Kagagaling lang namin kanina sa clinic ni Doctor Analy upang magpa-checkup.
Confirmed na nga na buntis ako mag two months na. Akala ko tumaba lang ako dahil matagal akong natigil sa Rest house namin sa Puerto Prinses, Palawan.
Kaya naman pala nakakaramdam ako ng discomfort nitong mga nakaraang araw. Palagi rin akong ina-antok at ang pinaka-malala na siguro ay hindi ko pinatabi si Mikhail kagabi sa kama.
Naiinitan ako pero ayoko ng malakas ang aircon at mas gusto ko ang unan ang katabi ko. Hindi ko rin gusto ang amoy niya kahit nakatatlong paligo na siya kahapon.
Ang weird ng pakiramdam dahil hindi naman ako ganito. Nakaka-awa din kasi siya dahil sa sahig siya natulog hindi kasi siya magkasya sa sofa.
Ang bilis ko ding mainis kapag hindi niya ako sinusunod agad pero hindi naman siya nauubusan ng pasensya.
Nang marinig namin ang heartbeat ng baby ay pareho kami ni Mikhail na nangingilid ang luha. Gustong-gusto na talaga nitong magkaroon ng anak.
natutuwa ako sa nakikitang reaksyon niya.
Sana lahat ng ama ganito ang magiging reaction kapag nakakabuntis. May iba kasi na pagtapos magpasarap ay hindi naman gusto ng mabigat na responsibilidad. Kaya ang nagdurusa ang ibang mga single parent. Pero kahit ganun mas nakakahanga sila dahil nagawa nilang palakihin ang mga anak nila kahit mahirap maging nanay at tatay sa mga anak nila. Ganun talaga siguro kapag Ina ka.
Magdi-dinner na sana kami nang ipatawag lahat ni Mikhail ang kanyang mga tauhan.
Nasa harapan nila kaming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pati ako kasama pero may announcement ata siya sa mga ito.
“Narito na ba ang lahat?!” Malakas na boses niyang tanong para umabot hangang likuran.
“Yes, andito na.” Si Levi ang sumagot.
Wala dito si Cherry dahil hindi siya ipinatawag ni Mikhail at abala din ito sa paghahanda ng hapunan. Hindi rin naman siguro siya kailangan dito.
Marami din ang tauhan ni Mikhail na naririto. May isang daan din silang nagpapalitan ng shift sa pagbabantay. May pang-umaga at may pangabi ayaw na ata ni Mikhail na maulit-ulit ang nangyari noong pagsugod ng mga kalaban.
Doon sila natutulog at kumakain sa baraks na nasa kabilang dulo ng bangin na sakop pa rin ng lupa ni Mikhail. Nabili na ata niya ang kalahati nitong bundok na tinatayuan ng mansyon niya sa sobrang lawak nito.
“Kung ganun, makinig kayong lahat! Bukas ng gabi ay aalis kami ni Levi papuntang North Korea. May negosyong kaming aayusin doon. Sa pag-alis namin ay nais kong maging full force kayong magbabantay sa labas ng mansyon. Siguraduhin niyo ang kaligtasan ni Ms. Ysabela ninyo. At siguraduhin niyong walang makakapunta o makakapasok sa loob ng mansyon naintindihan niyo ba?!” Utos niya.
Napatingin ako sa kanya. Aalis siya at iiwan niya ako dito bukas? Ano naman kaya ang gagawin niya sa North Korea? Pati kaya ako bawal lumabas?
Sabay-sabay silang sumagot kay Mikhail. Akala ko pa naman kung ano na ang sasabihin niya. Yun lang pala ang pabantayan ako dito.
“Dinadala niya ang magiging anak ko kaya kung ano man ang mangyari sa kanya habang wala ako rito. Lahat kayo ay mananagot sa akin. Naintindihan niyo ba?!” Dagdag pa niya.
“Yes Boss!” Sabay-sabay nilang sagot sa kanya.
Makikita mo talaga ang authority niya habang nagsasalita siya. Pero pagdating sa akin napaka soft spoken niya. Parang mas takot pa siya kapag nagalit ako.
YOU ARE READING
My Possesive Mafia Boyfriend
RomanceIibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?