Katulad ng nakasanayan ko ay nandito ako ngayon sa 7/11. Ayun lang, walang Avery na naka-duty.
"Si Avery po?" Tanong ko sa lalaking may katangkaran. Tiningnan ko ang kan'yang name tag. Michael.
"Ah, si Av?" Tumango na lamang ako rito kahit hindi sigurado kung si Avery ba ang tinutukoy niya. "Ay wala ngayon 'yun," saad niya habang inaayos ang istante na malapit sa counter. "May sakit."
Kumunot ang noo ko. "Sakit ho? Ano?" Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata nitong lalaki na may pangalang Michael.
"Trangkaso, naulanan 'ata noong isang araw kaya ayun may sakit." Dapat talaga hindi na kami naligo sa ulan that day. Kung sino pa talaga ang nag-aya siya pa ang nag ka-sakit.
"Saan po ba siya nakatira?"
"Bawal sabihin,"
"Pero kaibigan naman niya po ako, eh." Saad ko rito habang sinusundan siya papunta sa isang lamesa na may kalat.
"Kaibigan lang?" Mahina niyang saad.
"Po?"
"Naku hindi talaga, Miss. Baka mamaya scam ka—"
"Kuya, sa mukhang 'to scammer?" Nakataas ang kilay ko habang nagtatanong.
"Malay ko ba—"
"Sige na, Kuya sabihin mo na kung saan siya ngayon para ma-check ko kung okay ba siya." Pamimilit ko rito.
Umiling-iling ito. "Hindi talaga pwede, Miss. Kung gusto mo tawagan mo na lang siya at kumustahin." Bago umalis sa harapan ko si Kuya ay may sinabi pa ito ngunit hindi ko maintindihan.
Huminga na lamang ako nang malalim at sinunod ang sinabi ni Kuya na tawagan siya. 'Agad ko dinail ang number niya at tatlong ring pa lang ay sinagot na ito.
"Raji?" Mahina.
Mahina at halos pabulong na tawag ni Avery sa 'kin mula sa kabilang linya.
Gano'n ba kataas ang lagnat niya?
"Avery? How are you?" Umupo ako sa pwesto namin at nilabas ang ilang reviewer ko. "Nagulat ako kanina, hindi ikaw 'yung nasa cashier." Kwento ko rito. "Ang sabi may... sakit ka. Kumusta ka naman?"
"Mataas lang lagnat ko, pero umo-okay naman na." Tumango-tango ko na para bang nakikita niya ako ngayon. "Sa convenience store ka pa rin until now?"
"Yes, may gusto ka bang ipabili? Pwede kong ihatid kung na saan ka man."
Tumawa ito nang mahina. "Thanks for your offer, pero tinanong ko lang kung nand'yan ka pa dahil anong oras na, eh. Hindi mo pa naman ako kasama." Napangiti ako.
YOU ARE READING
The Beginning Of The End
RomanceA short story. (Completed) She wanted to die. She wanted to live. At an unexpected place and time, two different people happened to meet. What can love do for them? Is the love that is growing between them helping them hang on to each other despite...