AARON
*Boogsh!!!*
Sabay kaming napalingon ni Carlos sa direksyon kung saan nanggaling ang malakas na tunog.
Nakita ko ang roommate kong si Corn na pinupulot ang mga nagkalat na libro sa sahig.
Nang makuha ang huling libro mula sa sahig ay tumayo ito at biglang napalingon sa kinaroonan namin ni Carlos.
Napalunok ako ng laway.
He looks so serious.
Ilang segundong nagtama ang aming mga mata, pagkatapos ay inilipat niya ang tingin sa katabi kong Carlos.
Oh no, ito na nga bang sinasabi ko.
"Ikaw pala 'yan pre, kailangan mo ng tulong?" kaswal na tanong ni Carlos kay Corn.
Nanlaki ang dalawa kong mata.
Alam kong nagmamagandang loob lang itong si Carlos, pero hindi naman na iyon kailangan. Kung alam niya lang sana ang mga pinagsasabi nito tungkol sa aming dalawa.
"Tss, no thanks." supladong sagot ni Corn kay Carlos.
Sumulyap muli sa akin si Corn, sabay irap at talikod sa aming dalawa ng kasama ko.
"Huwag mo na lang 'yun pansinin. Ganu'n talaga 'yang si Corn, parating may topak." saad ko kay Carlos na mukhang 'di inaasahan ang paraan ng pagsagot nito.
Nagkibit-balikat na lamang ang kausap ko saka kami nagpatuloy sa pagsasalansan ng mga libro.
Nakakainis talaga iyong si Corn. Nagmamagandang loob lang naman itong si Carlos pagkatapos ay susungitan niya lang.
Napailing na lang ako sa kawalan.
Malaki ang pasasalamat ko kay Carlos dahil sa pagsama niya sa akin dito sa library. Iba talaga ang nagagawa kapag may kasama ka habang naglilinis. Hindi mo alintana ang takbo ng oras at parang hindi ka rin kaagad makararamdam ng pagod.
Mabuti nga at uwian na halos lahat ng estudyante kaya todo kuwento itong si Carlos ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay niya. At isa lang ang masasabi ko, wala talagang bahid ng kahit anong kayabangan sa katawan ng lalaking ito.
Hindi tulad ng ka-roommate kong si Corn.
Speaking of the devil, habang nagtatawanan kaming dalawa ni Carlos ay natanaw ko si Corn na papalapit sa puwesto namin. May bitbit itong ilang libro at tila hinahanap kung saang shelf ba ito dapat isauli.
Ang weird lang kasi kahapon naman ay hindi siya naligaw dito sa puwesto kung nasaan ako.
Hindi ko na sana papansinin ang lalaki subalit bigla itong nagsalita nang tuluyang makalapit sa kinatatayuan namin ni Carlos.
"Hey, you." sambit nito.
Natigilan kami ni Carlos sa pinag-uusapan namin at sabay na napalingon kay Corn.
"Ako bang tinutukoy mo?" turo ko sa sarili ko dahil paniguradong nasa akin ang mga tingin nito.
Ano na naman kaya'ng pakay ng isang ito?
"Are you dumb? Of course I'm talking to you!" iritable nitong tugon kaya napabukas ang bibig ko.
Tama ba ko ng pagkakarinig sa sinabi niya? Tinawag niya akong tanga?
"Help me find where to return these books. Hindi 'yung landian kayo ng landian d'yan." dagdag pa nito na tuluyang nagpaakyat ng dugo ko sa ulo.
My fist clenched. Sinubukan kong magtimpi dahil ayokong makita ni Carlos kung paano ako magalit.
BINABASA MO ANG
Where Are The Rainbows Before The Rain? (BL)
RomanceMatagal nang inaasam ni Aaron ang maranasan na maging independent. Kaya naman nang matanggap siya bilang iskolar sa isang all boys catholic school ay hindi niya na ito pinalampas pa. Aaron always sees himself as a strong person. Palaban, matapang...