasing di ka talaga okay eh.." sabi nung babae.

"Okay lang talaga ako..." sabi ko.

"Osige.. By the way ako nga pala si Angela.." nagsmile siya sakin.

"Julie." sabi ko. nagshake-hands kami.

"Alam mo mukhang ang bigat-bigat talaga ng problema mo..." sabi niya.

"Hindi. okay lang....." natahimik ako.

"Mauuna na ako ha? hinahanap na kasi ako samin eh.." sabi ni angela.

"Sige." ngumiti ako.

"Bye Julie. nice to meet you!!" sumigaw siya habang tumatakbo palayo.

Umuwi na ako. Pag-uwi ko nandun si Jake. Tumayo agad siya tapos bigla niya akong niyakap. "Okay lang yan julie...." bumulong siya. Naiyak ako.

"No it's not going to be fine!! Ayokong lokohin ang sarili ko na everything would be fine!! dahil alam ko naman hindi!!..." sabi ko. Tinulak ko si Jake tapos tumakbo ako sa room ko at naglock ako.

Sinundan ako ni Jake tapos Kinatok niya ako ng kinatok. "Julie!! Buksan mo tong pinto!!" sigaw ng sigaw si jake. "Leave me alone!! Kahit ngayon lang... just please... leave me alone..." sabi ko habang umiiyak. narinig ko si mama na kinausap si Jake na bumaba muna. I stayed in my room for the whole day. di ako lumabas.

--

The next day...

Bumaba ako. Nakita ko si Jake natutulog sa sala. Dumeretso ako sa kusina. habang naghahanap ako ng pagkain biglang nagising si Jake. "Kung di ka papala nagutom di ka lalabas..." sabi niya. "Sorry pala sa attitude ko kagabe ah.." sabi ko. "Don't be sorry. I understand what you're feeling right now.." sabi niya. I smiled at him.

Kumain na ako. Pagkatapos kung kumain nagkipagkwentuhan si jake sakin. "Monday na pala bukas... May pasok na. Ilang weeks na lang Graduation na natin." sabi nya. "Oo nga eh. Graduation na...." naluha ako. "Oh? what's the problem?" tanong niya. "Naalala ko lang si adam... gagraduate kami ng Highschool pero di niya maaalala yung memories namin... Highschool pa naman nagsimula lahat ng memories namin..." sabi ko habang umiiyak.

"Maaalala ka rin niya... Just don't loose hope..." sabi niya. Kinagabihan Habang kumakain kami ni mama ng dinner bigla niyang nabanggit si adam.. "ano na palang balita kay adam nung nagising siya kanina?" tanong ni mama. "Hindi niya maalala kung sino ako....." sabi ko. Naluha ako. hinawakan ni mama yung kamay ko.

Tinignan ko si mama. "Maaalala ka rin niya....." sabi ni mama.

Natulog na ako.. Ilang weeks na lang graduation na. Parang di ko pa feel mag-graduation. Pero pipilitin ko pa ring maging masaya kahit wala si adam. Hindi naman ako dapat malungkot forever. I have to learn how to move-on sa nangyare... Alam ko babalik din sa dati ang lahat.

Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon