AARONNATAPOS ANG ika una, ika-lima at ika-labimpitong sayaw ni Inez sa kaniyang 18 roses.
Tumayo si Corn mula sa kinauupuan at naglakad papunta sa gitna kung nasaan sina Inez at ang kasalukuyang kasayaw nito. Ipinasa ng lalaki ang kamay ni Inez kay Corn na kaniyang huling sayaw.
"Ang guwapo talaga ng boyfriend ni Inez, 'no? Mapapa-sana-all ka na lang." saad ng katabi kong si Marj habang pinapapak ang food na sinerve sa amin kanina. Hindi ko pa ginagalaw ang sa akin dahil inuubos ko muna ang aking inumin.
"Naku, hindi niya boyfriend si Corn. Hindi sila mag-jowa." paliwanag ko dito dahilan para kumunot ang kaniyang noo. Uminom muna ito bago muling nagsalita.
"Huh? Paano mo naman nasabing hindi mag-jowa ang dalawang 'yan. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita kung gaano sila ka-sweet, oh?" sagot ni Marj sa akin sabay turo kay Corn at Inez na kapwa nakatingin sa isa't isa, habang sumasayaw sa saliw ng isang mabagal na tugtugin.
Napainom rin ako sa hawak kong blue lemonade.
Nakahawak ang mga kamay ni Inez sa magkabilang balikat ni Corn, habang ang mga kamay naman ni Corn ay nakahawak sa kaniyang bewang.
Ilang saglit pa ay nagsimulang maghiyawan at kantiyawan ang mga nakakakilala sa kanilang dalawa. Of course, they want them together.
I hate to admit it, pero bagay naman talaga silang dalawa. They both look great. Para nga silang isang prinsipe at prinsesa na sumasayaw sa isang music video, eh.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Habang ang iba ay natutuwa sa kanila. Para bang sumisikip naman ang dibdib ko habang pinanonood sila.
I shook my head.
"Hindi sila. Si Corn na mismo ang nagsabi sa akin na friends lang sila ni Inez at walang ibang namamagitan sa kanila. Kahit nga ako mismo ay hindi rin naniwala noong una. Ilang beses ko nang sinubukang paaminin si Corn, pero hindi daw talaga sila mag-jowa. Trust me, friends lang 'yang dalawa." pangungumbinsi ko kay Marj but she just gave me a bitter smile. Mukhang ayaw niyang maniwala na walang namamagitan sa dalawa.
"Well, kung totoo man 'yang sinasabi mo ay mahina pala itong si Inez. Para ka nang naka-jackpot kapag naging boyfriend mo iyang si Corn, oh. Guwapo, matangkad, mukhang gentleman at mukhang ang bango-bango pa! Check na check at pasok na pasok sa banga! Kung hindi 'yan jo-jowain ni Inez ay naku, ako talaga ang jo-jowa diyan kay Corn." kinikilig na sambit ni Marj sabay hampas ng mahina sa aking braso. Napakamot tuloy ako sa ulo dahil sa naging reaksiyon niya. Mukhang tinamaan rin pala ang isang ito sa karisma ni Corn.
Napailing akong muli sa kaniya.
"Ikaw? Magpapaligaw diyan kay Corn? Naku, huwag mo nang pangarapin dahil napakasama ng ugali ng taong iyan."
"Really? Parang hindi naman? Ang amo-amo kaya ng mukha ni Corn, so paanong magiging masama ang ugali ng isang mala-anghel na kagaya niya?" nagtatakang tanong nito, pagkatapos ay nagpatuloy sa pagnguya sa kaniyang pagkain.
"Believe me. Mag-roommate kami kaya alam na alam ko ang ugali niyang si Corn." umiiling kong tugon.
Bigla namang naningkit ang mga mata ni Marj sa akin. Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tinidor, at saglit na tumigil sa pagkain.
"W-what?" tanong ko rito dahil sa makahulugan niyang tingin.
"Alam mo Aaron, kaunti na lang talaga ay paghihinalaan ko nang may something sa inyo ni Corn." sagot nito habang nakatutok sa akin ang hawak niyang kutsara.
Muntik na akong malaglag sa kinauupuan dahil sa sinabi niya.
"Ano?! B-bakit mo naman nasabi 'yan?" iniwas ko ang tingin sa kaniya at inilipat sa hawak-hawak kong baso. Napalunok ako ng laway.
![](https://img.wattpad.com/cover/343521402-288-k909248.jpg)
BINABASA MO ANG
Where Are The Rainbows Before The Rain? (BL)
RomanceMatagal nang inaasam ni Aaron ang maranasan na maging independent. Kaya naman nang matanggap siya bilang iskolar sa isang all boys catholic school ay hindi niya na ito pinalampas pa. Aaron always sees himself as a strong person. Palaban, matapang...