Simula

132 8 10
                                    

Napamulat ako ng wala sa oras, hingal na hingal ako. Sapo sapo ang aking dibdib, para akong nanggaling sa ilalim ng balon.

Sinipat ko ang aking kwarto, tahimik at walang ebidensya ng kahit ano, hanggang sa mapadako ang tingin ko sa mesa ko.

"Kelan pa nagkalibro diyan?" tanong ko sa sarili ko. Dahil sa pagkakaalam ko ay wala iyan ng matulog ako.

Tumayo ako para tignan kung ano iyon, ngunit sa pagtataka ay napa atras ako. Ang aklat na binili ko sa isang antique shop, masdo iyong luma na wari'y galing sa ibang dimensyon. Iyon ang nakahiligan ko, ang mangulekta ng mga antigong aklat, siguro ay namana ko iyong kay inay, ang sabi niya kasi noon sakin may kung anong kakaiba daw na feeling ang nararamdaman niya sa tuwing nakakahawak siya ng antigong aklat, makapal ito at lumang luma na base sa istrakura nito, talaga nga namang antigo na.

Sa pagkakaalam ko ay nasa book shelves ito at wala dito, mariin ko itong tinitigan.

Napalunok ako, parang may kakaiba sa aklat na iyon. Muli ko iyong tinignan ngunit parang may malakas na pwersang humihila sakin na buksan iyon.

At namalayan ko nalang ang sarili ko na binubuksan na iyon.

I was taken aback to what I've read and see...

Nakasulat doon ang pangalan ko...Catalina Darina Stella Crevier.

Dahan dahan ko itong binasa, ngunit para akong sinuntok sa malakas na enerhiya na pumaloob sa buong kwarto.

Agad ko iyong nabitawan pero huli na ng tamaan na ako ng malakas na enerhiya...mabilis na lumabo ang aking mata at unti unti na akong nilamon ng matinding kadilimang ngayon ko lang naranasan...

"AAAAAH!" napasapo ako sa aking dibdib. Hinahabol ang aking hininga, agad kong inilibot ang paningin ko sa aking silid, wala namang nangyari, wala namang liwanag. Dumapo ang tingin ko sa mesa ko, walang libro doon...

Nakahinga ako ng maluwag, dahil ang akala ko totoo na iyon coz it seems so real. Para bang totoo, nangilabot ako bigla lalo na ng umihip ang malamig na hangin, dali kong tinungo ang bintana upang isarado. Naiwan ko nga pala itong nakabukas kanina, nang maisarado ko na iyon ay naka hinga na ako ng maluwag.

Ngayon lang ako naka encounter ng ganoong panaginip, medyo nababahala ako kasi feeling ko totoo talaga iyon. Muli akong humiga sa kama ko at ibinalot ang sarili ko sa kumot.

Ugh! Bad dreams! I thought it was fucking real. Nag sign of the cross ako para hindi na ako managinip ulit ng ganoon.

I sighed.

Napa tingin ako sa wall clock, it's already 3 in the morning.

I yawned.

I close my eyes and hope that I'll never dream of it again...

Catalina Darina Stella Crevier.

I heard someone muttered my name pero para bang hinihila na ng mata ko ang aking talukap at sinasabing wag ng initindihin ang boses na iyon...wala nakong nagawa dahil mas nanaig ang antok ko kesa sa utak ko...

To be continued...

Reality of DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon