“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ni Jenny nang pumasok kami sa kanyang kwarto.
“Kalagan niyo siya.” Utos ko sa mga tauhan ni Mikhail.
“Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Ms. Ysabela?" Nag-aalalang tanong ni Bob. Bumaling ako ng tingin sa kanya.
“Wag kang mag-alala sandali lang ito.” Nakangiting sagot ko sa kanya.
Pagkatapos nilang kalagan si Jenny ay lumabas na sila gaya ng sinabi ko.
“Bakit? Anong kailangan mo? Hindi ka na siguro makatiis at gusto mo na akong patayin ano?” Nang-uuyam na tanong niya.
Halos tatlong oras pa lamang siyang nakakulong sa kwarto niya at nakatali.
“Pasalamat ka hindi sa kulungan ng mga aso kita pinakulong dahil kung hindi baka nilalapa ka na ng mga malalaking aso na yun.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“Hindi ako natatakot sa’yo! Kung gusto mo akong patayin gawin mo na!” Singhal niya sa akin.
Matalim ang matang tinignan ko siya. Humakbang ako papalapit sa kanya at umatras siya hangang sa dumikit na sa kabinet ang likod niya.
“Kung tutuusin dapat tinapos ko na ang buhay mo dahil kasabwat ka ni Levi at dahil pinatay mo na rin naman ang limang tauhan ni Mikhail.”
“Nararapat lang yun sa kanila! Kulang pa yun! Ang gusto ko balatan sila ng buhay o saksakin sila ng paunti-unti hangang malagutan sila ng hininga!” Galit na singhal niya sa akin.
Namumula ang kanyang mga mata at nangingilid na din ang kanyang mga luha.
“Kulang pa yun sa pang gagahasa nila sa akin! Kulang pa yun sa ginawa nilang pambababoy sa akin noon! Sa murang edad ko ay naranasan ko ang malagim na pangyayaring na yun. Kahit sinong babae ay hindi nanaisin na maranasan yun! Bago pa lamang akong inampon ni Tito Levi, napulot niya ako sa lansangan. Pinakain binihisan akala niya safe ako kahit iwan niya ako pansamantala sa bahay kasama ng mga tauhan niya. Pero walang awa nila akong pinagsamantalahan. Hindi ako nagsalita dahil baka hindi maniwala si Tito Levi sa akin. Hindi ako nagsalita dahil baka patayin din nila ako. Dahil yun ang paulit-ulit na banta nila sa akin. Kaya inantay ko ang araw na puwede na akong makapag-higanti, mabait pa nga ako eh. Dahil sinunog ko lang ang mga bituka nila kaya sila namatay. Naisip ko na rin na baka hindi makaligtas si Tito Levi kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na gawin yun sa kanila. Wala akong pinagsisihan dahil nararapat lang sa kanila para mauna na sila sa impyerno!”
Natigalgal ako habang nakatingin sa kanya.
Hindi ko akalain na ganun pala ang pinagdaanan niya sa mga ito at siya na mismo ang kumitil sa mga buhay nito.
Pina-cremate na agad ni Harvey ang mga bangkay nila at inilibing ng sama-sama.
Ang ilan sa kanila ay walang naiwan na pamilya. Pero ang ilan naman ay si Bob na din ang nagpaabot ng tulong. Dahil kahit paano ay tauhan pa rin sila ni Mikhail.
“Wala akong paki-alam kung ayaw mong maniwala sa akin. Sapat na sa akin naipaghiganti ko ang nangyari sa akin.”
“Naniniwala ako sa’yo.” Sambit ko.
Napatingin siya sa akin at natahimik.
“Huh? Naniwala ka sa akin kahit alam mo na nagsisinungaling ako at pinagtakangkaan ko pa ang buhay mo? Nasisiraan ka na ba ng bait?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
Naupo ako sa kama and I crossed my legs.
“Alam mong hindi ako ordinaryong babae. At alam ko sa tingin pa lang kung nagsasabi ka ng totoo. Kaya nga hindi ako naniniwala sa’yo nang sabihin mo sa akin na may nangyari sa inyo ng asawa ko. Bukod doon may tiwala ako sa kanya. At dahil naniniwala ako sa’yo. Bibigyan kita ng pagkakataong mabuhay.”
YOU ARE READING
My Possesive Mafia Boyfriend
RomanceIibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?