Simula

497 12 4
                                    

To die is better than to live.



Nakapikit ang aking mga mata pero kanina pa mulat ang aking diwa.


Kahit may mga naririnig akong mahihinang bulungan na indikasyon na may tao sa paligid ko ay pinanatili ko ang aking mga matang nakapikit. Ayoko muna silang makita.


"Kasi masyado niyong ino-spoiled 'yung bata kaya gan'yan; lumalaking paurong at pa-bobo—"


"Ate naman... ganito na nga nangyari sa kan'ya gan'yan pa mga sasabihin mo? Kailangan ni Raji ng mga salitang makakabuti sa kan'ya, hindi 'yung gan'yan." Base sa boses at sa malumanay na pagsasalita ay si tita Ruth ito.


"Ayan, kaya gan'yan ang batang 'yan kinukonsinti mo, Ruth! Pabigat na nga, kung ano-ano pa pinag-gagagawa ng tanginang bata na 'yan!"


"Ate!"


"Oh, bakit? Totoo naman, pabigat 'yan!"


"Hindi siya pabigat sa 'kin, Ate. Kahit kailan hindi magiging pabigat sa 'kin si Raji—"


"Ewan ko sa 'yo, Ruth! Tanga ka talaga pagdating d'yan kay Raji 'no? Pasaway na bata, pag-aaral na lang ang gagawin hindi pa maayos! At ito pa, kung ano-ano pang kaartehan ang ginagawa sa buhay! Depress-depress-an kunwari! Eh, nag-aaral lang naman 'yan, ah? Ano nakaka-depress doon? Nasa isip niya lang 'yan!" Tila may sama ng loob na daldal nito.


Nag-aaral lang naman 'yan!


Alam kaya ng ilang tao o parents kung gaano nakakapagod mentally, emotionally at physically ang pag-aaral? 'Yung tipong hindi ka makapag reklamo kasi hindi pwede, wala kang choice. Kasi syempre iisipin mo at ng iba na mas mabigat pa rin 'yung nararamdaman ng nag papa-aral sa 'yo, 'yung kapag nakakaramdam ka ng pagod iisipin mo na lang na para naman sa 'yo 'to.


Pero alam ba nila kung paano nakakaubos 'tong pag-aaral? 'Yung mga gabing wala kang tulog para lang makapag review, makapag sagot ng mga activities o makagawa ng projects. 'Yung mga breakdown mo sa gabi kasi natatakot kang mag fail sa buhay o dahil natatakot ka sa mangyayari sa presentation mo kinabukasan. 'Yung kung paano mo unti-unti nasisira sarili mo dahil dito.


"Kailangan niya lang talaga ng love, Ate... 'tsaka ng serious treatment. May nabasa ako tungkol sa nangyayari kay Raji, it's say na Raji is one of the depressed kids na—"


"Hindi mo ba ako narinig kanina, Ruth? Ano mag sasayang na naman tayo ng pera para lang d'yan? Para lang kay Raji?" Kung siguro nakikita ko lang siya ngayon, panigurado ay pulang-pula na ang mukha nito dahil ramdam ko na ang gigil niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. "'Tsaka halos wala na ngang gawin 'yan dito sa bahay! Tapos sasabihin mong depressed 'yan? Gago! Ka-artehan lang 'yang depress-depress-an! Ayang kabataan, puro ka-artehan, ni wala pa nga sila sa kalahating edad tapos kung makapag sabi na depressed, mga gago! Sana lang talaga natuluyan na 'yang bata na 'yan! Sana mamatay na siya!"


"ATE!"


How I wish natuluyan na lang talaga ako.

The Beginning Of The EndWhere stories live. Discover now