Kabanata 6.
Nanginig bigla ang buong katawan ko kasabay ng pag atras ko. Nakuha ko ang atensyon ng lahat dahil sa pag atras ko. Namutla ako sa sobrang takot, napahawak ako sa kamay ko ng mahigpit. I don't know what to do, I can't able to speak.
"I-I'm s-sorry." hinging paumanhin ko. Para akong naiiyak kahit wala namang sapat na dahilan, para akong inaway ng buong tao sa mundo, ganon yung nararamdaman ko.
"Oh God!" rinig kong singhap ni Ash. Napahawak nalang ako sa pisngi ko ng nay naramdaman akong luha doon. Naiyak na pala ako?
Dali dali kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at pilit na ngumiti sakanila.
"You're crying!" agad akong dinaluhan ng dalawa. Kinurap kurap ko ang mata ko para maiwasang muli ang pagpatak ng luha ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang bilis kong umiyak, nakaka bwesit kasi hindi ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko.
Hindi naman ako dati ganito. Hays.
"Wag kanang umiyak Stella. He didn't mean it." bulong sakin ni Ems. Napabuntong hininga ako bago tumango.
"Tss." rinig kong sabi ni KED. Siya yung kapatid ni Lord Corwin, siya yung lalaking sobrang cold at walang ka rea-reaksyon. Literal naman talaga na masama ang ugali niya. No doubt.
Kaya naiinis ako kung bakit ako naiiyak ng ganito. Para kasing sobrang naging big deal sakin ang salita nito kahit alam kung masama talaga ang ugali niya! Dapat sinasagot ko siya pero parang may naguutos sakin na hindi ko kaya.
I sighed.
"Pasok na tayo Ems." aya ko sa kanilang dalawa kahit ramdam ko parin ang paninitig nila sakin. Agad namang tumango ang dalawa saka ako hinila papasok.
Basta nalang ako nagpahila pero nagawa ko paring lungunin ang mga lalaki na may naawang ekspresyon sakin. Mas lalo akong nagulat ng mapadako ang tingin ko sakanya, malamig itong nakatitig sakin at matigas ang reaksyon. Nakatagis din ang perpektong panga nito habang mas lalong nadepina ang brownish nitong mata.
I sighed.
He's damned perfect...
Ilang oras ang lumipas at napakabagal matapos ng klase, ngayon ay uwian na. Sabi nga nila, kung kelan ka masaya saka mabilis ang oras, eh kaso ngayon baliktad. Kung kelan ka malungkot saka mabagal yung oras. Psh!
"Stella, okay kalang?" mahinang tanong sakin ni Ems, habang pasimpleng sumulyap sakin. Tumango ako dito, medyo okay nako. Natakot lang talaga ako sa lalaking iyon, para bang sobrang laki ng kasalanan ko dito, bakas na bakas kasi sa expresyon nito ang inis sakin. "Ganon talaga iyon si Ked, masasanay karin sakanya." Tumango nalang ako at hindi na umimik pa. Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa may bintana.
Huminga ako ng malalim bago tumayo, "Miss, can I go out?" tanong ko. Agad namang tumango ang prof namin kaya tumayo na agad ako. Nakakuha rin ako ng atensyon pati sila Ash at Ems nakatingin sakin, hindi ko nalang iyon pinansin pa at nagpatuloy sa paglabas.
Naging mas mapagmatyag na ako sa paligid ko, kahit na mangilan ngilan lang naman ang tao dito sa hallway, yung mga students na nasa break nila or yung mga mamayang hapon pa.
Hindi ako dumiretso sa powder room kundi sa garden nila na nakita ko nung papunta kami sa classroom. I need some air, naninibago pa kasi ako sa ambiance ng lugar na ito, miski rin sa mga tao dito. You know what I mean...
Alam mo yung feeling na kahit anong gawin ko hindi ako mabibilang sa lugar na ito? Ganon, basta I felt different.
Umupo ako malapit sa isang bench doon, this place was awesome. Puno ng matatayog na puno at naggagandahang roses, nakakatuwa silang pagmasdan. I really love rose's kahit may torn ang mga ito. Still maganda parin sila, mahirap nga lang silang patubuin.
BINABASA MO ANG
Reality of Darkness
VampireIs there a reality in darkness? Or it's just an illusion? Come and discover the lies beneath the truth.