X.

58 5 0
                                    

AARON

Nakatayo ako ngayon sa kanto ng Procopio Bonifacio Street. Nag-aabang ng jeep na may signboard papunta sa pinakamalapit na mall mula sa school.

Sabado ngayon kaya walang klase hanggang bukas. Gagamitin ko ang day off na ito para ma-relax naman ang sarili ko.

Sobrang stressful kaya nang nagdaang linggo. Specially dahil sa roommate kong si Corn.

Gusto pa nga ng isang iyon na mag-practice daw kami ngayong araw. Tumanggi ako kasi wala naman iyon sa plano ko. I already have plans for this day.

Isa pa, bakit ba masyado niyang dinidibdib ang pagsasayaw, eh pwede naman kaming mag-practice na lang tuwing tapos ng klase. Tutal hindi naman na kami maglilinis ng library.

Ayun, kahit magdabog siya sa sobrang inis ay nilayasan ko siya sa dorm.

Ang sabi pa niya ay hindi raw siya umuwi  para lang makapag-practice kami. Bakit? Hiniling ko ba iyon sa kanya? Akala niya siguro ay makokonsensiya niya ako. Bakit nga hindi na lang siya umuwi nang masolo ko naman ang kwarto. Mas pabor sa akin iyon.

Nang matanaw ang isang jeep na may signboard papuntang mall ay pinara ko ito. Hinintay ko munang makababa ang ilang pasahero bago ako sumakay.

Aandar na sana paalis ang jeep nang biglang may pumarang lalaki.

"Wait!"

Busy ako sa paghahanap ng barya sa aking coin purse nang maramdaman ko ang pagtabi sa akin ng lalaking kasasakay lang.

Sandali, pamilyar ang amoy ng pabango ng lalaking tumabi sa akin.

"Ikaw?"

Namilog ang mga mata ko nang makumpirmang si Corn nga ang siyang nanggi-gitgit sa akin. Nginisian niya ako habang nakahawak ang isang kamay sa steel bar ng jeep.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"It's none of your business." barang sagot niya sa akin sabay abot ng perang papel na tig-fififty. Kinuha naman iyon ng taong nasa unahan ko at ipinasa sa susunod pang pasahero hanggang makarating sa driver.

"It's for two. Kasasakay lang." mayabang nitong sabi at saka ulit lumingon sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"What?" nagtaas ito ng kilay pagkatapos ay umiling-iling. "Oh, no need to thank me. I do charity." dagdag pa nito na siya namang ikinainis ko.

"Ang kapal mo! Kaya kong magbayad ng sariling pamasahe." bulyaw ko sa kanya at humarap akong muli sa unahan para mag-abot ng bayad. "Manong suklian niyo po iyang fifty pesos, ito pong bayad ko-".

Bago pa man makuha ng nasa unahan ko ang barya ay mabilis na hinawakan ni Corn ang pulso ko para pigilan ang pag-abot ko ng bayad.

"Stop it. Nilibre ka na nga, eh. Bakit 'di ka na lang magpasalamat?" dikta niya sa akin.

"No, thanks." masungit kong tugon pero hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak-hawak ni Corn. Sinubukan kong alisin ang kamay niya ngunit maging ang kabila kong kamay ay nahuli niya.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako!" inis kong sambit kay Corn ngunit hindi ito nabahala. Ayaw niya akong bitawan na tila ba'y nakikipaglaro ako sa kanya.

Napalingon na lang ako sa unahan nang makarinig ng mahinang tawa galing sa dalawang pasaherong nakatingin sa amin ni Corn. Magkaibigan ata 'yung dalawa na halos kasing edad ko lang rin.

"Anong tinitingin-tingin niyo?" pagsusuplado ko sa dalawa, dahilan para tumigil at umiwas sila ng tingin.

Natatawa lang si Corn sa tabi ko habang sinusubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya.

Where Are The Rainbows Before The Rain? (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon