XII.

46 6 3
                                    

AARON


"Monreal at Ocampo, punta na sa harapan."

Nagkatinginan kami ni Corn nang tawagin kami ni Mrs. Lucero. Tinanguan ko siya at sabay kaming tumayo papunta sa unahan.

Corn looks so nervous. Halata sa itsura niya na hindi pa siya handang sumayaw.

"We can do this. We can do this." paulit-ulit kong bulong sa kanya para palakasin ang loob niya.

Umiling naman si Corn at napansin kong lumunok ito ng laway.

"I can't breathe." kabadong usal nito.

I grabbed his hand at napatingin siya sa kamay namin.

"Relax lang, Corn. Basta tandaan mo 'yung mga pinractice natin. Okay?" kampante kong sabi sa kanya.

Tumango naman si Corn kaya sinensyasan ko na ang isa sa mga kaklase ko na i-play 'yung music namin.

Nagsipalakpakan at hiyawan ang lahat nang magsimulang tumugtog ang dalang cassette player ni Mrs. Lucero.

I started to move my hands and feet when I heard the queue.

Napansin kong nagsitawanan ang ilan sa mga kaklase ko kaya naplingon ako sa aking katabi.

Corn is also moving his hands pero hindi gumagalaw ang mga paa niya. Bakas ang pagkalito sa ekspresyon nito.

"Corn." tawag ko rito kaya napalingon siya.

I gave him a look na gayahin ang steps na ginagawa ko. Nakuha naman niya iyon kaya unti-unti ay nasabayan niya na rin ang beat ng musika.

Until we became synchronised.

Wala pang dalawang minuto ang tugtog namin kaya kaagad rin kaming natapos.

Malakas na palakpakan ang natanggap namin nang huminto ang ang music galing sa cassette.

"Good job! Kailangan mo lang ng kaunting practice pa, Mr. Monreal." komento ni Mrs. Lucero kaya sumilay ang ngiti sa mga labi ni Corn.

Nang makabalik sa upuan ay napansin ko ang pawisang mukha ni Corn. Mabuti na lang at may dala akong extrang panyo kaya inabot ko iyon sa kanya.

"Oh, 'di ba? Sabi ko na sa iyo, eh. Kaya mo ring sumayaw." ani ko kay Corn.

Lumingon ito sa akin at tinanggap ang hawak kong panyo. "Thanks." tipid nitong sagot at saka pinunasan ang pawis sa kanyang mukha.

Ilalagay na sana niya sa bulsa ang panyong pinahiram ko subalit pinigilan ko siya. "Akin na 'yan."

Nagtataka itong lumingon sa akin. "Palalabahan ko pa ito bago isauli sa iyo." saad niya.

Umiling naman ako at pilit na kinuha ang panyo mula sa kanya.

"No need. Ako na."

Wala naman siyang nagawa dahil naagaw ko na ito pabalik.

"Gusto mong sumama sa'min ni Carlos mamaya? Kakain kami ng tusok-tusok sa may park."

Pagkasabi ko noon ay nilingon ni Corn si Carlos na nasa kabilang upuan katabi ang partner niya sa sayaw. Pagkatapos ay lumingon ito ulit sa akin para sumagot.

"I'll pass. Kayo na lang muna. May lakad rin kasi kami ni Drix mamaya." tugon nito.

"Ah, ganoon ba. Sayang naman. Sige, next time na lang."

Parang biglang nabawasan ang excitement ko para mamaya nang malamang hindi pala siya makakasama sa amin ni Carlos.

Ewan ko. Nitong mga nagdaang araw ay naging close kami ni Corn. Araw-araw kaming nagpa-practice ng sayaw hanggang sa 'di na namin namamalayan ang takbo ng oras. May mga times na inaabot kami ng dilim sa classroom kapag napapasarap kami sa pagpa-practice ng sayaw, at pati na rin kuwentuhan.

Where Are The Rainbows Before The Rain? (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon