Kakatapos lang namin ni Avery mag review.
Tama, namin dahil this time hindi niya lang ako sinamahan; tinulungan din.
Nandito kami ngayon sa rooftop ng hospital kung saan kami unang nagkita. Gusto raw kasi ni Avery manood ng sunset dahil ilang araw na raw niyang hindi nakikita ito.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" Umiling ako.
"Busog pa, ang dami kong nakain na gummies kaya." Sa bawat tama kasing sagot ko sa tanong niya ay may prize akong gummy.
"Sabi sa 'yo mamaya mo na lang kainin 'yun, eh. Wala ka pa ngang kain ng kanin." Reklamo nito habang ino-open ang water bottle na bubuksan ko sana.
"Thank you," tukoy ko sa pag-abot niya sa 'kin ng tubig na bukas na.
"Mamaya bababa ako para kunin 'yung inorder ko." Saad niya habang nakatingin sa 'kin. Tumango ako rito at inayos na ilang paper na ginamit ko pag scratch. "May gusto ka bang ipabili?"
"Wala na, busog pa nga ako."
"Oo nga pala."
Nang matapos ko nang ayusin ang mga papel ay tinitigan ko si Avery.
"Namumutla ka," maputi naman talaga si Avery, kaso kakaiba ang puti nito ngayong araw. "Wala kang tulog ulit?"
Tumango ito at umupo sa tabi ko. "Oo, sana nga mamaya makatulog." Given naman na hirap siyang makatulog dahil may insomnia siya kaso three days straight na siyang walang tulog.
"What if samahan kita matulog?" Gulat itong tumingin sa 'kin. "I mean kasi 'yung kaibigan ko na si Eli, hirap din siya makatulog minsan kaso kapag kasama naman niya is natutulog parang nahahawa siya sa antok nito."
"Nakakahiya, 'wag na."
Pabiro akong umirap dito. "Nahihiya ka pala?" Tumawa naman ito nang mahina. "Ano nga? Gusto mo ba? Pwede naman ako mamaya, eh."
"Tingnan ko, may duty ako mamaya, remember?"
"Tangek ka, hindi mo naman kasi kailangan ng pera, eh. Absent ka muna. Ta-try lang naman natin, eh." Nakangiti kong saad. "Edi kapag hindi nag work, at least sinubukan 'di ba?"
"Okay na nga, we will try na." Napangiti naman ako dahil dito. Maya-maya lamang ay tumunog ang kan'yang cellphone. "Nand'yan na raw 'yung order ko, sandali." Tumango na lamang ako rito at tumingin sa relo ko. 2 minutes na lang ay mag sa-sunset na.
Pagdating niya ay sakto naman nag halo-halo ang mga kulay sa kalangitan.
"Ang ganda," tumango ako rito at kinuha ang cellphone. Pinicture-an ko siya habang nakatingin sa sunset. "Hoy delete mo 'yan."
YOU ARE READING
The Beginning Of The End
RomanceA short story. (Completed) She wanted to die. She wanted to live. At an unexpected place and time, two different people happened to meet. What can love do for them? Is the love that is growing between them helping them hang on to each other despite...