AARON
"Napaka-talk shit talaga ng gagong 'yun."
Turan ko sa aking sarili dahil sa sobrang inip. I am currently waiting for Corn here in an empty classroom. May usapan kami na magkita dito para sa practice ng sayaw na ipe-perform namin next week.
Ang sabi ko ay 5:30 kami ng hapon magkita rito subalit palubog na ang araw ay wala pa siya. Nagsisisi tuloy ako na nagpunta pa ako rito. It's Corn, malamang ay hindi na iyon sisipot para asarin ako. Tsk!!!
I knew he was trouble.
Pagkakita ko pa lang sa kanya noong PE class ay hindi na maganda ang kutob ko sa mga mangyayari.
Everything was already planned. Kami na sana ni Carlos ang mag-partner sa sayaw, kaso umepal naman itong demonyitong si Corn.
I was shocked when he insisted to be my partner.
Halos masuka nga ako kung paano siya nagpaawa kay Mrs. Lucero, eh. He even mentioned that we're roommates so it would be better kung kami raw ang magiging magkapareho.
Ulol!
Eh nasaan ka ngayong gago ka?
"Sorry, I'm late."
Napalingon ako sa lalaking humahangos habang nakatayo sa may pintuan ng classroom. His hands were on his knees. Nakabukas ang lahat ng butones ng suot niyang uniporme, mabuti na lang ay may suot siyang pang-ilalim na puting sando.
Saan ba galing ang isang ito at mukhang pagod na pagod?
"May dinaanan lang ako sandali bago magpunta rito and I've lost track of time. I'm really sorry. Kanina ka pa ba?"
He sounds so apologetic nang sabihin niya iyon.
Parang may hindi tama?
Hindi nakakunot ang kaniyang noo. Hindi salubong ang kaniyang mga kilay. Kumikinang ang mga mata niya at sobrang amo ng kaniyang mukha.
Si Corn ba talaga ang lalaking nasa harapan ko? Hindi ako makapaniwala. Ewan ko kung saang lupalop ba siya nanggaling, but his aura has definitely changed!
"N-no, kararating ko lang din." nauutal kong sagot sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit pero parang bigla akong nahiya sa kanya.
Eh?
Huy Aaron! Anong nangyayari sa 'yo? Hindi ba't dapat na sinisigawan mo ang lalaking iyan!
"Mabuti naman kung gano'n. So... Let's start?"
Napalunok ako ng laway nang sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Corn.
Tumayo ito nang tuwid at pagkatapos ay naglakad patungo sa kinaroroonan kong upuan.
Aksidente kong naamoy ang pawis niya nang hubarin nito ang suot niyang polo at isinampay sa katabi kong armchair. It does not smell bad. It does not smell good either pero may kakaiba itong epekto sa akin.
Tiningala ko ang lalaking ngayon ay nakatayo sa aking harapan.
Nakita ko kung paano tumagaktak ang pawis mula sa kanyang leeg, pababa sa kanyang dibdib. Basa na ng pawis ang itaas na bahagi ng hapit niyang sando kung kaya't mas lalong bumakat ang hubog ng kaniyang dibdib.
I shook my head.
Hindi na tama ang mga kahibangan kong ito.
"Shall we?" ani Corn.
Nalipat ang tingin ko sa nakalahad niyang kaliwang kamay.
Is this really happening?
Tumango ako kay Corn, kahit nahihiya ma'y inabot ko ang kanyang kamay at tumayo mula sa aking kinauupuan.
![](https://img.wattpad.com/cover/343521402-288-k909248.jpg)
BINABASA MO ANG
Where Are The Rainbows Before The Rain? (BL)
RomanceMatagal nang inaasam ni Aaron ang maranasan na maging independent. Kaya naman nang matanggap siya bilang iskolar sa isang all boys catholic school ay hindi niya na ito pinalampas pa. Aaron always sees himself as a strong person. Palaban, matapang...