Matagal nang inaasam ni Aaron ang maranasan na maging independent. Kaya naman nang matanggap siya bilang iskolar sa isang all boys catholic school ay hindi niya na ito pinalampas pa.
Aaron always sees himself as a strong person. Palaban, matapang...
Napalingon ako sa nagtanong na si Carlos habang nakahawak ang dalawang kamay sa strap ng kaniyang backpack.
Umiling ako. "Nope. Sa tingin ko ay nadala ko naman ang lahat ng dapat kong dalahin."
Nakatayo kami ngayon sa parking lot sa loob ng school. Hinihintay ang sasakyang susundo sa amin.
Dahil sa kagustuhan ni Inez na maka-attend kami sa debut niya ay nakisuyo siya kay Corn na patuluyin muna kami ni Carlos mamayang gabi sa kanilang bahay. Magkalapit lang kasi ang bahay nila ni Inez.
Medyo may kalayuan ang lugar nila sa school kaya hassle at delikado raw kung bibiyahe pa kami pabalik sa dorm. Lalo na't medyo late na matatapos ang program ng debut ni Inez.
Hindi naman talaga sana ako pupunta kung 'di lang mapilit si Inez. Hindi naman kasi kami gano'ng ka-close. Napilitan akong umoo, plus nagbago rin ang isip ni Carlos at nagpasyang sasama siya. Kaya heto, wala nang atrasan pa.
Nabaling ang tingin ko kay Corn na nakadistansiya sa amin. May kausap siya sa kaniyang cellphone. Siguro ay tinatanong kung nasaan na ang driver nila. May higit trenta minutos na rin kasi kaming naghihintay dito sa parking lot at medyo tumitirik na ang sikat ng araw. Sana pala ay hindi ko muna sinuot ang pulang longsleeves na ipang-poporma ko mamaya. Namamawis na kasi ang katawan ko.
Hays!
Nang patayin ni Corn ang tawag ay ibinulsa niya ang kanyang cellphone. Napatingin siya sa direksiyon ko at nahuli akong nakatingin sa kanya.
"He'll be here in five minutes. Salubungin na lang natin siya sa gate." pagtukoy ni Corn sa sundo namin. Walang emosyon sa tono ng kaniyang pananalita.
Tumango na lang kami ni Carlos sa kanya at sinundan siya hanggang makalabas ng school gate.
Wala pang ilang minuto ay may pumaradang itim na kotse sa harapan namin. Hindi ako pamilyar sa mga modelo ng sasakyan pero Avanza ang tatak na nakasulat sa unahan nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bumaba ang bintana ng driver's seat. Tumambad sa amin ang isang maputing lalaki na nakasuot ng kulay itim din na shades.
"Sorry. I'm late. Napakatraffic pala rito tuwing sabado?" nakangiting sabi nito pagkatapos ay hinubad ang suot niyang shades at ipinatong ito sa kanyang ulo.
Teka, parang namumukhaan ko ang lalaking ito?
"Tss... Whatever." walang ganang ika ni Corn sa driver sabay lakad patungo sa kabilang banda ng driver's seat.
Napailing na lang ang lalaki habang pinanunuod si Corn na pumasok sa kotse.
Nadako ang atensiyon nito sa'min ni Carlos nang mapansing nakatayo pa rin kami sa labas ng sasakyan.