Pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko.
Tumayo ako sa kama at nag-unat dahil pakiramdam ko naninigas na ang mga muscles ko sa kakahiga dahil sa sugat ko.
Kapag gumaling na ako ay balak kong mag rock climbing para makababa ako sa bangin gusto ko lang naman subukan kung kakayanin kong makatakas dito kapag doon ako dumaan.
Sa tingin ko ay nasa dalawang daan na talampakan ang lalim nito kaya mas maige kung gagamit ng harness pababa at pa-akyat pero mukhang hindi rin ako papayagan ni Mikhail baka isipin niya tatakasan ko siya ulit.
Pero kapag nagising na siya sa kabaliwan niya sa akin baka nga takasan ko siyang muli.
Pagkalabas ko ng kuwarto ay siya na agad ang hinanap ng mata ko.
Baka nasa loob lang siya ng bahay.
Nag-ikot pa ako ngunit wala akong makita.
Imbis na si Mikhail ay si Bob ang nakasalubong ko sa sala.
“Nagugutom ka na Ms. Ysabela? Nakahanda na ang almusal sa mesa.” Nakangiting sabi niya sa akin.
“Si Mikhail, nasan?”
“Ah! Umalis siya kanina pinuntahan si Levi” Sagot niya na ikinasalubong ng kilay ko.
“Sino yun? Ganun ba ka-importante ang Levi na yun para umalis siya ng walang paalam sa akin?” Mataray na tanong ko sa kanya.
“Ay, pasensya ka na pero inihabilin ka niya sa akin dahil mahimbing pa daw ang tulog mo kanina kaya tawagan mo na lamang daw siya mamaya. Matagal kasing inantay ni Dramon ang tawag ni Levi dahil tungkol ito sa kapatid niya. Kaya nang matangap niya ang tawag nito kanina ay kaagad itong umalis.” Paliwanag niya sa akin pero naiinis pa rin ako.
Hindi ko rin alam kung bakit.
“? Bakit daw?” Curious na tanong ko sa kanya.
Magsasalita na sana siya ngunit tumunog ang hawak niyang phone at sinagot niya ito.
“Yes, Dramon gising na ang mahal na reyna mo. Gusto mo ba siyang makausap?” Narinig kong kausap ni Bob sa kabilang linya.
At kaagad na inabot sa akin ang phone. Kaya kinuha ko agad para makausap siya.
“I’m sorry kung hindi na kita ginising. Mahimbing pa kasi ang tulog mo. Pero wag kang mag-alala andyan naman si Bob kapag may kailangan ka.” Mahinahon na kausap niya sa akin.
Gustuhin ko mang magtaray ngunit siguro importante talaga ang pinuntahan niya.
“Kailan ka uuwi?” Tanong ko sa kanya na ikinangiti ni Bob sa harapan ko kaya tumalikod ako sa kanya.
“Hindi ko pa alam, pero baka abutin ako ng ilang araw dahil papunta akong Serbia.”
“Ano? Ilang araw kang wala dito?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya akala ko pa naman ay ilang oras lang siyang mawawala pero sa Serbia pala siya pupunta at hindi man lang niya sinabi sa akin.
Inis na ibinigay ko kay Bob ang phone.
“Pakisabi sa kanya kung gusto niya ako kausapin ay umuwi siya dito at kapag hindi siya umuwi sa loob ng tatlong araw ay tatakas ako dito!”
Inis na inirapan ko si Bob at padabog akong umalis.
“Naku Dramon , bilisan mo na diyan.”
Narinig kong sabi ni Bob sa kanya bago ako lumiko papuntang kusina.
Masama ang loob ko dahil matagal pala siyag mawawala hindi man lang niya sinabi sa akin.
YOU ARE READING
My Possesive Mafia Boyfriend
Roman d'amourIibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?