•YBELA's P.O.V•
Kung hindi narinig ni Daniela ang usapan ni Mikhail at ni Bob hindi ko sana malalaman ang plano nito.
asawa nya ako....
Ngunit dahil nagdalawang isip si Daniela na sabihin yun sa akin dahil sa sinabi nito ang tungkol sa espiya na kasama lang namin kaya naging maingat din siya.
Mabuti na lamang nagising ako at eksaktong naabutan ko siyang naghahanda para sundan si Mikhail.
Kinausap namin si Bob at pinilit ko pa siya para puntahan lang si Mikhail ngunit huli na…
nahuli na siya ng mga pulis dahil sa pagbaril niya kay Luciana.
At ngayon sinusundan namin ang police car kung saan siya Nakasakay.
“Daniela, puwede mo bang tawagan si dad, Tito Nath or hindi kaya si Mr. G? Baka sakaling matulungan nila kami ni Mikhail.” Nag-alalang sabi ko sa kanya.
Ayokong makulong si Mikhail....
Ayokong mag-isa kong ilalabas ang anak namin nang hindi ko siya kasama. At isa pa, mabigat na kaso ang kakaharapin niya dahil napatay niya ito.
“I’ll try to contact them. Huminahon ka lang muna Sissy, okay?”
Sinubukan kong huwag isipin ang kahihitnatnan ng nangyari ngayong gabi.
Nag-aalala din ako para sa aking dinadala.
“Para mapatay ang babaeng yun, pinili ni Mikhail ang maglihim sa akin kaya nangyari ang lahat ng ito. Pero nagtataka ako kung bakit si Luciana lang ang naroon.”
Napalingon si Harvey sa akin.
Siya kasi ang nagmamaneho ng kotse.
“Yun din ang kanina ko pa iniisip. Huwag kang mag-alala pagkatapos sa presinto pupunta naman ako sa morgue.” Pahayag niya na ikinatango ko.
Nang makarating na kami sa presinto ay kinuhanan na siya ng statement ng police. Hindi kami pinapasok sa loob kaya nag-hintay kami sa result.
Pagkalabas niya ng kuwarto ay may posas na siya.
“S-Sandali...Saan niyo siya dadalhin?” Tanong ko
Ngunit mabilis nilang hinarangan si Mikhail para hindi ako makalapit.
“Miss, guilty siya sa pagpatay sa babae kaya de-detain na namin siya. Kumuha na lamang kayo ng abogado kung gusto niyong umapela habang isinasagawa pa ang lahat ng imbestigasyon.”
hindi....
Nangilid ang luha ko habang tinatanaw siyang inilalayo sa akin.
Hindi na rin niya maitatangi ang kremin dahil naabutan siya ng mga ito.
Kaya siguro inamin na lamang niya ang pagpatay kahit wala pa siyang abogado.
“Tara na, kailangan natin magpadala ng abogado.” Aya sa akin ni Daniela.
“Teka,Paano si Mikhail?” Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
Masyadong maliit ang kulungan na yun para sa kanya.
Baka hindi siya maayos na makatulog at baka hindi niya magustuhan ang pagkain sa loob ng kulungan.
Baka hindi na siya makalaya pa…
“Gagawin natin ang lahat para makalaya si Dramon, Kung kailangan natin siyang itakas—”
“Hindi puwede yung suhestion mo Bobby. Kakalinis pa lamang ng pangalan niya sa TAJSO. Kung itatakas mo siya mas bibigat ang kanyang kaso. Mas mahihirapan kayong mamuhay.” Putol ni Daniela sa kanya.
YOU ARE READING
My Possesive Mafia Boyfriend
RomanceIibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?