VIII.

63 5 1
                                    

AARON

Biyernes.

Huling araw na ng klase para sa linggong ito. Kahit kakapasok ko pa lang sa loob ng classroom ay uwian na agad ang nasa isip ko.

I can't wait to end this week.

Sobrang nakakapagod at stressful ng mga nangyari. Kailangan ko talaga ng mahabang pahinga dahil pakiramdam ko ay lalagnatin na ako ano mang oras.

"Anong nangyari sa mga mata mo, Aaron? Napuyat ka?" si Carlos. Hindi ko namalayan ang pagdating niya.

Kaagad kong tiningnan ang repleksyon ko sa hawak kong cellphone at doon ko nakita ang nangingitim kong eyebags.

Shit! 

Hindi ko ito napansin kanina.

Nahikab ako bago nakasagot kay Carlos. "Heto, kinulang ulit sa tulog. Nag-aadjust pa rin siguro ang katawan ko dahil hindi sanay matulog sa ibang bahay. I mean, first time ko kasing mag-dorm." pagsisinungaling ko rito.

Hindi kasi iyon ang totoong dahilan ng pagkapuyat ko.

Four days na akong kulang sa tulog dahil sa ka-roommate kong si Corn. Ilang beses ko nang inireklamo sa kanya ang paglalaro niya ng online games tuwing madaling araw pero wala talaga siyang pakialam. Ewan ko ba 'don. Trip mambulabog. Nagigising na lang ako sa tuwing napapasigaw siya habang naglalaro. Lalo na kapag siguro ay natalo siya, tapos ay hahampasin niya ng malakas ang table niya. Bakit 'di kaya 'yung ulo niya ang ihampas niya sa laptop niya nang matuwa pa ako?

Ang isa pang ikinaiinis ko ng todo kay Corn ay sa tuwing sinasaway ko siya, bigla na lang siyang magtataas ng damit para ibalandra sa akin ang pinagmamalaki niyang katawan. It sounds so stupid pero iyon ang ginagawa niyang defense mechanism laban sa akin. Para patahimikin ako. And I hate to admit it, but it definitely works.

Hindi ko siya masindak. Hindi ko siya matinag.

Sinubukan ko siyang takutin na kung hindi siya hihinto sa pambubulabog ay isusumbong ko siya kay Mrs. Salazar. Pero ang gago, binantaan ako pabalik na hindi lang raw siya ang makakalaban ko kung magsusumbong ako, kundi pati na rin mga kalaro niyang nasa katabing room lang din namin.

So ano pang laban ko?

I really need to think another way to stop him. Or else, baka maging maleta na ang mga eyebags ko.

Humanda ka, Cornelio Jose Monreal. May araw ka rin sa akin.

***

CORN

🎶
"Every moment feels right
And I may feel like a fool
But I'm the only one, dancin' with you"
🎶

"Ikaw na pala 'yan Mr. Monreal. Maupo ka."

Nandito ako ngayon sa faculty room. Ipinatawag ako ng PE teacher ko last year na si Mrs. Lucero.

The reason I'm here is because I failed her PE subject last year. Of course, I have to retake it again in order to graduate.

"So this time ay handa ka na bang sumayaw?" she asked.

I nodded kahit deep inside ay hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nagsasayaw. I fucking hate dancing!

"Hindi na puwedeng aarte-arte at hindi ka papasok sa subject ko ha? Kailangan mo itong ipasa ngayon, 'yun ay kung gusto mong gumraduate." pangaral pa nito.

Tumango ulit ako sa kanya pagkatapos ay tinulungan ko siyang bitbitin ang mga dala niyang gamit, papunta sa huli niyang klase kung saan ako makiki-sit-in.

I just want this day to end. Titiisin kong umattend sa klase niya dahil every friday lang naman ito. Pero ang sumayaw? Tss. No fucking way! I can move my body, pero sabi nga ng kaibigan kong si Drix, mas matigas pa sa punong kahoy ang katawan ko.

Himala lang ang makapagpapasayaw sa akin.

Nakarating kami ni Mrs. Lucero sa room 11-A. She introduced me to her new students at saglit rin akong nagpakilala ng aking sarili.

Pagkatapos magpakilala ay kaagad akong naghanap ng  mauupuan sa may bandang likuran.

Tinatahak ko ang gitna ng silid nang biglang mahagip ng mga mata ko ang ka-room mate kong si A-aron.

What the fuck is he doing here?

***

AARON


This is it.

Naghihintay na lang kami sa huling klase ngayong araw. After nito ay tatapusin ko agad ang paglilinis sa library and then magpapahinga na ako sa dorm.

"Good afternoon, class!"  bati ng isang ginang na siyang magiging guro namin para sa subject na Physical Education & Health. Mabilis na nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kaniyang upuan.

"I'm Mrs. Lucero and I will be your teacher for the subject, Physical Education and Health."

I like her energy. Medyo bata-bata pa ito kumpara sa mga nauna naming na-meet na teachers. Paniguradong magugustuhan ko ang klaseng ito.

"And before we start, may ipakikilala ako sa inyo na makiki-join sa ating klase," lumingon ito sa labas ng pintuan at sumenyas sa taong naroroon. "Mr. Monreal, come here and introduce your self."

Noong una ay inakala kong nagkamali lang ako ng rinig sa Apelyidong nabanggit ni Mrs. Lucero. Subalit nang tuluyang makapasok sa silid ang lalaking kanyang tinawag ay doon ko nakumpirmang siya nga ang ka-roomate ko.

"Hi, my name is Corn..."

Nagkatinginan kami ni Carlos habang ipinakikilala ni Corn ang sarili niya sa buong klase.

I can't believe this is happening. Hindi ba't Grade 12 na siya? Huwag niya sabihing may back subject siya, at sa PE pa talaga?

Pagkatapos magsalita ni Corn sa harapan ay naglakad na ito papunta sa gitna ng silid. Nagpalinga-linga ito na tila'y naghahanap ng bakanteng upuan.

Hanggang sa 'di inaasahan ay nagkasalubong ang aming mga paningin. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito nang makita niya ako. Pagdaka'y inilihis nito ang tingin sa katabi kong si Carlos. Base sa kanyang reaksyon ay mukhang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Napakamalisyoso talaga.

He sat in the empty seat beside Carlos.

Nakita kong nginitian ni Carlos si Corn ngunit hindi man lang ito kumibo. Bagkus ay idinako nito ang mga tingin sa unahan ng silid kung saan nagsasalita ang aming guro.

Mrs. Lucero gave us an overview of what we should expect from her class. As early as today ay binigyan niya na kaagad kami ng assignment dahil isang beses lang kami magkikita sa isang linggo.

Gusto niyang pumili kami nang makakapartner para sa pagpa-practice ng traditional dance number.

Nagkasundo kami ni Carlos na kami ang maging mag-partner para sa sayaw. Nang halos makahanap na ng kani-kaniyang partner ang bawat isa, ay nagtanong si Mrs. Lucero kung sino pa ang walang kapareho.

May isang nagtaas ng kamay sa unahan, at ganoon din ang nasa likurang si Corn.

"Ma'am, can I request to be partnered with Mr. Ocampo?"

Nagulat ako sa biglang sinabi ni Corn.

Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Bigla akong kinabahan. Unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi.

Nababaliw na talaga ang isang ito.

to be continued...

Where Are The Rainbows Before The Rain? (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon