•YSABELA's P.O.V•Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Ivana, bitbit ang kanyang mga gamit katulong niya si Doc. David.
“Sasama ka na sa kanya Doc?” Tanong ko kay Doc.
“Yes, ihahatid ko lang siya pabalik ng Manila. Pagkatapos babalik din ako dito at tutulong akong maghanap kay Dramon.” Sagot niya sa akin.
“Wag kang sumama, mapapahamak ka lang.” Paalala ko sa kanya.
“Nagkakamali ka kung inaakala mong spy si Ivana. Hindi siya kagaya ng iniisip mo.”
Nakayuko lang si Ivana habang nag-uusap kaming dalawa at harap-harapan ko ng sinasabi sa kanilang lahat na hindi siya dapat na pagkatiwalaan.
“Ysabela, pumayag na akong umalis siya para matahimik ka na.” Sabat naman ni Bobby na nakaupo sa sofa.
aba? Ysabela na lang tawag nya sakin ngayon huh?!
“Huwag mo na akong samahan Doc. David. Kaya ko naman umuwi sa amin. Tatawagan na lamang kita kapag nakauwi na ako.” Baling ni Ivana sa kanya.
Sabay tingin sa akin.
“Ms. Ysabela Hindi po ako spy, nagkakamali ka ng hinala mo. Wala akong alam sa binibintang mo. Ang gusto ko lamang ay magtrabaho ng maayos. Pero dahil ayaw mo sa akin aalis na ako ng kusa.” Nangingilid ang luhang sabi niya sa akin saka niya ako tinalikuran at humakbang papunta sa pinto.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa rin ako kumbinsido sa mga kadramahan niya.
Akmang susundan sana siya ni Doc ngunit pinigilan ko siya sa braso.
“Please Doc David, makinig ka sa akin. Delikado ang gagawin mong pagsama sa babaeng yan.” Paalala ko sa kanya.
Ngunit sunod-sunod siyang umiling.
“Nagkakamali ka Ysabela. Nagmahal ka din at nagtiwala kay Mikhail. Kaya sana naunawaan mo ang nararamdaman ko. Huwag kang mag-aalala babalik ako dito upang tumulong na mahanap siya. Dahil nag-aalala rin ako sa kanya at pati na rin sa kaligtasan niyong lahat. Ayoko lang iwan sa ere si Ivana dahil kailangan niya ako.” Nakangiting sabi niya sa akin.
Wala na akong nagawa kundi ang bitawan ang braso niya.
Sana lang ay hindi siya ipahamak ng babaeng yun.
Nang makalabas na sila sa pinto ay saka ako bumaling kay Bobby.
“Pasundan mo sila kahit hangang airport lang Bobby.” Utos ko sa kanya.
“Bakit ba? Nagdududa ka pa rin ba?” Seryosong tanong niya sa akin.
“Kung ayaw mo tawagan mo ang pamilya ng babaeng yun. Itanong mo sa kanila si Ivana.” Suhestion ko.
Habang hindi pa sila nakakalayo.
Napabuntong hininga si Bobby ngunit sinunod naman niya ako.
Kinuha niya ang phone niya at nagtipa ng numero.
“Kuya Bert? May number ka pa ba nila Tiyo?” Narinig kong tanong niya sa kabilang linya.
“ahhh... mayroon ka ba nung bago nilang number? Okay, ipasa mo sa akin tatawagan ko sila ngayon din.”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay pinatay na niya ang phone.
Ilang sandali lang ay tumunog ulit ito.
“Loud speaker mo please…” Utos ko.
Tumango siya at tinawagan ang number na sinend sa kanya ni Kuya Ben.
YOU ARE READING
My Possesive Mafia Boyfriend
RomansaIibigin mo parin ba ang isang taong makasalanan? lalayo ka ba s aisang taong mahal mo kung alam mo s sarili mong masama kang tao?