Kabanata 1.
Minsan naiisip ko bakit ba sumisikat ang araw? Bakit naulan? Bakit ako nahinga, bakit parang ako ang palaging bida? Bakit parang sakin sumisentro ang mundo. Totoo kayang may mga ibang tao sa ibang mundo, totoo kayang may bampira, totoo kaya ang witch, na kung may kapangyarihan ba talaga.
Nakakainis kasi sa lahat ng tanong ko ni isa wala akong masagot. Dumarating sa punto na sumusuko nalang ako sa mga tanong ko. Frustrated ako sa buhay ko, sa ingay ng kapitbahay, sa kunsitidor na step sister ko at sa ingay ng pamangkin ko na ubod ng sutil.
Nakakaiyak kasi kahit gusto mo ng suntukin pero di mo magawa, ang nakakaasar pa doon kahit mali na ginagawa nung bata kinakampihan parin ng magaling niyang nanay.
Ako na siguro ang taong puno ng tanong at problema. Di kaya isa nakong baliw? O kaya Psycho? Sometimes I wonder life six feet below the ground even in heaven, naiisip ko kung may buhay paba doon. That's how weird I was. Thinking those stupid things made me realize that my mind really capable of thinking out of this world things.
"Stella!! Bumaba kana nga dito! Bwesit ka talagang bata ka! Tanghali na di kapa rin nakakaluto! Put*** i** ka talaga ke tamad tamad mong palamunin ka!" halos tumalon ako sa sobrang gulat sa sigaw ni tiya Brena.
Dali dali akong tumayo sa kama ko, nawala tuloy yung pagmumuni muni ko. Bwesit! Siya ang ikalawang asawa ni Papa, pero dahil dalawang taon na siyang patay ay nagtitiis ako sa bibig ng aking tiyahin.
Ako nga pala si Catalina Darina Stella Crevier, 20 years old. Iyon muna sa ngayon dahil rinig ko na ang sigaw ni tiya.
Nasa may unang baitang palang ako rinig ko na ang iyak ng anak ni Fabetta. Anak ni tiya sa unang asawa, mas matanda ito ng limang taon sakin. Never akong tatawag ng ate sakanya dahil unang una hindi ko naman siya kapatid.
Tamang tama naman at nalingunan ako ni tiya kaya madali kong binaybay ang hagdanan.
"Oh, buti at nagising kanang bata ka! Napaka tamad mo talaga hindi ko alam ang gagawin ko sayo! Bwesit talagang buhay ito!" litanya niya. Hindi nalang ako umimik, dahil kapag ginawa ko iyon magsasagutan na naman kami.
"Oh! Sulat para sayo! Ewan ko kung anong nasa loob niyan, hindi ko naman mabuksan. Put*** i** niyan!" pabalang niyang hinagis yung papel kaya hinabol ko ito na hindi bumulusok sa sahig.
"Hoo, buti nalang hindi ka nahulog." bulong ko. Sapo sapo ang papel na nasa may bandang dibdib ko dahil sa paghabol ko.
Isa itong itim na sulat na may naka engrave na gold seal sa gitna, ano kayang sinasabi ni tiya na hindi niya mabuksan? Hinawakan ko yung seal at dahan dahan iyong tinanggal, nagtataka naman akong napalingon kay tiya, anong di mabuksan eh kay dali nga lang. Sipain ko 'tong si tiya eh.
"Oh akalain mo! Nabuksan siya ng ganon ganon lang?! Bakit tayo kanina halos masira na natin yung papel pero di talaga mabuksan!" pasikla niyang sabi. Pero hindi iyon ang concern ko, dahil itong sulat na ito ang pinagaalala ko, nakaramdam ako ng matinding kaba para bang nakaka excite na ewan o baka naiihi lang ako. Hmm? mas bet ko yung ikalawa.
"Ano pang tinutunga-nga mo diyan Stella?! Basahin muna ng malaman na natin kung ano yung nasa loob niyan!" bakas sa mata ni tiya ang pagka excite as if namang may pera dito.
Huminga ako ng malalim bago unti unting binubuklat ang nasabing sulat, abo't abot talaga ang kaba ko, hindi ko naman alam kung bakit.
I bit my lower lip.
Napatulala lang ako sa sulat, hindi parin mag sink-in sa isip ko ang nabasa ko.
"Anong sabi? Ha?! Ano?" usisa ni tiya.
BINABASA MO ANG
Reality of Darkness
VampireIs there a reality in darkness? Or it's just an illusion? Come and discover the lies beneath the truth.