" I can moved my Footh"
" Sigurado ba kayo sir dramon?"
"yes Nurse Susan..Sana ay wag mo na itong iparating kay luciana."
"Makaka asa ka sir Dramon. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo nung nasa Switzerland Hospital palang po tayo."
"No need to mention it, Nurse Susan. Ginawa ko lang ang dapat kong gawin na alam kong tama."
"Utang kopo sa inyo ang buhay ko, papatayin na sana ako ni Madam Luciana pero pinakiusapan mo sya na ako nalang maging Nurse mo. "
"I need to rest..."
Matutulog na sana si Dramon nang bumukas ang pinto.
“Dramon! I have a surprise for you!”
Excited na bulalas ni Luciana nang pumasok ito sa kanyang kuwarto bitbit ang sangol na kinuha niya kay Melissa.
Matapos niya itong patayin kasama ng Doctora na inuto din niya.
Ayaw niya kasing may iba pang makaalam sa ginawa niya kaya tinapos na rin niya ang buhay ng mga ito.
Kaagad na ini-adjust ng nurse ang kanyang higaan upang ma-elevate ang kanyang ulo.
“Look how handsome he is!” Inilapit niya ito kay Dramon na kasalukuyang naka-upo na sa kanyang kama.
“This is our child…Baby Mikholi.” Nangingilid ang luha na sabi nito sa kanya.
Para siyang naitulos sa kinuupuan niya nang makita niya ang mukha ng sanggol.
Kahawig na kahawig niya ito noong baby pa siya at naramdaman niya kaagad ang lukso ng dugo.
Napakuyom siya sa kanyang kamao na nasa ilalim ng makapal niyang unan.
Gustuhin man niyang kunin ito sa kamay ni Luciana ngunit kapag ginawa niya yun ay masasayang ang ilang buwan na pagtitiis niya at pagpapangap kaya kuwari’y ay wala siyang paki-alam sa sanggol.
At nanatiling nakatulala pero sa loob-loob niya ay gusto na niyang hawakan at yakapin ang anak nila.
Kaya lang hindi siya maaring magpadala sa kanyang emosyon lalo pa’t alam niya kung gaano ka-sira ulo ang babaeng nasa harapan niya.
Alam niyang hindi niya kakayanin na labanan ito ng harapan dahil sa dami ng tauhan nito.
Kahit siya ay monitored bente kuwatro oras sa isang araw para lang mabantayan ang kilos niya.
“So sad baby Mikmik, hindi ka kilala ng Daddy Dramon mo. Pero okay lang yun…I’m here at hindi kita iiwan. Dadalhin kita sa Switzerland para doon na tayo manirahan at tuturuan kita kung paano maging malupit gaya ni Mommy naintindihan mo?” Kausap ni Luciana sa baby na karga niya.
Pagkatapos ay inabot na niya ito sa nurse.
“Dalhin mo yan sa kuwarto niya Susan. At alagaan mo habang hindi pa ako nakakakuha ng puwedeng mag-alaga sa kanya.” Utos ni Luciana sa nurse at kaagad naman itong sumunod.
Ibinaba ulit ni Luciana ang kama upang makahiga si Dramon ng maayos.
“Huwag ka ng ma-sad darling. I can be his mother. I’ll promise na magiging mabuting ina ako sa kanya.” Nakangiting sabi nito at kinintalan siya ng halik sa labi.
Bago inayos ang kanyang unan at lumabas na rin ito ng kuwarto para lumipat sa kabilang kuwarto kung saan naghihintay si Phillip.
“Walang hiya ka talaga Luciana! Pati ang anak ko nagawa mong kunin at dalhin dito! Hindi na maari ito! Kailangan mo nang mamatay!” Bulong ni Dramon sa kanyang sarili.
YOU ARE READING
My Possesive Mafia Boyfriend
RomanceIibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?