ayyyy.....
Kakagising ko palang ay hinarap ko na ang ilang papeles na hindi ko pa napi-pirmahan sa nakalipas na ilang araw ko sa California.
Lumapit si Bob sa akin na may dalang itim na envelop.
“Dramon , dadalo ka ba sa inihandang pagdiriwang ni Mr. Chu sa Casino Empress?” Tinigil ko ang pagpirma ng mga dokumento at kinuha ang itim na envelop na inabot niya sa akin.
“At ano naman ang gagawin natin doon? Alam kong isa si Mr. Chu ang humahadlang sa mga transactions ko sa black market. Kunwari pa siyang gusto akong maging kaibigan. Pero ang totoo, hinaharang niya ang lahat ng mga negosyante na balak lumapit sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nasa ikatlong rank na siya. Pati nga si Alexis na nasa ikaapat na rank ay nagawa niyang ungusan at kunin ang loyalty ng mga tagasunod nito.”
Kinuha ko ang nilalaman ng imbitasyon at binasa ‘to.
“Bukas na ng gabi yan. Mas maganda kung pupunta tayo. Wag mong problemahin si Mr. Chu kahit naman mas umangat na siya ngayon ay mas kilala ka parin ng lahat ng pupunta doon.”
Napaisip ako sa sinabi niya...
Isa kasi sa pinaka hindi ko gusto ay makipagplastikan sa mga taong alam kong kaya akong traydorin ngunit tama si Bob.
Malaking bagay din yun kung dadalo ako. Bukod sa makikita ko ang iilang kasapi din sa black market.
At makikilala ko pa ang ibang hindi pa niya kilala. Siguradong yun ang dahilan ni Mr. Chu para mas palawakin pa ang impluwensya niya lalo na sa foreigner na dadalo.
At ang presensya ko ang gagamitin niya.
tsss...
“Okay, ikaw na ang bahalang maghanda ng susuotin natin. At ihanda mo na rin ang mga bodyguards na kakailanganin natin. Pagtitipon yun ng mga mapanganib at mahahalagang tao kaya hindi dapat tayo magpaka-kampante.” Paalala ko sa kanya.
Inilabas ko ang isang Kulay Gold na Kahon na ikinangiti ko...
pinatong ko iyun sa ibabaw ng lamesa at itinuloy ang pagbabasa at pagpirma ng mga dokumento.
“Hangang dito ba naman dala-dala mo pa din ang gintong box na yan? Masyado na akong curios kung ano ba talaga ang laman ng box na yan.” Nagtatakang tanong ni Bob nang mapansin ang gintong box sa ibabaw ng lamesa ko.
Gawa kasi ito sa purong ginto at may desenyo na diamond sa gilid may letter Y pa na nakalagay sa ibabaw nito at nakaukit.
“Don’t tell me ang ibig sabihin ng letter ‘Y’ na nakaukit diyan ay initials ng pangalan ng babaeng hinahanap natin?” Gulat na sabi niya sa akin na ikinatigil ko ulit sa pagpirma.
Tiningala ko siya at sinalubong ang gulat niyang mukha.
“Mabuti pa, umalis ka na at gawin mo na ang ipinagagawa ko sa’yo. Wag mong paki-alam ang bagay na walang kinalaman sa trabaho mo.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Gusto ko lang naman silipin ang laman niyan sa lo—”
Malakas na hinampas ko ang mesa dahil sa pangungulit niya sa akin.
“Kung mahal ang gintong box na ito. Mas mahal ang laman niyan. Wag mo ng subukan silipin pa dahil malalagot ko sa akin.” Banta ko sa kanya.
Kahit saan ako magpunta ay dala-dala ko ang box na ito at walang ibang pwedeng kumuha o humawak dito kundi ako lang.
“Okay...chill...Sorry na, wag ka ng magalit. Curious lang ako, pero malakas ang kutob kong para kay Miss Ysabela talaga ang regalo mong yan.” Nakangising sabi niya sa akin.
YOU ARE READING
My Possesive Mafia Boyfriend
RomanceIibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?